BREANA'S POV
Tahimik kaming naglalakad ni chase sa tabi ng kalsada habang magkahawak kamay. Maghahating gabi na at ngayon pa lang kami uuwi sa condo. Sobrang tahimik na nga ng paligid.
Madami siyang ginawang trabaho kaya pipilitin niya daw tapusin lahat bukas para mas madami siyang oras sa akin at makapagleave ng ilang araw. G-gusto ko yun pero sinisira niya ang kinabukasan ng m-magiina niya.
Tinignan ko ang suot kong duster na hanggang tuhod at coat niya. Gusto niya ito na palagi kong susuotin para hindi mainit at komportable. Uulit na naman ba ako kung saan h-hahayaan ko siya sa mga gusto niya? He's too sweet, enough to destroy a family. I don't want him to be messed up again b-but he won't let me go.
"You have to show your growing belly so no one would dare to mess" napahawak naman agad ako sa tiyan at lumingon sa kanya na tutok pa rin sa pagbabasa ng brochure. I wonder how he manage to walk straight without hitting something.
"I-I guess no one wants to hit your baby"
"Hmm--right cuz I don't want to hurt my baby"
"M-me too"
*blag* sabay kaming tumigil nang bigla siyang mabangga sa basurahan. Alala ko siyang sinuri dahil suminghap siya tsaka parang nagpipigil. Is he embarrassed???
Napahagikhik ako ng konti kaya mabilis siyang lumingon at ngumuso. Binalik na niya sa bag ang brochure tsaka humalik pa sa bandang sintido ko.
"Masaya ka pa?~ paano kung iiyak ako? Will you c-comfort me???" tumingin na lang ako sa baba kaya pinalibot niya ang isang braso ko sa likod niya habang nakaakbay naman siya sa akin tsaka naglakad ulit. Pinisilpisil pa ang balikat ko "O-okay. For now, I'm the one who's in charge to comfort you everyday. I'll pull myself together"
"Y-you have to"
"You want that? Fine. I'll just wait my turn next time. I love to wait"
*beeeep* nasa tapat na kami ng gusali sa condo nang bumusina ang tatlong sports car na kakapark lang. Tinignan ko na lang sina zig, clyde at gene dahil dirediretso lang kami ni chase papasok.
"Akala ko kami lang ang nagovertime sa trabaho, kayo din pala HAHAHAH! Tapos naglakad lang!"
"HOW SWEEEEET!~" sigaw nilang tatlo at parang kinikilig pa. Hinarap na sila ni chase sabay ngisi saglit kaya napatakip sila sa bibig. Nakayakap na lang ako sa kanya dahil hindi ko alam anong gagawain.
"Bakit ba?"
"Wala lang. Nagulat lang kaming makita kayo sa daan. Isang milagro umuwi ka ng hating gabi na hindi lasing hahahah"
"Masaya ba sa opisina? Ha?"
"HAHAHAHAHA buti na lang walang masamang loob habang pauwi kayo"
"Imposible clyde. Sa itsura ng taong to baka yan pa may masamang balak kay snow tsaka blackbelter?"
"Oo nga no? HAHA tuturuan ko ang anak ng mga to ng galawang blackbelter para maangas paglaki katulad ko HAHAHAH"
"Nga pala snow, kamusta ka na? Yung inaanak namin soon? Ha?" tanong ni ziggy kaya nagkatinginan kami saglit ni chase tsaka tinulak pa niya sa balikat si gene bago kami tumalikod sa kanila at pinapasok ako sa elevator.
"Ihatid niyo siya sa taas"
"OF COURSE!!" mabilis na sagot nilang tatlo at pinalibutan ako kaya nagtitigan lang kami ni chase habang papasara na. Bakit magpapaiwan siya? Saan siya? Sa kabit? I-isusumbong ko siya.
"Alam mo may ginagawa yung dalawa sa taas hehe"
"W-what?"
"Nagmumukbang ang mga yun. Baka gusto mong sumali? Nagluto si hero ng enoki mushroom. Madaming pagkain sa taas"
