Chapter 8

140 1 0
                                        

BREANA'S POV

Nagising ako dahil may naaamoy akong mabangong pagkain. Umupo agad ako at pinagmasdan lang sina chase sa kusina habang n-naglalambingan. Hindi naman masama ang tulog ko dito sa sofa--y-yung paggising ko lang talaga ngayon!

"Hmmm ang sarap niyan chase~"

"This is only made for you with my love haha"

"Hehe yiiee

Kinusot ko ang mga mata tsaka tahimik na naglakad papunta doon. Muntik pa akong umatras nang halikan ni chase si angel sa labi. 

Gusto kong maiyak nang makita pang magkahawak kamay silang dalawa habang sinasalinan si angel ng shake sa baso. H-he don't even bother to wake me up.

"K-kakain na?" hindi nila ako pinansin kaya maingat akong umupo sa harap nila habang hinihimas ang braso ko dahil sa lamig.

Para akong nanlumo nang makitang ubos na ang pagkain sa mga plato. If he just know, I haven't eaten yet since last night.

"I'm sorry breana, sakto lang pala ang niluto ni chase" tumango na lang ako at ngumiti habang tinitignang kumakain si chase. Mabubusog na siguro ako sa mga tingin.

Hindi man lang niya ako dinadaanan ng tingin. Magtataray kaya ako? Katulad ng dati? Diba maldita ako nung una? Tapos minahal niya ako kung ano ako. Ganun kaya?

*BLAAG* padabog akong tumayo kaya umusog ang mesa pero hindi ko naman inasahan na mapadaing si angel tsaka hinimas pa ang tiyan.

"Aahhh!"

"Masakit?!" tarantang tanong ni chase at binuhat si angel kaya nakikita ko na ang tiyan niyang kanina pa hinihimas.

"A-ayos lang, hindi naman natamaan ang anak natin" para akong naestatwa dito habang unti unting pumapasok sa isip ko ang sinabi ni angel. Anak? Baby. M-may baby sila?! Buntis si angel?!!

Nagsimula na namang tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan si chase na dinala si angel sa kwarto nila.

Sinara naman niya agad ang pinto tsaka galit na humarap sa akin. Mabilis siyang naglakad kaya yayakap sana ako nang hawakan niya ako sa braso.

"Ch--"

"Sinadya mo bang tamaan ang tiyan ng asawa ko?!!"

"A-aray" kinaladkad niya ako papunta sa pinto kaya kinakabahan ako dahil mukhang papalayasin pa ako.

"Gusto mo atang patayin ang anak ko!?! Lumayas ka!!! Tinrato ka nang maayos ng asawa ko tapos yan lang ang ipapalit mo sa amin?!"

"Hindi ko alam na m-may baby pala k-kayo"

"Ngayon alam mo na kaya umalis ka sa buhay namin! Pumayag kami patirahin ka muna dito pero hindi ko aakalain na ganyan pala ang ugali mo!"

"Chase~ w-wala akong pupuntahan~"

"Hindi ko na problema yan tsaka sino ka ba?!"

"Chaaase~"

"Kung may masamang balak ka, wag na wag mong saktan ang asawa ko lalo na ang magiging anak ko!" tinulak niya ako palabas kaya mabilis akong humarap sa kanya. Hinarang ko agad ang kamay nang umakto siyang isasara ang pint--

*Blag*

"AHH!" mabilis kong binawi ang kamay at bumagsak na lang sa sahig. He saw I blocked my hand there but he continue to shut the door AGAIN!!!

"Tigil tigilan mo ako ah!!! Naririndi ako dyan sa iyak mo!!!" tinakpan ko naman agad ang bibig ko habang umiiling na pinagmasdan ang kamay na nasaktan din niya kahapon.

MIND plus HEART (Book 2)Where stories live. Discover now