Shara Pov:
" Alola baka hindi ako makasabay sa lunch sayo mamaya.... ngayon na kasi umpisa training ko. Sina Dana at Naomi muna makakasama mo ". Pagpapaalam ko ng maayos kay Alola kasi baka magtampo siya dahil isang linggo din bali ang lilipas na di kami magkikita gaano at magkakasama.
May mga subjects naman na papasukan ko pa din pero sa palagay ko dala ng pagod sa training di ko din magawang mapasukan ang subjects na yun kaya all in all ay nakaexcuse ako. Nasasakin kung papasok ako sa subject o hindi. " Anu ka ba Ghurla it's okay. Naiintindihan ko naman. Tsaka para sa section natin ito kaya support kita all the time. Ayaw ko din ipag kait ang Chance na mas mapalapit ka kay Sevix mo! Kaya G lang. Basta kapag mayroon di magandang nangyari sayo just call my name and I'll be their (Wink*) ".
Anu daw? Anyare sa kaniya haha. Daming alam but sweet. Niyakap ko na siya tapos beso sa tigkabilang cheeks. Malelate na ako strict pa man din trainer ko. Hindi si Ara kundi si Sevix. Gusto niya palaging on time. Kaya bago pa mag usok ang ilong nun sa galit ay magpapaalam na muna ako dito kay Alola. " See you Alola ". Wika ko habang kumakaway papalabas ng room. " See you Ghurla kung kailan ka free! ". Tugon niya na ikinangiti ko.
" Good luck Shara!!!! ". Cheer pa ng mga classmates ko. " Thank you guys... bye ". Tumingin na ako ng diretso sa dinadaanan ko. Baka mamaya madapa pa ako, ang shonga ko kapag nangyari nga yun. Tinakbo ko nang full force ng speed ko ang buong building namin papunta sa Juniors Department. Dahil mabagal akong maglakad ang ginawa ko ay todong karipas sa pagtakbo. Walang pahinga-pahinga hanggang sa marating ko nga ang music room.
Bukas na ito at means nandito na sila Sevix at Ara. " Patay late na ata ako! " Bulong ko sa hangin. Napakisap pa ako while biting my lips. Humugot muna ako ng lakas ng loob bago pumasok sa music room. Nalimutan ko kasi sa bahay yung relos ko kaya hindi ko tantiyado ang oras. Late naman ang set ng oras ko sa phone so hindi din ito maaasahan. Babaguhin ko nga mamaya.
" Anung oras na Shara??? ". Bungad na bungad agad sakin ni Sevix. Hindi ko pa makita ang itsura niya sa paghugot ko ng lakas dahil sa nakakapagod sobra na pagtakbo. Pero hulaan ko salubong na ang dalawa niyang kilay at kunot na kunot na ang noo niya habang nakahalukipkip pa. Tumunghay ako to check na tama ba ang mga hula at tumpak ganurn, hinding-hindi ako nagkamali sa hula ko. Singkit na singkit ang mga mata niya dahil sa inis sakin.
Si Ara naman e standing pretty lang sa tabi niya. Pachill-chill at fresh ang aura ng Ate niyo. Di tulad nitong si Sevix, ang stress ng itsura, nakakahawa ang kahagardan niya. Pampa-bad vibes ang aura ni Sevix. Pero gwapo pa din naman siya kaso nga lang nakakatakot na gwapo. " Anu pa tinitingin-tingin mo, magpunas ka na ng pawis mo! Pawisan ka na! Magsisimula na training mo! ". Ani niya na akala mo siya ang magtuturo sakin e magiinupo lang naman siya mamaya kasi si Ara ang talagang magtuturo sakin.
But wait, concern siya? Enebe nikikilig ako haha. Haaaay Shara keaga-aga nag aassume ka. Sa malamang sinabi niya lang yan kasi diring-diri siya sayo dahil sa itsura mong wet na. For his information kahit ganito ako kapawisan ay mabango pa din ako and most of all maganda. Baka nga nahahotan na din siya sakin e haha.
Tinalikuran niya na ako dahil uminom siya ng baon niyang tubig. Oh diba bigla siyang nauhaw sa kahot-tan ko haha. Pagtalikod niya nag make face ako na wari bang ginagaya siya kung paano siya kagalit sakin ngayon. Lihim naman akong tinatawanan ni Ara na nahalata ata ni Sevix. Kasi napatingin ito kay Ara kaya agad akong sumeryoso, kunwaring punas ng pawis well nagpupunas naman talaga ako.
" Game na ako! ". Ani ko after makapag patuyo ng kaunti lang naman na pawis. Nakatshirt lang ako ngayon tapos P.E pants. Pinagsuot na agad ako ni Ara ng heels. Para daw mas masanay pa ako. Sanay naman na akong nagsusuot ng heels kaya madali na sakin. Magstretching muna ako ng mga buto.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) Completed
Teen FictionDo you believe in love? or love at first sight? Most of the people believe on what they are saw and feel. Some of us also believe to those sentences na kababanggit lang. Wala naman kasing masamang maniwala basta alam mong 50% ng paniniwala mo e kasa...