[ Unedited Chapter ]
Kabanata 4
Naglalakad ako ngayon sa mahabang pastilyo at nasa likod ko naman ang mga dama ko raw.
Nakasuot ako ngayon ng isang kulay green na ball gown, at as usual magarbo at maganda ang suot kong gown.
Parang araw-araw may ball gown party sa palasyo e.
Hindi ko alam kung bakit ako pinapasunod ng matandang lalaki na siyang naroon sa kwarto ko noong araw na una nagising ako.
Pinapasundo raw ako ng hari, butler yata ito ng hari e.
Tumigil kami sa isang kulay puting double door, mataas din ito at maganda ang pagkakaukit ng mga desinyo sa pinto.
"Nandito na si Binibining Marikit, ang babaing may kulay pulang buhok." Pag-announce ng matandang lalaking nasa harapan ko.
Bumukas naman ang double door, kaya pumasok kami roon. Sa pagpasok namin ay nakita ko sa malayo palang ang hari na nakaupo sa isang lamesa kasama ay medyo may katandaan ng babae at lalaki.
Nakangiting nakatingin sa akin ang dalawang may edad na naroon sa table kasama ang hari.
Nang makalapit na ako sa kanila ay yumuko ako ng kaunti.
Lumapit sa akin ang hari at hinawakan ako sa likod ng baywang ko.
"Mahal kong inang at tatang, ikinagagalak kong ipakilala sa inyo si Binibining Marikit, ang babaing nasa propeseya," sabi ng hari.
Tumayo naman ang inang ng hari at nakangiting lumapit sa akin. Nang makalapit na siya sa akin ay hinawakan niya ako sa buhok bago niya hawakan ang mukha ko, nakangiti sa akin ang inang ng hari.
"Napakagandang babae," sabi nito sa akin sa mahinahon na pananalita niya.
"Salamat po," nahihiya kong sabi. Maganda rin ang reyna may katandaan na ito pero bakas pa rin ang ganda nito sa mukha niya si Carmina Villarroel. Ang puti-puti niya tapos ang ganda niya talaga.
"Nagagalak akong makilala ka, Binibining Marikit, matagal ka rin hinintay ng kaharian," sabi naman sa akin ng tatang ng hari. Kamukha naman ito ni Zoren Legaspi. Ang gwapo talaga nito para silang mga diyosa at diyoso. May berdeng mata rin ang tatang ni Haring Greco, sa kanya yata nagmana sa kulay ng mata ang hari.
Tipid naman akong akong ngumiti sa tatang ng hari.
Marahan akong hinawakan sa braso inang ng hari papunta roon sa table kung saan sila nakaupo.
"Ako nga pala ang Reyna Mina at si Haring Solem ang aking asawa," sabi ng reyna bago kami umupo sa upuan.
Ngumiti naman ako sa kanila tumabi sa katabi kong upuan ang hari.
Nagtagal kami roon sa silid na iyon dahil pinag-usapan namin ang kasal pero wala ako masyadong maintindihan kasi wala naman akong idea kung paano ang kasal nila rito. Sumasang-ayon na lang ako kapag tinatanong ako para kunwari nakikinig ako sa kanila.
Matapos ang pag-uusap ay sabay kaming umalis ng hari sa silid na iyon. Lumabas kami ng palasyo at naglakad ang hari papunta sa kaliwang bahagi ng palasyo, ako naman ay nakasunod lang sa kanya.
"Saan tayo pupunta mahal na Hari?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang sa akin ang hari at hindi ako sinagot, napanguso naman ako habang nasa sunod sa kanya at sa aking likod naman ay naroon ang mga dama ng hari at mga dama ko, nakasunod lamang sila sa amin.
Tumigil ang hari sa isang malaking sakop ng palasyo para itong mansion sa laki nito pero parte pa rin ito ng palasyo.
Hinawakan ako ng hari sa likod ng baywang ko, nang nasa tapat na kami ng malaking double door na kulay puti ay bumukas iyon.
BINABASA MO ANG
The 19th Wife
FantasySi Lizandrea o mas kilalang Zandre ay isang magnanakaw. Nagnanakaw siya ng mga bagay at binebenta ito bago ipamigay sa mga kapos palad ang pera na nakuha niya sa pangnanakaw. Subalit isang pagkakataon na nanakawan nila ang isang museum ay isang pan...