Kabanata 1

42 5 0
                                    

Kabanata 1

Marahan kong binuksan ang aking mga mata, pagdilat ng mata ko ay isang matandang lalaki ang nakita ko.

"Mabuti naman at gising ka na Binibini," sabi sa akin ng matandang lalaki, nakasuot ng kulay puti na long sleeves.

Inikot ko ang aking paningin sa loob ng silid kung nasaan ako. Nakita ko na nasa kakaibang lugar at hindi pamilyar na lugar ako. Magaganda ang disenyo sa silid kung nasaan ako.

Marahan akong umupo mula sa napakalambot na kama.

"Nasaan ako?" Tanong ko, napahawak ako sa balikat ko nang nakaramdam ako ng kaunting kirot.

"Nasa kaharian ka ng Haring Greco Juanico," sagot sa akin ng matandang lalaki na nasa harap ko.

"Ha?" Tanong ko. Anong kaharian ng Haring Greco?

"Kamusta na ang pakiramdam mo Binibini?" Tanong sa akin nito.

"Maayos na naman, ano bang nangyari sa akin?" Tanong ko sa kaniya dahil naguguluhan talaga ako sa mga nangyayari.

"Natagpuan ka ng mahal na hari sa gitna ng kakahuyan mayroon kang sugat at tama ng baril, subalit ang tama ng baril sa iyo ay hindi tugma sa mga armas na pandigma na naririto." Paliwanang niya sa akin. Lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya.

Ang pagkakaalala ko ay hinahabol ako ng mga guwardiya at may tama ako ng baril sa dalawang balikat ko.

"Kailangan ko ng umuwi," sabi ko.

"Saan ka ba nakatira, Binibini?" Tanong sa akin ng matandang lalaki.

"Sa Taguig City," sagot ko naman. Nangunot naman ang noo niya.

"Saang lugar ang Taguig City, Binibini?" Tanong niya muli sa akin.

"Nasa Metro Manila iyon," sabi ko naman.

"Ano ang iyong tinuturan, Binibini?" Tanong niya muli.

"Bakit napakalalim ng tagalog mo? Kaloka ka," komento ko.

Naguguluhan na tiningnan lang naman niya ako. Mayamaya may pumasok na isang babae na nakakulay asul na mahabang dress, kasunod ng pagpasok niya ay may pinasok siyang isang magarbong gown.

"Handa na po ang inyong kasuotan, Binibini," sabi ng babaeng nakakulay asul na dress.

"Iyan isusuot ko? Ano may party ba?" Tanong ko.

"Haharap tayo sa mahal na hari, Binibini," sabi niya sa akin.

Napailing naman ako, maingat naman akong tumayo mula sa kama, may umalalay naman sa akin dalawang babae na nakasuot ng kulay green na mahabang dress kagaya ito ng suot noong babaing kulay asul ang damit pero ang pagkakaiba nga lang ay kulay green ang damit niya. Color coding yata sila.

Inalalayan ako ng dalawang babae at dinala ako sa banyo, nagulat ako sa laki ng isang banyo siguro ay nasa twenty square meter ang laki nito.

Mayroon doon isang malaking bathtub. Jacuzzi na yata ang matatawag dahil napakalaki na talaga. Maganda ang marmol sa loob ng banyo, para itong mga kristal na sa ganda ng pagkinang.

"Nasaan ba talaga ako?" Tanong ko sa dalawang babae na kasama ko sa loob ng banyo, nakaalalay pa rin sila sa akin.

"Nasa Palasyo Juanico kayo, Binibini," sagot sa akin ng isang babae. Tinitigan ko ito at mukhang bata pa ito parang nasa bente anyos lang ito.

"Anong Palasyo Juanico?" Tanong ko.

"Ang palasyo po ng mahal na hari," sagot naman ng isang babae. Sa mukha nito ay parang nasa bente uno lang ang edad nito.

The 19th WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon