Chapter 36

63 0 0
                                        

CHASE'S POV

Bigla akong napaupo habang hinahabol ang hininga. Kinuha ko agad ang walkie talkie kung saan konektado sa unit niya at meron din dito para malaman kung umiiyak na naman siya.

Wala akong marinig na kahit ano kaya huminga muna ako ng malalim tsaka maingat na tinungo ang pinto. Hindi pa kami tapos nun!

Sobrang tahimik kaya naninibago ako. Hindi naman sa gusto ko marinig siya palagi na umiiyak, kahit kasi ganyan alam ko nandyan lang siya sa t-tabi ko.

"Where are you?" tinapon ko muna sa tabi ang walkie talkie tsaka lumabas na dahil wala siya dito sa unit ko. Nandito na naman yung kaba at takot.

Huling paalam niya sa akin may kukunin sa kabila pero bakit wala siya ngayon dito?! Nakatulog ako matapos naming magaway kanina--siguro dahil na din sa walang tigil kong pagiyak.

"Where are you?!" napasabunot ako sa buhok dahil sobrang dilim sa loob ng unit niya. Hindi ako mapakali. Hindi to tama. Madaling araw na.

Napaatras ako nang makompirmang wala nga siya sa paligid. Bumigat na naman ang paghinga ko habang unti unting humahapdi ang mga mata.

Magaling siya sa mga ganito!! Ang paulit ulit akong pinapabaliw kahit sa konting bagay!! Sa lahat ng bagay!! Masaya na ba siyang nakikita akong ganito araw araw?!!

"HINDI!!" napabalikwas ako ng bangon tsaka napahimas na sa noo habang unti unting humagulhol. Mapapahimas ka na lang talaga sa noo dahil sa inis.

Muntik na naman ata akong mamatay habang tulog. Siguro dahil palagi akong natutulog na mabigat pa ang kalooban o hindi kaya sa sobrang pagiisip. Kapag may pinoproblema ako, bumabalik din ang lagnat ko. Parati. Nagkakasakit ako dahil sa sama ng loob.

*blag* kinuha ko ang walkie talkie pero tinapon agad nang maalalang wala pa pala siya dito. Anong papakinggan ko?!! Mga sinasabing katangahan sa kanya??

"Ahhh!!" tinapon ko ang mga unan tsaka yumukong sinabunutan ang sarili. She made me like this!!! She made me feel I needed a doctor! Wala ng magandang nangyari sa buhay ko.

Iiyak ka na naman chase??--ano ba kasi sa tingin niya??! Siya lang ang umiiyak?! Siya lang ang nasasaktan??! Siya lang ang may iniinda??! GABI GABI din akong umiiyak!!! Kung alam niya lang! Ngayon wala na kasi siyang pake kaya hindi niya alam na gusto ko lang magpalambing!!!

MIND plus HEART (Book 2)Where stories live. Discover now