[ Unedited chapter ]Kabanata 2
Marahan kong binuksan ang mga mata ko at tahimik na nagdarasal na nasa loob na ako ng kuwarto ko pero pagdilat ng mga mata ko ay nakita ko na nasa silid pa rin ako ng nakagisnan ko kanina. Napabuntong hininga na lang.
"Gusto ko na umuwi," sabi ko.
Napatingin naman ako sa may bintana, gabi na pala.
Napaupo ako bigla ng maalala ko ang huling nangyari kanina sa bulwagan.
Totoo ba talaga na niyaya ako ng hari na pakasalan ko siya?
Nakulangan pa ba siya sa eighteen wives niya kaya sasali niya ako sa kolesyon niya?
May mga tama yata sa utak ang mga taong nakatira sa mundong ito. Ako raw ang nasa propeseya, at kamukhang-kamukha ko raw iyong stickman na iyon. Ang layo kaya sa itsura ko.
Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko ng may pumasok doon. Nakakulay asul na mahabang dress ito.
Napatitig ako sa mukha niya, napaturo ako sa kanya ng maalala ko ng mukha niya. Siya iyong babaing nakausap ko sa museum.
"Ikaw, kilala kita!" Halos pasigaw na sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin at marahang naglakad papunta sa akin.
"Binibini," sabi niya sa akin bago siya yumukod ng kaunti.
"Hindi ba ikaw iyong nakausap ko sa museum?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.
"Sabi na e, bakit ako nandito? Ano itong lugar na ito?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
Umupo siya sa kama ko at tumitig sa akin. "Naalala mo ba ang kuwento ko?"
Napakunot naman ako ng noo, hanggang sa maalala ko ang na-i-kuwento niya sa akin tungkol sa painting na King and Wives. Nanglaki ang mata ko na napatingin sa kanya.
"Nasa loob tayo ng painting, at ikaw ang pinili ng painting para maisagawa ang hindi dapat mangyari," sabi niya sa akin.
"Ho?" Naguguluhang tanong ko.
"Ikaw ang babaing napili ng painting para baguhin ang naka-tadhanang mamatay ang hari, ikaw ang napili para baguhin at mahanap ang taksil sa mga asawa ng hari," sabi niya sa akin.
"Ako? Bakit ako?" Tanong ko.
"Noong oras na napatakan ng dugo mo ang painting ay ito ang nagsasabi na sumasang-ayon ka sa kasunduan."
"Ano? Paano ko naman napatakan ng du--"
Sh*t! Noong nabaril ako. Malamang ay may dugo kong tumalsik sa painting.
"Kailangan mong pakasalan ang hari para mas mapalapit ka sa mga asawa ng hari," sabi niya sa akin.
"Paano kung ayoko gawin iyon?" Tanong ko.
"Mananatili ka sa lugar na ito hanggang sa kamatayan mo," deretso niyang sabi sa akin.
"Kapag pumayag ako?" Tanong ko muli.
"Kapag pumayag ka at nagtagumpay ka ay makakaalis ka na rito, subalit kapag nabigo ay mananatili ka pa ring nasa loob ng painting," paliwanag niya.
"Kapag pumayag ako tapos nabigo, hindi pa rin ako makakaalis, lugi naman ako." Reklamo ko.
"Kaysa naman tanggihan mo ang nag-iisang paraan para makalabas ka rito," sabi niya. Napaisip naman ako.
"Kailangan mo magawa ang iyong misyon, sa oras na gawa mo iyon agad ay makakaalis ka agad dito," sabi niya muli sa akin.
BINABASA MO ANG
The 19th Wife
FantasySi Lizandrea o mas kilalang Zandre ay isang magnanakaw. Nagnanakaw siya ng mga bagay at binebenta ito bago ipamigay sa mga kapos palad ang pera na nakuha niya sa pangnanakaw. Subalit isang pagkakataon na nanakawan nila ang isang museum ay isang pan...