[Chapter 19]:Home sweet home

322 11 0
                                    

Shara Pov:

" How's Haya our little Angel? ". Kinikiliti ni Daddy si Haya short for Sharaneya my cutie little pamangkin. Our guardian angel. The first baby on our family na anak ni Kuya Shonie at Ate Rana. Nandito kasi ulit sila ngayon. Madalas talaga sila dumalaw dito or minsan kami ang dadalaw sa condo ni Kuya kung saan sila muna nakatira habang ginagawa pa ang future house nila.

Karga-karga ni Kuya Shonie si Haya habang si Ate Rana naman ang nagpapakain dito. Tulong pa talaga silang dalawa mapakain lang si Haya at aaminin kong ang cute nila tignan. We are all here sa sala. Kasama si Dad, Mom, at yung dalawa ni Kuya Shanon at Kuya Shekel. " Dada! ". Tawag ni Haya sa Daddy niya nung kargahin ni Mommy si Haya. " Haha Darling I think Haya don't want to be with you ". Wika ni Daddy kay Mommy upang matawa kaming lahat.

" Darling you too mean! Off course she likes me. Love lang talaga niya si Shonie kaya ganiyan! ". Dahilan ni Mommy huwag lang maokray ni Dad. " If you say so! ". Tugon naman ni Dad tapos pinasimplihan siya ni Mom na kurutin. Para silang mga bata.

I'm glad na ganito ang pamilya namin. Okay lang, kung may porblema man ay nasusulosyunan agad. " Tata! Tata ". Sambit ni Haya nung makita niya ako. Umakto siyang gustong magpakarga sakin. Dahil dun napatingin sakin silang lahat. Lumapit naman ako kay Kuya Shonie at kinuha mula sa kaniya si Haya. Agad naman sumama si Haya sakin na ikinaiinggit ni Mommy.

" Bakit Shonie, sakin ayaw sumama ni Haya pero kay Shara! ". Nagtatampong saad ni Mommy para tawanan namin siya. " We have a same name po kasi Mommy that's why she loves me and she wanted to be with me ". Asar ko kay Mommy. I saw her pouted pero ngumiti din naman agad. " Magkamukha din kami diba Haya? ". Ninose to nose ko si Haya at todo tawa ito sa tuwa sakin.

" Are you practicing to be a Mom Shara? ". Rinig ko na wika ni Kuya Shekel. Mabilis ko siyang nilingon. Nakangisi siya ngayon ng nakakaasar. " Off course not! ". Sagot ko. " Kung nagpapractice man si Shara sinong Ama? ". Pakikisabat naman ni Kuya Shonie. Seriously ngayon nila ako pagtutulungan sa harapan pa talaga ni Haya. " Wala! ". Sagot ko na di nila pinansin.

" Sino pa ba edi si Sevix na crush na crush niya ". Pagsakay din ni Kuya Shanon. Napapout ako sa kanila. " Mom, Sad sila Kuya oooh inaasar nanaman ako! Ate Rana si Kuya Shonie ooohhh! ". Sumbong ko. Pero imbis na tulungan nila ako ay tinawanan pa nila ako. Ang sweet ng family ko. " Haya ang bad nila sakin! Kampihan mo si Tita ah ". Pagbabaling ko nalang ng atensyon kay Haya kesa pakinggan ang mga pang-aasar nila sakin.

" Tata! ". Tawag sakin ni Haya upang mapangiti ako at mapawi ang inis kasi inaasar nila akong lahat. Well may part na kinikilig ako kasi kay Sevix naman nila inaasar pero nakakainis pa din kasi inaasar nila ako ng wala sa timing haha. Dapat kasi tinatimingan nila para feel ko din at masakyan ko sila haha.

Habang tawa sila ng tawa dahil sa mga biruan nila tungkol sakin ay mayroon akong biglang naalala. " Ayyy Kuya Shanon by the way I just remember. Sino nga pala Kuya yung kasama mo sa Cafe kanina? Siguro around 5:00 pm yun ". Pumaibabaw ang bigla ang katahimikan ng tanungin ko yun kay Kuya Shanon. Yung mukha ni Kuya biglang sumeryoso. Napawi ang mga ngiti niya sa labi habang kami naman ay nakangiting inaabangan ang isasagot niya sa tanong ko sa kaniya.

Anu ka ngayon? haha nasa kaniya naman ang spot light. It's time for his turn to be the star for these night haha. E kasi kanina nung papauwi na ako galing ngang mall kasi magsashopping dapat kami nila Ara at Sevix kaso nasaktuhan naman nagkaroon ng emergency si Ara kaya kami nalang dalawa ni Sevix ang ang shopping which is good haha chour syempre naaawa din ako kay Ara pero thankful din ako sa kaniya kasi nagkaroon kami ng time si Sevix magroon ng solo flight.
Daig pa namin nag date kanina hehe. Assumera nanaman ako.

So mabalik tayo kay Kuya Shanon. Nakita ko kasi siya sa Cafe na mayroon kasamang babae. Sigurado akong si Kuya Shanon yun dahil memorya ko ang lahat ng sasakyan namin lalo na ang mga sasakyan ng kapatid ko. Si Kuya Shekel loyal siya sa Lamborghini brand ng kotse. Si Kuya Shonie naman umiikot ang kotse niya sa dalawang brand, ang Mercedes at Ferrari while Kuya Shanon like Kuya Shekel e stick to one siya sa isang brand and ang favorite brand niya ng kotse is McLaren. Ako naman ay wala pa kasi di pa ako allowed.

" Ah S-she was my new assistant. Yup she is ". Tila di sure na sagot ni Kuya. May kakaiba akong kutob sa sagot niya but okay fine kung yun edi yun. Kasi si Kuya Shanon never siyang nagtago samin kaya kapag sinabi niya pinaniwalaan agad namin. " She's pretty ha! ". Ani ko. Ngumiti naman siya kaso parang pilit. Hindi ko na lang yun pinansin at nagfocus kay Haya. Nilaro-laro ko lang si Haya hanggang sa matapos na ito sa pagkain.

Nang makatulog si Haya ay kumain na din kami. Tumagal kami ng halos thirty minutes sa hapag dahil nagkukuwentuhan din sila at taga kinig lang ako ganun din si Kuya Shekel. Minsan natatanong nila kami but kadalasan e tungkol sa business ang napapag-usapan nila. After eating dinner ay lumakad muna ako sa pool side ng bahay.

Gusto ko kasi magpalamig muna at magpahangin na din. Naupo ako sa gilid ng pool at dun isinulbot ko ang paa ko sa tubig. Nilaro-laro ng mga paa ko ang tubig. Hinahampas ng malamig na hangin ang buhok kong nakapony tail. Nilanghap ko ang sariwang hangin at napakasarap nito sa feeling. Habang nag-iisa ako ay kusang pumasok sa isipan ko ang ala-ala na nangyari kanina lang umaga sa mall noong magkasama kami ni Sevix. Lalo na yung sinabi niya sakin sa chat niya na.....

" Let's see kung kaya mong makuha ang puso ko Sharana Valtocris? ". Nagpapaulit-ulit ito sa isipan ko at kung gaano ako mas nabuhayan ng loob nung marecieve ko ang chat niya. Hindi ko inaasahan na magchachat siya sakin at talagang ganito pang klase ng message na mas nakakaboost ng fighting spirit. Mas lalo akong ginanahan at higit sa lahat mas lalong tumibay ang paniniwala ko na darating din ang point na magiging same na ang feelings namin ni Sevix. At hindi na ako makapag hintay na mangyari ito.

" Ahmm Puwede ba kitang samahan? ". Napalingon ako sa nagsalita. Tinitingala ko siya dahil nakatayo siya ngayon. " Ate Rana ikaw po pala ". Sambit ko. Nginitian niya ako pagkatapos ay naupo sa tabi ko. Nakaindiat sit siya habang nakaharap ang posisyon sakin. " Anung ginagawa mo rito at mag-isa ka lang? Last time na nag isa ako. Umiiyak ako noon sa tabing dagat.... ". Kuwento niya.

" Dahil ba ito kay Kuya Shonie? ". Tanong ko na mas lalo niyang ikinangiti. Bahid sa malambot at manipis na labi ni Ate Rana ang pagmamahal na kahit kailan ay hindi mapapantayan ng kahit sino man. At ang pagmamahal na yun ay ang mayroon sila ngayon ni Kuya Shonie. " Wala akong ibang minahal o naging crush sa buong buhay ko kundi si Natcher lang. Nag-kacrush ako pero sa mga artista. Tsaka hindi nagtatagal, hanggang paghanga nga lang talaga kaya lang yang Kuya mo. May pagka malandi e ".

Pagkasabi niya nito ay natawa ako. Kaya pati siya ay natawa na din. " Naalala ko tuloy sa sitwasyon mo ngayon yung ako habang iniiyak ang sakit na nararamdaman ko nang malaman kong mahal pa din ni Natcher yung ex niya. Sobra akong nasaktan nun kahit fake lang naman talaga kami ". Dagdag pa ni Ate.

Lumamya ang ngiti ko. Naisip ko kasi bigla yung sitwasyon niya noong mga oras na nasasaktan siya. Pakiramdam ko ay nandun din ako kahit kinukuwento niya lang sakin. " Sana Ate hindi ako umabot sa ganiyan. Yung iiyak dahil malalaman kong hindi ako kayang mahalin ng crush ko dahil mayroon siyang mahal na iba ". Lumungkot bigla ang boses ko.

Kahit pa kasi nabigyan man ako ng kaunting pag-asa dahil sa kanina ay nanduduon pa din ang doubt sa isipan ko, ang pag-aalalang posibleng sa huli ay talo pa din ako. " Off course not. It won't going happen to you're story Shara. Magkaiba tayo ng kuwento! ". Malambing niyang wika. Isiningit niya sa tenga ko ang hibla nang buhok na nakahiwalay sa pagkakatali.

Totoo magkaiba kami ng kuwento ni Ate but she knows gustong-gusto ko na hilingin na sana magkapareho nalang kami kasi natatakot akong ang maging ending ng story ay kasalungat ng naging ending ng love story nila ni Kuya. " Dalaga ka na talaga Shara! ". Sambit niya pa. Napangiti ako sa sinabi niyang ito.

" Maganda din diba Ate ". Puri ko sa sarili haha syempre biro lang talaga yun. " Naman! Mana ka sakin e haha ". Pagsakay niya sa kalokohan ko. That's why I love her e. Dahil mas naiintindihan niya ako. Masaya akong siya ang babaeng minahal ni Kuya Shonie. Masaya akong siya ang naging Ate ko. " Puwedeng sumugal Shara pero huwag sobra, remember that okay? I know na yang pagmamahal mo ang magiging susi sa pintuan nakasara sa puso ni Sevix ". Payo niya.

" Opo Ate, thank you so much Ate. I love you ". Niyakap ko siya at niyakap din niya ako pabalik. " I love you too so much Shara dito lang si Ate Rana for you ganun din sila Kuya Natcher mo at Haya. Kaming lahat okay! Dito lang kami. We love you so much! ".

Sa kabila nang mga pagwawalng pansin sakin ni Sevix ay biniyayaan naman ako ng pamilyang sobra-sobra ang suporta na ibinibigay sakin at napakagaan, napakasaya, at nakakaoverwhelmed ang hatid nilang suporta para sakin. I'm happy to have these kind of family.... with full of love.....

What a home sweet home!!!!

Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon