Shara Pov:
Buong gabi hindi ako pinatulog ng pag sakit ng ulo ko. Hindi naman na ako ulit nilagnat kaya lang walang humpay ang pag-iyak ko. Iyong tipong walang tunog kasi ayaw kong marinig ng mga kasama ko sa bahay. Tsaka diba nangako ako kay Kuya Shekel, hinding-hindi ko na iiyakan si Sevix. Once ko ng nagawa iyon at para gawin pa ulit sa second time tanga na talaga ako.
At Oo aaminin kong tanga ako kasi umiyak nanaman ako for the second time pero walang nakakaalam kundi ako lang. Wala din akong planong mag open kahit kanino, kahit pa sa mga kaibigan ko, kay Manang, kay Ate Rana o kung kanino pa man. Gusto ko pero hindi puwede. Kasi paniguradong sesermonan nila akong lahat. Kasi naman Shara binalaan ka na nila ikaw pa itong makulit at nagpumilit kaya ayan. Take the risk, tanggapin mo ang consequence nang kapasawayan mo. Magdusa ka mag-isa.
Maagap akong pumasok. Kasama ko nga ngayon ang mga kaibigan ko nandito kami ngayon sa Dating Booth as usual dahil gusto daw nilang sulitin ang huling araw na ito ng Foundation Day dahil after nito next week ay back to reality na kami. Back to work work work and study hard. " Uyyyy Ghurla kanina ko pa napapansin na parang ang tamlay mo tapos pugto pa yan Mata mo, umiyak ka ba? ".
Natauhan ako sa pagkakatulala sa kung saan dahil sa tanong ni Alola. " H-ha? Ako umiyak? Bakit naman ako iiyak. Ahhhhhhh Oo nanuod kasi ako ng K-drama kagabi. Dinadamdam ko pa din yung nangyari! ". Pagsisinungaling ko. Oo na ako na ang best liar e kasi ayaw ko lang malaman nila na kaya pugto ang mga mata ko ay umiyak lang naman ako dahil kay Sevix ay mali dahil sa katangahan ko.
" Talaga! Anung title watch ko rin! ". Singit ni Naomi. " Ha? Title? L-limot ko na e. Nacarried away kasi talaga ako sa scene ". Sagot ko. Nadismaya naman itsura ng mukha niya. " Sayang naman! Debale girl congratulations ulit. Sabi na ikaw mananalo e ". Pag-iiba na ng usapan ni Naomi. Ngiti lang naitugon ko sa kaniya. " At dahil nanalo ka may treat kami sayo mamaya, but it's a surprise ". Wika ni Alola.
Pilit ko silang nginitian. Ewan ba. Di kasi talaga ako okay. Kaya kahit gustuhin kong maging masaya e ang hirap. " Ubusin na muna natin itong mga pagkain natin! ". Dagdag ni Naomi. Ibinuhos ko nalang ang lahat sa pagkain. Nakailang fries ako na paboritong-paborito ko. Sabi nga kapag broken hearted ka edi ikain mo lang yan. Kain lang ng kain!
Isusubo ko palang ang last na piraso ng fries sa plate ko ng matigilan kaming lahat kasi mayroon lumapit samin na mga Third year Collage. Babae siya, maganda Oo tapos maputi. Sa likuran niya may mga kasama pa siyang lalaki dalawa. Anung mayroon? " Ms. Sharana? ". Tanong niya sakin. " Oo bakit? ". Sagot ko. Ngumirit ito ng todo, ngirit na di katiwa-tiwala. " Ms. Shara hinuhuli po namin kayo sa salang pagsusuot ng ribbon sa buhok bilang head dress! ". Nagulat ako sinabi niya.
" Anu? Hinuhuli niyo ako! Sandali dahil lang sa ribbon ko. Edi huhubarin ko ". Ani ko. " (Umiling) hindi po puwede. Sumama ka nalang samin! ". Sabi niya pagkatapos hinawakan na ako sa kamay nung dalawang lalaki na kasama niya. " W-wait! Ayaw ko! Girls help naman oh! ". Tinignan ko sila nung hinihigit na ako nitong dalawang lalaki papaalis na sa Dating Booth.
Ang mga babae tinitigan lang ako! " Huuuuy! Diko niyo ako tutulungan! ". Sigaw ko. " Shara tubusin ka nalang namin mamaya. Baka pati kami makulong e. Tsaka for sure mag eenjoy ka sa loob ng kulungan! ". Sagot nila. Abat! Paano nila nagawa sakin ito. Ang pabayaan lang akong tangayin ng kung sino. Waaaah!
" Saan niyo ako dadalahin? ". Kabado kong tanong. " Sa kulungan Ms. Shara! ". Sagot nitong babae na nangunguna sa paglakad samin." Waaaah! Pakawalan niyo na ako Please!!! ". Pagmamakaawa ko. Alam ko naman mababait sila kaya may awa pa sila upang pakawalan ako. " Hindi puwede! Kailangan mo munang makulong for a couple of time ". Giit nila. Napapout nalang ako sa katigasan ng mga puso, atay, at balunbalunan nila. Hindi sila naaawa sakin. Sabagay gusto ko din mapag-isa muna.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang Please!!! (Ezadera Series) Completed
Teen FictionDo you believe in love? or love at first sight? Most of the people believe on what they are saw and feel. Some of us also believe to those sentences na kababanggit lang. Wala naman kasing masamang maniwala basta alam mong 50% ng paniniwala mo e kasa...