BREANA'S POV
"Hala?! Seryoso?"
"So totoo nga yung sabi sabi?"
"Nakipagbalikan na sa asawa pero dikit pa rin nang dikit kay sir?"
"Buntis pa! Kawawa yung bata kapag nagkataon! Gugulo ang buhay~ sa malanding nanay~" yumuko pa ako ng maigi tsaka tahimik na pumasok sa elevator. Wala akong jacket ngayon kaya hindi ko masyadong natatakpan ang mukha! I-I should ask him where he put all my old clothes.
Nandito ako ngayon sa trabaho ni chase at hindi niya alam na nakarating na ako. Nagtext siya na namimiss niya ako kaya sinubukan ko ulit magluto ng paborito niya at dalhan siya dito.
*ting* tinignan ko muna ang ibang tao at lumabas na. Ako lang ang pumunta sa floor na to kaya ang mga tingin na naman nila para akong binabalatan ng maraming tanong.
"Good morning" tumango lang ako sa mga tauhan ko at huminto sa tapat ng pinto. Hindi ako sigurado kung miss pa niya ako hanggang ngayon. Kaninang umaga pa yung text niya tsaka hindi ako dumaan sa dinaanan namin kahapon at expose na expose ang tiyan ko sa duster na to.
*sigh* maingat kong binuksan ang pinto at sumilip ng konti kaya bumungad ang secretary niyang nakaupo pa sa table ni chase. He's so busy signing everything. Is he still reading them one by one?
"Leave" napatigil ako saglit sa sinabi niya habang abala pa rin sa ginagawa. Ngumisi yung babae kaya sinara ko ulit ang pinto at naiiyak na umupo dito sa sulok.
Hindi niya inientertain yung secretary pero b-bakit nagtatrabaho pa rin siya matapos ang p-pagsugod nila noon na kasama pa ang b-boyfriend?? Kaya ba bumabalik din yung lalake?
Hinimas ko ang tiyan at tinignan yung secretary na lumabas tsaka dumiretso sa elevator. Hindi maguhit ang itsura niya at nagdadabog pa.
*blagblag* tinignan ko din si chase na tumakbo palabas at mabilis na pinindot ang elevator. Hindi siya mapakali tsaka napapasuklay pa sa buhok. Why is he rushing?
"Where did she goes--" hinihingal siyang napatigil nang makalingon sa direksyon ko. Nagtitigan muna kami bago niya ako maingat na tinulungan para makatayo.
"I-I'm sorry for c-comin--"
"Bakit hindi ka pumasok?~ tinakot mo naman ako eh" yumuko lang ako kaya mabilis siyang lumuhod tsaka hinalikan ang tiyan ko habang nakatitig pa rin sa akin. Masaya naman siya tignan. Hindi ako mababahala "You saw my messages earlier?? Binibilisan ko ang trabaho dito para makauwi agad bago ka magising. But it looks like you m-miss me too?"
"I-I bought something" pupulutin ko na sana ang lunch box nang unahan niya ako at hawak kamay na hinila papasok sa opisina niya.
"Come. Sit here" umakto akong walang narinig at umupo sa tabi niya matapos tapikin pa ang lap na parang sinasabing umupo ako doon.
Tahimik kong nilabas ang mga pagkain dahil tinitignan pa niya ako na parang hindi makapaniwala. Kinakabahan ako ngayon, hindi ko alam kung bakit. Basta sobrang bilis nang tibok ng puso ko. He s-shouldn't do this.
"Next time. Huwag ka na magdalawang isip na pumasok ha?"
"T-this is your workplace, I shouldn't interrupt"
"Hindi~ mas gusto ko nga palagi na lang tayo magkasama. Yan din pinunta mo dito, hindi ba?"
"You texted that missed me. Ilang minuto mo akong namiss?"
