Chapter 6:Last

18 14 0
                                        

-HER-

Pagkatapos naming sumigaw sigaw sa may Camping site ay kumuha muna kami ng mga pictures bago naisipangumalis.Nagbabasa at nagkakape na naman kami sa isang cafe na nadaanan namin.

"Busy ako, Busy akong tao kaya nawawalan ako ng oras kay cholo. Kaya lagi kong siniset-aside yung sarili ko kapag nagkakasama kami. Lagi na lang siya yung sinusunod ko. Hindi niya din naman kasi tinatanong kubg anong gusto ko. Pero kahit lagi ko siyang sinusunod wala pa rin." pagsisimula ko sa usapan namin.Nakayuko pa ako habang sinasabi ko ito.

"Parehas tayo. Busy din ako. Siniset-aside ko din yung sarili ko para sa kanya pero ang pinagkaiba natin tinatanong niya ako kung anong gusto ko, Pero lagi kong sinasabi na siya ng bahala. Baka kasi ayaw niya din lang kung ako pa pipili."sagot niya sa akin.

"At yun ang mali natin. Kulang tayo sa oras para sa kanila. Pero ang mali mo kuya. Hindi mo sinasabi kubgano yubg gusto mo kasi ayaw mong mag away kayo. Tama ako diba?" Tumango naman siya.

"Tama ka yun ang mali natin at mali ko.Pero ang mali mo,Wag mong lagibg siniset aside yung sarili mo at sabihin mo sa kanya kung anong ayaw at gusto mo. Dalawa kayong bumubuo ng relasyon at hindi iisang tao." Pangaral naman niya sa akin.

"Thank you kuya huh. Thank you sa pakikinig sa akin"

"Salamat din at nakinig ka sa akin"

Nagkatinginan naman kami at nagtawanan.

"Ano ba yan nailabas na natin lahat ng sakit pero hindi pa rin natin alam ang pangalan ng isa't isa." sabi ni kuya at napatawa na lang ulit ako.

"Sa susunod na lang.Tara na kuya medyo late na oh. Baka gabi na tayo makauwi." Yaya ko sa kanya at napatango naman siya.

Habang nasa byahe ay may nakita akong gift shop na parang maliit na antic shop kaya tumigil muna kami para mamili ng pasalubong.

Nung nasa counter na kami ay dun namin nalaman na pwede pa lang ipadeliver nalang yung nga binili namin.

"Alam ko na kuya!Mamili na lang tayo ng regalo sa isa't isa at ipadeliver natin sa isa't isa tapos maglagay tayo ng note dun at dun na din natin ilagay ang mga pangalan natin." Suggestion ko naman sa kanya.

"So 1 week pa bago pa natin malaman yung mga pangalan natin? "Tumango naman ako sa kanya.

Naghanap na nga kami ng regalo sa isa't isa at may nahanap akong magandang regalo para sa kanya. At syempre sinulat ko na din sa note ang pinakamaganda kong message at pinakamaganda kong name.

Pagkatapos namin ay binayaran na namin sa counter. Nasa byahe na kami ng bigla akong dinalaw ng antok at nakagising na lang ako ng huminto ang sasakyan sa Library cafe.

Sa library cafe kung aaan kami nagkakilala ni kuya. Sa cafe kung saan natutunan kong mas maniwala sa mga kwento keysa sa kanya. Sa cafe na mas gusto kong magbasa kesa pumasok sa trabaho. Sa cafe kung saan nakita ko si kuya na laging umiiyak. Sa cafe na nagsilbing takbuhan ko kung lagi akong naiistress.

Napatigil ako sa pagiisip ng tawagin ako ni kuya.

"Dito na lang ako. Salamat talaga. Bye.See you when I see you."

"Cge kuya. Salamat din. Bye. See you around. "

Umalis na din ako at dumiretso sa bahay. At dun ko sinabi sa kanila Dad na hiwalay na kami ni Cholo.

Dun na sila nagsimulang magtanong at dun sigurado akong makakasagot na ako ng maayos dahil sa tulong ni kuya.

Nakakatawa lang na isang taong hindi ko pa kilala ang makakaayos at makakatulong sa akin. At ang nakakatawa parehas pa kaming broken hearted,Ang pinagkaiba lang namin.

Ako Iniwan.

Siya Nang-iwan.

But we found each other and fixed one another over with bunch of books.

Tara Magbasa?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon