Ang ingay ng lansangang dahilan ng napakaraming tao at umaarangkadang sasakyan ang nakapagpagising sakin mula sa napakalalim na pagkakahimbing,
Kinusot ko ang aking mga mata't sumilip sa bintana ng bus na sinakyan namin kanina. Sa aking paggalaw ay naramdaman ko ang sakit ng aking pwet sa katagalan ng pagkaka upo dahil sa haba ng naging byahe.
'Ito na ba ang maynila?'
Iginala ko ang aking mga mata sa paligid. Namilog ang aking bibig dala ng pagkamangha at pagkagulat pagkat... ngayon lamang ako nakakita ng mga gusaling ganito katatayog at kagaganda!
Sa pagkakatanda ko kasi ay tatlo hanggang limang palapag lamang ang pinakamataas na establisyimentong mayroon saming probinsya... ang nasa harap ko ngayon ay hindi ko na mabilang pa! Ni hindi na nga maabot ng aking paningin ang tuktok ng ilan sa mga ito,
'Ano kayang itsura ng loob nito?'
Nabalik lamang ang aking mata sa loob nang daglian akong hinawakan ni nanay sa aking braso dahil malapit na pala kami sa may pier,
Nang makababa kami sa pampublikong bus na iyon ay bumungad kaagad sa amin ang nakakasulasok at mabahong amoy ng usok ng dyip mula sa tambusto nito,
Mabilis namang kumilos ang aking mga kamay upang takpan ang ilong at bibig ng dalawa kong mas batang kapatid na mas napagtuonan ko pa ng pansin kaysa sa aking sarili. Kaya't ganun na lamang kabilis ang paghabol ko sa aking hininga matapos kong pigilan ito ng ilang saglit upang hindi ko malanghap ang mabahong amoy na iyon,
Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid.Nakakamanghang hindi man lamang nila inalintana ang amoy ng hangin dito,
Una kong napansin ang mga konduktor na hindi pwedeng mawala sa ganitong lugar. Hindi sila matigil sa paglapit sa mga pasahero para lamang alukin ang mga ito upang sumakay sa kanya kanyang bus na kanilang inirerekomenda,
Samantalang medyo may karamihan din ang mga nagtitinda ng samu't saring pang pasalubong o di kaya nama'y pangmeryenda ng mga naiinip na pasahero dahil sa katagalang umusad ng mahabang pila,
"Aya, halika na at sasakay pa tayo ng dyip para makarating sa bagong tutuluyan natin. Baka abutan na tayo ng dilim kapag hindi pa tayo nagmadali" untag sakin ni nanay nang mapansing hindi ako kumikibo magmula ng makababa kami kanina
Agad naman akong tumalima sa kanyang sinabi. Pumara na si nanay ng dyip at naunang umakyat upang salubungin kami sa loob.Pinauna ko na muna ang mga nakababata kong kapatid na sumakay bago ako sumalta't maghanap ng maaaring maupuan,
Tumingin ako sa magkabilang bahagi ng dyip.Nang silipin ko ang kanang bahagi nito ay muka na silang sardinas sa sobrang sikip at kakulangan sa espasyo. Sa kaliwa naman ay mayroon akong nakitang kaunti ngunit ni kalahati yata ng aking pang upo ay hindi na magkakasya pa roon
'Pano na 'to ngayon?'
Si Letlet ay kalong na ni nanay ngayon sa kanyang mga binti samantalang si Macky naman ang na kay Klin.
Sinipat ko ang mukha ng ibang mga tao rito't ramdam ko mula sa kanila ang labis na pagka inip at pagmamadali... kaya't wala na akong ibang pamimilian pa kung hindi umupo na lamang sa gitna at kumapit sa bakal na nasa itaas nitong bubong.
'Sana lamang ay matagalan ko ang ganitong posisyon hanggang mamaya'
"Aya, ayos ka lang ba diyan? Kung gusto mo ay palit na lang tayo ng pwesto" akmang tatayo na si nanay nang pigilan ko sya
"Ayos lang po ako nay! Hindi naman po ganun kahirap ang pwesto ko"
Palusot ko. Kahit unti unti ko ng nararamdaman ang pagsakit ng aking mga binti sa maikling oras ko pa lamang na pag upo rito.
YOU ARE READING
Who Are You?
Teen FictionBilang isang babaeng lumaking maraming pangarap sa buhay, hindi lamang para sa kanyang sarili kundi pati na rin sa kanyang pamilya. Napakalaking bagay na matupad ang isang pangarap na matagal na niyang inaasam, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon...