-HER-
"Nang-iwan ako" napatingin ako sa kanya.
Nang-iwan siya.
"Dont judge me,I have my reasons.Mahal na mahal ko siya pero hindi talaga kami pwede."
Hindi ko naman siya jinajudge. Gusto ko lang malaman kung bakit siya umiiyak kung siya naman pala ang nang iwan?Bakit niya iniwan yung taong mahal niya? Bakit sinabi niyang hindi talaga sila pwede?
Nakita niya naman ang nagtatanong kong mukha kaya napabuntong hininga siya at nagsimulang magsalita.
"She cheated on me, kaya iniwan ko." After that hindi ko na lang namalayan na may tumulo na palang luha sa mata ko.
"Why are you crying?" agad agad naman niya akong binigyan ng tissue.
"Oh my..umiyak ako..Alam mo ba..hindi ako iyakin kahit nung pinanood namin yung sampung pinakakaiyak na movies hindi ako umiyak..kahit nung nakipagbreak siya sa akin hindi ako umiyak..Pero ngayon napaiyak mo ko.."
After that binigyan niya ako ng nakakaawang tingin.
"Don't show sympathy on me that was pathetic.Sayo na ako maglalabas ng sama ng loob.. sabi nga nila mas maganda na kung sa stranger maglabas ng sama ng loob para hindi ka nila ijudge..." tuloy tuloy yung luha ko. Oh my gosh. Ngayon lang ako umiyak ng ganito.
"Akala ko kami na hanggang dulo eh, lagi kong sineset aside yung sarili ko at yung mga gusto niya yung lagi kong sinusunod ,kaso nung time na nagbigay siya ng suggest tungkol sa cafe ko na..wag daw magserve ng sweets for healthy diet..sinabi ko sa kanya na hindi yon pwede kasi madaming customer ang gusto ng sweets and after that nag away na kami kasi daw..first na nga lang siyang magsuggest inaayawan ko pa.That was immature" Nagtuloy tuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa tumahan ako.
At lalaking pasasalamat ko kay kuyang pogi dahil pinakinggan niya ako.
"Are you okay now?" tumango na lang ako sa kanya at tumayo binigyan niya naman ako ng nagtatanong ng tingin.
"I'm gonna get some books, masarap magbasa habang nagkakape." Ng sabihin ko yon dumiretso agad ako sa Fantasy section, I want to read some fairytales. Nung bumalik ako sa table at chair may hawak hawak din siyang books, surprisingly those all was fairytale books.
"You like fairytale books?"Tanong ko sa kanya agad pagkaupo ko.
"Yah" ang simple naman niya sumagot.Ayy oo nga hindi niya pala ako kilala..
Nagsimula na kami magbasa, It was bit awkward dahil ang tahimik at walang nagsasalita sa amin.
"You believe in fairytales?" Nagulat naman ako ng bigla siyang magtanong.
"I don't usually believed on it..sabi ko sa kanya Fairytale doesn't exist at sabi niya then live in reality and allow me to do our own fairytale. kaya ngayon nagbabasa na lang ako ng fairytale kasi mas gusto ko pang paniwalaan ang fairytale keysa sa sinabi niya" sabi ko yun sa kanya habang tumatawa. Ngumiti ako ng pilit sa kanya nung tinignan niya ako after kong sabihin yon.
"Don't smile"sabi niya kayanapatingin ako sa kanya"It looks fake" then after niyang sabihin yon biglang naglaho yung ngiti ko.
"Tsk! tama na nga ang iyaak, ikaw kuya do you believe in fairytales?"
"I was" was? so ibig sabihin naniniwala siya noon, tinignan ko naman siya kaya bumuntong hininga siya.
"Noon naniniwala ako sa fairytales,simula bata pa lang ako. Bading mang pakinggan but I love fairytales, They can make me escape to the reality. Kasi sa Fairytales, may kapangyarihan, may happy ending."
bakit habang sinasabi niya yan parang ang lambot lambot niyang tao? Na mapapatanong ka sa sarili mo kung bakit mo siya sinaktan? Bakit kinaya siyang saktan?
"Kaso.. Hindi siya naniniwala sa fairytales, kasi daw sa fairytale lahat ng bagay pwedeng hindi totoo gusto niya yung mga kwento na realistic, yung mangyayari talaga sa totoong buhay..Kaya binago ko din ang sarili ko para sa kanya,Kaso di ko naman alam na magbabago pala siya." bakit ba ang soft hearted ni kuyang pogi?
"I really admired you, you change yourself for her" sabi ko sa kanya.
"Same to you" Ngayon ko lang naisip, parehas pala kami..parehas kaming sineset aside yung sarili.
"Anong aral napulot mo sa fairytales?" tanong niya sa akin, at napaisip ako..Ano nga bang natutunan ko sa fairytale..then it hit me.
"Fairytale thought me na lahat ng bagay pwedeng mangyari, maraming challenges na kailangan mong gawin para umangat ka..Kailangan mong lumaban sa kahit anong paraan para maging matagumpay kagaya sa fairytale..Kapag may kapangyarihan ka sa una mahina ka pero patagal ng patagal lumalakas ka dahil sa mga pagsubok na kinakaharap mo.Well..sa tingin ko yun ang natutunan ko." Napapangiti pa ako habang sinasabi yan, hindi ko alam pero ang gaan ng loob ko kay kuyang pogi."Ikaw kuyang pogi? Anong natutunan mo sa fairytale?"
Napatigil siya sa pagkakape nung tinanong ko sa kanya yon.
"Natutunan ko sa fairytale..ahmm..wala akong maisil ehh..pero natutunan ko sa fairytale..Uhhh..Na nasa panahon yon kung magkakaroon ka ng happy or sad ending..Natutunan ko na sa fairytale ka sasaya, kasi madaming mabubuong scenario sa imagination mo na may kapangyarihan sila at pwede mo ring isiping isa ka sa kanila, sa fairytale mo matutunang ang impossible ay pwedeng maging possible.. sorry ahh ang babaw ng natutunan koo..Haha" ohh myy goshiiee!!
"Oh my gosh! tumawa ka!Yung tawang walang halong lungkot! ohh myy goshiie!" Tumingin naman siya sa akin na parang ako yung pinakaweirdong tao sa balat ng lupa."Oo na angg weirrdd koo naa"
"Hey! hindi ahh..naaammuse lang ako sayo."Huh? Naaammuse? anong nakakaammuse don?
"Huh?"
"Paano mo nagagawang maging masaya kahit nasasaktan ka na?Bakit ang joyish mo? Bakit pinapakita mong masaya ka kahit malungkot ka naman?Paano mo nakaya yung ilang araw na hindi umiiyak? Bakit ganyan ka? Bakit nagtatago ka sa maskarang yan?"
After niyang sabihin yon nawala yung nga ngiti ko at nakatitig na lang sa kanya,Bakit nga ba? Bakit nga ba hindi ko ilabas lahat ng sakit? Bakit ako ganito?
"Bakit hindi mo ilabas yung sakit? Umiyak ka lang, andito naman ako eh..Gaya ng sabi mo..Cry long as you want,I won't judge you"
BINABASA MO ANG
Tara Magbasa?
Historia CortaTwo broken people found each other and tries to fix one another over with a bunch of books
