-HIM-
After kong sabihin sa kanya yon,nagtuloy tuloy na naman yung iyak niya. Gusto kong ilabas niya lahat ng sakit para hindi niya kinikimkim.. sabi nga nila mas magandang ilabas lahat sakit. Hinayaan niya akong umiyak sa harapan niya, hahayaan ko rin siya.
"Akala ko kasi kami na hanggang dulo eh, ginawa ko naman lahat.. Bakit hindi kayo naghanap ng rason para manatili? Bakit ganun na lang kayo kadali nag give up?"
After niyang tanungin yun,napatanong na lang ako sa sarili ko, Bakit nga ba hindi ako naghanap ng rason para manatili? Bakit nga ba ambilis kong nag give up?
"Hindi naman kasi madali sa amin mang iwan"
"Pero mas lalong hindi madali sa aming naiwan"
"May rason naman kasi kung bakit kani nangiwan"
Hindi ko alam kung bakit pero gusto kong ipagtanggol yung sarili ko sa mga sinasabi niya.
"Pero mas madaming rason para manatili"
Bakit? Bakit para kasalanan naming nangiwan kami.
"Tara sa sagada." Napatingin ako sa kanya ng sinabi niya yon.
Baliw na ba siya? I am a complete stranger then gusto niya akong isama sa sagada?Ako na hindi niya kilala? Talaga lang ah?
"Teka lang miss, You don't know me."
"Pero alam kong mapapagkatiwalaan ka, kanina pa tayo naguusap pero wala kang ginawa sa akin."
Tsk. oo nga noh, nakatagal akong kausapin siya. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin.
May balak ba siyang kidnappin ako? Pero wala akong nagawa at nagpahatak na lang ako sa kanya at promise gusto kong magtanong sa kanya kung bakit naka Fortuner siya, akala ko ba maliit lang cafe niya?
"Teka lang miss, Are you planning to kidnap me? Bakit naka fortuner ka? Pwede namang mag taxi ka na lang or something na kasya ka lang."
"Nagdeliver pa kasi ako kanina bago dumiretso dito at tsaka sa ganda kong toh? kikidnappin kita?"
Tama nga naman siya kasi mukhang ako pa yung may gagawing masama sa kanya pag tinignan itsura namin.
"Hindi ka ba natatakot na baka may gawin akong masama sayo?"
"Ang kulit mo naman kuya eh.. ang bait mo nga eh..uhmm..teka.." tapos bigla niya akong kinuhanan ng picture.
"Hey. Para saan yon?"
"Sinend ko sa mga kaibigan ko at sabi ko sa kanila pag hindi nila ako nacontact ng 24 hours ikaw may kasalanan..Dalii! picturan mo rin ako, Send mo sa kaibigan mo, sa magulang mo, sa kapatid mo, sa pinsan mo, sa jowa mo..ayy wala ka palang jowa,! o di kaya sa ex mo..dali na.." Ang daldal niya.Agad agad naman siyang nag peace sign kaya pinicturan ko na rin.
To:ate
Send picture.
Sino yun bro bagong jowa mo?
Hindi ate, pag nawala ako kasalan niyan.
"Ano? okay na?" tinignan niya ako na parang naghihintay bigyan siya ng paborito niyang Ice cream.
BINABASA MO ANG
Tara Magbasa?
Короткий рассказTwo broken people found each other and tries to fix one another over with a bunch of books