Chapter 11

375 75 0
                                        

It's been 3 days simula 'nung nakauwi ako galing sa bahay nina Dahlia. Iniiwasan ko sya lagi sa School dahil medyo nahihiya ako sa inasta ko sa bahay nila. Napagtanto ko na napaka-petty ng reason ko para magalit.

Kanina ay nakipag-switch ako kay Mira ng upuan para hindi ko sya katabi, at hindi naman pumapasok sa mga afternoon classes ko at dumidiretso lamang sa SSG office dahil andoon si Kendra to teach me para sa Competition.

Nagbigay naman ako ng excuse letter sa lahat ng mga subject teachers ko sa hapon, explaining why I can't attend their class at thankfully ay pinayagan ako and just gave me paperwork's na kailangan kong kunin sa faculty rooms nila after class.

I closed my locker kasabay ng pagtingin ko sa relo ko. "12:34 P.M.," I mumbled. Hindi pa ako kumakain ng lunch, at wala akong balak na kumain dahil siguradong andoon sya.

sighed, habang pinagmamasdan ang mga pang hapon kong libro na ngayon ay hawak-hawak ko. Hanggang ngayon, wala akong clue kung sino ang may gawa nito, I tried thinking kung sino ang pwedeng gumawa but wala talagang sumasagi sa utak ko.

Unless.... It's 'him'.

Tama, maybe sya ang may dahilan bakit nagka-ganito ang mga libro ko.

Never ko syang nakitang pumapasok sa kahit anong klase namin simula noong nag-away kami. I thought dahil takot syang Makita ulit ako, or preparing a horrible 'prank' na gagamitin nya against sa akin. I never knew he would stand this far.

I remember how he threatened me, na hindi pa kami tapos, but this... This is an unacceptable crime.

Napahigpit ang pagkaka-kapit ko sa aking mga libro. Tangina mo Farrell kapag nakita kita mamaya sisiguraduhin kong hindi kita titigilan hanggang sa magsabi ka ng totoo.

Nilagay ko ang mga ito sa loob ng bag ko and decided to tell Kendra the truth. Bahala na kung mapagalitan ako, basta I need the SSG permission slip para makabili na ako ng mga bagong libro. I don't want to continue asking people if they can share their books with me.

Pagkalabas ko ay eksaktong may naglalakad mula sa kabilang side, kaya parehas kaming napatigil. Ngunit laking gulat ko nang nakita ko kung sino ito.

It was Her..

She looks mad, and worried at the same time. Sinubukan kong umiwas but she immediately held my wrist, tight enough for me to stop. "Iniiwasan mo ba ako?" She asked.

"what? Of course not..haha..why would I?" She arched her brow in apparent dissatisfaction with my remark as I retorted tensely with my other hand behind my neck.

"Galit ka ba?"

No idiot! I'm embarrassed!

Gusto kong sabihin iyon sa kanya, kaso nakakahiya kaya 'wag nalang.

"No I'm not, trust me," I lied. I want to get out of here as soon as possible, ayokong manatili pa ng isa pang segundo kasama sya. I always feel awkward kapag kasama ko sya, My heart always has this unidentified rhythm every time I'm with her.

Damn it.

"Nag-lunch ka na?" Umiling ako, "Hindi pa, didiretso pa ako sa SSG office dahil may meeting pa ako kay Kendra, bakit may kailangan ka ba?"

Her eyes darkened, but kept her emotions calm. Damn, matindi nga ang away sa pagitan ng magkapatid na ito. "I want to have lunch with you," She said Frimly.

"I can't, I'm sorry, Marami akong gagawin, malapit na ang competition ko, and I can't risk the possibility na matalo kapag umabsent ako sa practice, kahit isang beses lang," I gave her a reassuring smile, " Next time nalang," Dagdag ko.

Pain Of Her ThornsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon