[ Unedited chapter ]
Kabanata 3
Abala ang lahat ng tao sa loob ng palasyo dahil sa paghahanda ng kasal namin ng hari.
Samantalang ako ay boring na boring na dahil nasa loob lang ako ng kwarto ko. Gusto ko sana gumala sa loob ng palasyo kaso may mga babaing nakasunod sa akin lagi.
Sa loob ng kwarto ko hindi sila pumapasok at sumusunod sa akin hanggat hindi ko sila tinatawag, kaya naman ang kwarto ko na lang ang nilibot ko kaso boring pa rin ako gusto ko lumabas na walang sunod ng sunod sa akin.
Pumunta ako sa veranda ng kwarto ko at tumingin sa labas. Mula sa kinakatayuan ko ay nakikita ko ang loob ng kaharian ng hari sa labas ay hindi ko nakikita dahil sa mataas na pader. Sobrang taas noong pader na iyon na hindi kakayanin ng mga magnanakaw na gaya ko akyatin iyon.
Matatalino rin mga tao rito tapos ang yayaman pa mukhang marami pangbayad sa mga materyales e.
Ang ganda ng view ko mula sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa baba, hindi pa naman malabo ang mata ko kaya nakita ko roon sa garden ang isang babaing may magandang kasuotan nakaupo siya sa may upuan ng harden habang may tinatahi itong tela.
Isa siguro iyon sa mga asawa ng hari. Bigla akong napangiti ng may pumasok na ideya sa isipan ko.
Lumabas ako ng kwarto ko nakita ko roon ang mga babaing nakakulay green na mahabang dress.
"Umalis na kayo, huwag niyo na ako sundan ngayon, maglilibot lang ako sa palasyo," sabi ko sa kanila.
"Subalit Binibini hindi ka namin maaaring iwan na lang," sagot sa isang babaing naka kulay green.
"Pwes ngayon pwede na, sige kayo kapag hindi niyo ako sinunod ay isusumbong ko kayo sa mahal na hari na hindi niyo sinunod ang utos ko sa inyo," sabi ko sa kanila.
Nag-alangan naman silang nagtitigan, mayamaya ay tumango sila at marahang umalis.
Napangiti naman ako sa ginawa nila. Nagpalit muna ako ng damit na nakahanda sa loob ng kwarto ko. Nakaputing damit na mahaba lang kasi ang suot ko, sabi sa amin kanina ay sa tuwing aalis daw ako sa kwarto ko ay kailangan ko raw isuot ang isa sa mga nakahanda na mga damit na nasa kwarto ko.
Pinili ko isuot ang kulay blue na dress, para iyong pang prinsesang damit. At sobrang ganda talaga nito para akong isa sa mga disney princess.
Matapos ko masuot ang dress ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta ako sa garden.
Pagkaratin ko roon ay nakita ko ang isang babaing nakakulay red na gown, ang ganda nito nakafishtail ang mahaba nitong buhok na itim na itim para itong buhok ni Elsa sa Frozen kaso black lang ang kulay ng buhok niya at hindi blonde.
Lumapit ako sa kanya.
"Hello," bati ko sa kanya. Nqpatingin naman siya sa akin, nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kanya.
"Binibining Marikit," sabi niya sa akin. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Napatingin ako sa kamay niya tinatapik ang tabi niya.
"Maupo ka Binibini," mabait na sabi niya sa akin.
Nakangiti naman akong umupo sa tabi niya. Tinigil niya ang pagtahi niya at humarap siya sa akin.
"Ikinagagalak kitang makilala, Binibining itinadhana na makakapagbigay ng tagapagmana sa mahal na hari," sabi niya sa akin.
Tinitigan ko naman siya, napakaganda niya. Mayroon siyang maliit na mukha at maninipis na labing kulay rosas, mayroon din siya matangon na ilong at kulay itim na mata. Makinis siya at maputing babae rin.
BINABASA MO ANG
The 19th Wife
FantasySi Lizandrea o mas kilalang Zandre ay isang magnanakaw. Nagnanakaw siya ng mga bagay at binebenta ito bago ipamigay sa mga kapos palad ang pera na nakuha niya sa pangnanakaw. Subalit isang pagkakataon na nanakawan nila ang isang museum ay isang pan...