[Chapter 11]:Ate Shara!!!

380 9 0
                                    

Shara Pov:

Kinaumagahan pagpasok ko antok na antok ako. Ni hindi ko nga naintindihan ang klase ni Sir Bautista sa Science subject namin. Panay kasi ang pagbagsak ng mga mata ko subalit pilit ko pa rin nilalabanan. Hanggang sa mag break time na nga.

" Ghurla anu bang ginawa mo kagabi at napuyat ka? ". Tanong ni Alola habang naglalakad kami ng mabagal sa corridor. Ang sakit kasi ng ulo ko. Dala ng kulang sa tulog. Napuyat lang naman ako dahil sa pag gawa ng cupcake na plano ko nanaman ibigay kay Sevix. Mahilig siya sa mga sweets alam ko lalo na kung cute yung itsura nito.

Nanuod pa talaga ako ng YT para lang magaya yung favorite cartoon character niya na Sofia the first. Ang pagirl diba. Dinaig pa ako ng Kuya niyo. Imbis na sagutin si Alola ay inabot ko nalang sa kaniya yung dala kong box. Maliit lang naman siya kasi Six pieces lang ginawa ko na cupcakes. " Wow! Cupcakes.... ang sharap nito Shara! ". Excited na wika niya.

" Hindi sayo. Para yan kay Sevix ". Giit ko. Yung kumikislap niyang mga mata nagliyab bigla. " Nagpuyat ka para lang gawin ito? buwis buhay Shara? ". Ayan porke dahil kay Sevix yun cupcake nagalit na siya. " Huwag mo na ako sermonan Alola Please! Igagawa nalang din kita mas masarap pa diyan. Punta muna tayo canteen. Gutom na talaga ako e sumasakit pa ulo ko ". Daing ko sa kaniya at palusot nadin.

Sa sakit ng ulo ko di ko na kaya pang pakinggan ang isesermon sakin ni Alola. I want peace and quite environment pero malabo yun lalo na nandito kami sa canteen. " Oh may gamot ako sa sakit ng ulo but go eat first para may laman yang tiyan mo ". Suhestiyon niya sabay abot sakin ng inorder niyang mga tinapay.

Kumuha na ako ng tinapay. Kinuha ko na din yung gamot na inaabot niya sakin. " Thanks Alola, sweet mo talaga sakin bestfriend ". Pagpapacute ko sa kaniya. " Ewan ko sayo Shara. Magpapakamatay ka na ata para lang diyan kay Sevix e. Kung ako sayo dun ka nalang kay Yanson. Atleast yun kaya kang iappreciate di gaya ni Sevix. Almost 14 years mo na siyang crush. Five years old ka palang ay di ka na niya pinapansin. Kung talagang di pa ako makapagtimpi. Ibabagok ko na yang ulo ni Sevix at ng matauhan naman na nagpapakatanga ka sa kaniya ".

Sweet niya talaga. Kaya ayaw kong naririnig sermon niya sakin kasi sumasapol talaga ito sakin. Napopoint out niya kasi talaga yung issue sakin. Huminga siya ng malalim sabay tuon ng atensyon sa pagkain. " Kailan mo balak ibigay yan? ". Pag-iiba na niya ng usapan.

Haha kung magalit siya kanina willing to help pa din naman pala. Kaya love na love ko ito si Alola e. Suwerte ko at bestfriend ko siya pero mas masuwerte siya sakin haha. " Ubusin mo na muna yan food mo tapos uminom ka ng gamot ". Utos niya ng di ko masagot ang tanong niya. Sinunod ko nalang si Doktora Alola kesa magalitan pa ako ulit.

Habang kumakain kami ay dumaan si Ma'am Jana sa harapan namin. Nung makita niya kami ay binalikan niya pa talaga kami sa table namin. " Nandiyan ka pang pala Ate Shara kanina pa kita hinahanap. Come with me dali!!! ". Di pa man ako nakakasagot ay hinatak na ako ni ma'am papaalis sa canteen.

Wala na din nasabi pa si Alola dahil nakalayo na kami sa kaniya. Hindi ko pa naman naiinom yung gamot na bigay niya sakin. Ang masaklap pa e naiwanan ko sa table dahil sa biglaang pangangaladkad nitong si Ma'am Jana. Umakyat kami sa department ng Juniors sa second floor kung saan ang music room.

Walang tao rito kundi kami lang ni Ma'am Jana. " A-anu pong ginagawa natin dito ma'am ". Tanong ko agad sa kaniya kasi nakakapagtakang kami lang dalawa ang nandidito. " Because I want to talk to you alone. Walang puwedeng makaalam ng sasabihin ko sayo ". Sagot niya.

May ganun? Nakakasuspense naman yung pagkakasabi ni Ma'am. " Tugkol po ba saan ang sasabihin niyo sakin? ". Tanong ko pa. Hindi kasi ako mapakali dahil kumikirot yung ulo ko. Hindi enough na nakakain lang ako. Need ko ng gamot pero naiwan ko yun kanina dun sa table sa canteen ng higitin ako ni Ma'am papunta dito. Kapag minamalas nga e.

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon