"Very good Ms. Dinglasan! Your answer is definitely the one that I'm expecting. Keep it up!" papuri ni Mrs. Ledesma sa akin matapos kong sagutin ang kanyang tanong tungkol sa aralin namin ngayong araw
Kitang kita ko sa mukha niya ang tuwa sa aking naging tugon. Lalo na sa kanyang mga mata na sumisingkit na ngayon dahil sa lubusang pag ngiti dala ng galak at pagkamangha
Bakas naman sa mukha ng mga kaklase ko ang labis na paghanga habang pumapalakpak pagkat ni isa sa kanila ay walang naglakas ng loob upang sagutin si Mam, tanging ako lang yata ang nagtaas ng kamay kanina
'Bakit kaya?'
Baka naman nahihiya lang sila na sumagot...kasi unang araw pa lang ng eskwela. Natural. Hindi pa kami masyadong komportable sa isa't isa.
Kahit na sa bawat subject ay hindi nawawala ang kanya kanya naming introduce yourself portion.
Nasaulo ko na nga yata ang mga pangalan nila sa daming beses na naming nagsalita at nagbigay ng kanya kanya naming mga detalye tungkol sa aming mga sarili.
Tumunog na ang bell. Hudyat na tapos na ang aming klase sa umagang ito. Sa wakas. Makakain na din. Kanina pa akong ginugutom dito.
Hindi kasi ako nag umagahan kanina dahil sa sobra kong pagmamadali. Dala siguro ng sobrang kasabikan na maging maaga sa unang araw ng pasukan ko bilang isang estudyante ng AAA.
Nasanay kasi akong sa isang simpleng school lang ako pumapasok. Public... sa madaling salita. Kaya ganto na lang ang asta ko ngayon. Medyo kailangan ko munang sanayin ang sarili ko sa ganitong lugar. Nasanay na talaga kasi ako sa mahirap at masikip na kapaligiran. Hindi pa ako sanay.
Tatayo na sana ako ng biglang may lumapit sakin na tatlong babae.Tiningnan ko sila isa-isa.
Sa unang paglapat pa lamang ng aking mga mata sa kanila kanina ay napagtanto ko ng may sinasabi sila sa buhay. Mayaman. Sa madali't sabi... mapepera.
Inalala ko ang kani kanilang mga pangalan at kung hindi ako nagkakamali ay sila sina Abby, Micka at Gail. Magkakatabi sila kanina at mukhang magkakakilala na bago pa lamang magsimula ang klase. Buti pa sila may kakilala na. Ako kaya? Kailan ba ako makakahanap ng kaibigan rito?
"Hi! I'm Abby. Ang galing mo kanina grabe! Imagine ikaw lang yung nag iisang nagtaas ng kamay para sumagot kay mam. Ang witty mo ghorll!" pangunguna nya sa pagsasalita sabay lahad ng kamay sakin.
Hindi maiwasan ng aking mga mata na suriin ang bawat parte ng kanyang mukha pagkat para sa akin ay perpektong perpekto ito.
Kulot ang dulo ng kanyang medyo may kahabaang kulay brown na buhok...kung titingnan mo itong maigi ay parang gumamit pa ito ng isang instrumento para lamang maging kulot iyon. Curler yata ang tawag roon kung hindi ako nagkakamali.
Maganda rin ang kanyang mga mata... bagaman malalaki ay bumagay naman ito sa medyo makapal nyang kilay at mahahabang pilikmata.
Matangos ang kanyang mga ilong at kahit hindi mo tingnan ng maigi ay mapapansin mo ang iilang mga tuldok tuldok sa kanyang mga pisngi na bumagay sa kanyang morenang kutis.
"Ah...salamat! Tyamba lang yun." nahihiya kong tugon sa kanya "Ako nga pala si Aya! Matagal na ba kayong magkakakilala? Napansin ko lang kanina na parang ang close niyo na simula pa lang ng unang subject natin", pagpapatuloy ko sabay lahad ng kamay upang makamayan sya,
Anlambot naman ng kamay neto. Sabagay kung mayaman naman kayo. Poproblemahin mo pa bang maglaba at gumawa ng mabibigat na gawaing bahay? Siguro ay pila na ang mga kasambahay ng mga ito.
"Naku! Oo matagal na kaming magkakaibigan. Simula pagkabata pa lang namin ay kami na ang magkakasama. Eto nga pala si Gail!" turo niya sa isang babaeng mala anghel sa ganda.
YOU ARE READING
Who Are You?
Novela JuvenilBilang isang babaeng lumaking maraming pangarap sa buhay, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Napakalaking bagay na matupad ang isang pangarap na matagal na niyang inaasam, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon...