DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form or by any means without the prior consent of the author.
WARNING: Unedited po ito kaya asahan ang mga error. Salamats and enjoy reading po.
xxx
Prologue
Naglalakad ako sa isang napakalaking museum, pinag-aaralan ko ang bawat sulok ng silid. Kinabisado ko rin ang ilang pasikot-sikot.
Habang pasimple kong pinag-aaralan ang museum ay napatingin ako sa isang painting na nakasabit sa pader.
Napatitig ako roon, ang painting kasi ay may isang hari na nakaupo sa isang magarbong upuan habang nakapalibot dito ang nasa labing-walong babae. Napataas ang isang kilay ko.
"Alam mo ba na mayroong k'wento sa likod ng painting na iyan?" Napatingin ako sa kanang bahagi kung saan nakatayo roon ang isang babaing nasa mid-fifties na. May suot itong salamin at nakapusod ang buhok nito, nakatitig ito sa painting.
"Ano po?" Magalang na tanong ko. Humarap naman siya sa akin at ngumiti bago niya ibalik ang tingin sa painting.
"Sabi nila ang hari na iyan ay si Haring Greco Juanico, ang haring mayroong labing-walong asawa. Sabi nila na isa sa mga asawa niya ay ninanais na maangkin ang truno ng hari, isa sa mga asawa niya ang traydor at pinatay siya." Nagkaroon ako ng interes sa k'wento ng babae.
"Ano pong nangyari?" Tanong ko.
"Namatay ang hari at nagtagumpay ang isang traydor, ang sabi nila iyang painting na iyan daw at nagliliwanag sa gabi at naghahanap ng isang taong napili nila para baguhin ang isang k'wento." Napataas ang isang kilay ko na napalingon sa matandang babae. Nakaharap pa rin ito sa painting, mayamaya ay humarap sa akin ang matandang babae. Ngumiti ito sa akin.
"Isang k'wento lang naman iyan at hindi totoo," sabi ko. Lalo lang siyang ngumiti sa akin.
"Mag-iingat ka ineng dahil ang tadhana mo ay nakaukit na," sabi niya sa akin bago siya umalis naiwan naman akong nakakunot noo.
"Zandre," tawag sa akin mula sa earphone na suot ko.
"Bakit?" Tanong ko kay Hazel na siyang nagsalita.
"Aalis na tayo," sabi niya sa akin.
Sumulyap muna ako sa painting bago ako tumalikod at maglakad paalis sa museum.
Kampante akong nakaupo sa isang monoblock na nakapalibot sa bilog na lamesa.
"Ito ang blueprint na nakuha ko kanina," sabi ni Hazel habang nilalapag sa gitna ng table ang blueprint na pinapakita niya.
"Ang bawat pasukan at labasan ng museum ay puno ng bantay, kaya naman dito tayo dadaan," sabi nito habang nakaturo sa isang pintuan sa pinakalikod ng museum. "Walang nagbabantay riyan kaya maaari tayong pumasok diyan."
Napatango naman ako habang nakatingin sa blueprint.
"Ang King and Wives lang ang kukunin nating painting," sabi naman ni Joven habang nilalagay niya ang picture sa ibabaw ng blueprint.
Ang painting na naroon ay ang painting na tinitigan ko kanina.
"Bakit ito, akala ko ba iyong painting na Liquid ang kukunin natin?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
The 19th Wife
FantasySi Lizandrea o mas kilalang Zandre ay isang magnanakaw. Nagnanakaw siya ng mga bagay at binebenta ito bago ipamigay sa mga kapos palad ang pera na nakuha niya sa pangnanakaw. Subalit isang pagkakataon na nanakawan nila ang isang museum ay isang pan...