-HIS-
Nang tanungin niya sa akin yun, sigurado akong mayroon na akong maisasagot.
"I saw her. Nakita ko siya. Nakita ko suyang kahalikan yung bestfriend ko. Tropa ko yun eh. Ansakit sakit. Kaya nung nakita ko yun agad agad ko siyang tinawagan at sinabing mag-uusap kami. Nung nag-usap kami dun ako nakipag break. Sabi ko sa kanya hahanapin ko lang ang sarili ko. At hindi ko sinabing nakita ko siya kasama ang tropa ko. Gustong gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko that time dahil sa pag-iyak. Bakit parang siya yung biktama? Diba dapat masaya siya kasi hindi na ako magiging gambala sa kanila? Pero bakit siya umiiyak?Nung nalaman ng mga kaibigan niya na hiwalay na kami ang unang tanong nila. 'May bago ka na ba?' pero ang sagot ko llng gusto ko lang hanapin ang sarili ko pero hindi sila naniniwala. Mas madali bang paniwalaan na may bago na ako keysa sa gusto kong haapin yung sarili ko? Sineset aside ko yung sarili ko para sa kanya dahil lagi akong walang oras. Pero sobra naman yon. Ang sakit. Nakaka tangina lang." nakayuko pa ako habang sinasabi ang mga masasakit na bagay na iyon.
At lalaking pasasalamat ko dahil nakinig si miss sa akin.
Ng unti unti na akong maging okay dun ko naman siya tinignan.
"Speak now. I'm okay." sabi ko sa kanya.
"I know you're not. Pero magsasalita pa rin ako. Woah! Cge ito na...Nasabi ko na diba kuya dahil sa suggestion niya. After that okay pa naman kami kaso after a week dun na siya biglang lumabo. Tinanong ko kung may problema ba? May nagawa ba akong mali? At sinabi niya gusto niya ng cool-off.. Yun lang naman kaya pinagbigyan ko na.. Kaso 3 weeks siyang hindi nagparamdam.Almost a month yun. Tapos nung nagparamdam siya gustoniya ng makipaghiwalay, at nakakatawa lang dahil ang nasabi ko lang. 'okay' oh diba ang galing. Okay! HAHAHA bakit ganun kadali itapon yung 5 years! Bakit hindi siya naghanap ng rason para manatili!"
"Pero sabi ko nga sayo'Mahirap mang-iwan"
"Pero diba sabi ko din sayo,'Mas mahirap maiwan"
"Bakit kasi sumuko ka kaagad"
"Wala naman na kasing dahilan para lumaban."
"Pero dapat lumaban ka pa rin."
"Ano ba yan tama na nga! Hindi tayo yung mag ex!" sabi ko sa kanya. Napatawa na rin siya at nagpatuloy na lang kami sa pagbabasa. Pagkatapos ng ilang oras ay nagpunta na rin kami sa mga hotel room namin at nakatulog.
-HER-
*Knock knock knock knock*
Sisigawan ko na dapat si mama ng maalala kong nasa sagada nga pala kami.
Pagkabukas ko ng pintuan nakangiti namang bumungad sa akin si kuya.
"Alas dos na po senyorita. Sino po bang nagsabing magpuyat kayo.May panis pa po kayong laway." biro sa akin ni kuya pero agad agad din akong napatakbo sa Cr."biro lang maligo ko na"narinig ko naman ang mahina ng tawa ni kuya bago umalis,
Pero pagkatingin ko sa salamin sa Cr. NAKAKAHIYA! Gulo gulo pa yung buhok ko! May muta pa! Buti na lang wala akong panis na laway!
Agad agad naman akong naligo at pagkababa ko sa lobby ng hoyel andun na si kuya atnaghihintay sa akin. Pagkatingin ko sa labas mataas na nga ang araw. Kumain naman kami ng lunch at pumunta sa katabing cafe para magbasa at uminom ng cold drinks.
Ng alas quatro na ay pumunta na kami sa alam kong camping site. Nakarating kami ng madilim na. Nagkwentuhan muna kami tungkol sa past namin at nakatulog na. Sa kotse kami nakatulog dahil hindi kami nakabili ng tent dahil isang beses langnamin magagamit at sayang sa pera.
-HIS-
"Kuya..kuya.." naramdaman ko namang may tumatapik sa pisnge ko.
"Kuya lumiliwanag na."
"Kuya gising na. Labas na tayo." Napamulat naman ako ng dahan dahan at nakita ko si miss. na ginigising ako.
Labas na siya kaya napasunod ako. At mapapawow ka na lang dahil ang ganda dito! Pwede ko ng hawakan yung ulap!
"Sigaw na kuya"Napatingin naman ako sa kanya nung sinabi niya yon.
"Huh?" Napatawa naman siya sa reaction ko.
"Pag pumupunta ako dito, isinisigaw ko lahat ng sakit. para mailabas naman"
"Lea! Lea! Alam mo namang mahal kita diba! Kaso ayoko na magpakatanga! Pagbilang kong tatlo! Ayoko na talaga! isa!......
dalawa....!
dalawa..! Tangina bat ganito..!
dalawa..! Tatlo!!! Ayokoo naa! Sukoo na akoo!" parang gumaan lahat ng pakiramdam ko ng maisigaw ko yon."Cholo!! Mahal kitaa! Pero bat sumuko ka!Kayang kaya kong lumaban! Pero sumuko ka!!Mahal kita! Pero tama na!" napatingin ako sa kanya nung sumigaw siya.
At napangiti na lang ako at nahawa siya sa akin.
"AHHHHHH!!"
"AHHHHHHH!!'
Sigaw naming pareho kaya natawa na lang kaming dalawa.

BINABASA MO ANG
Tara Magbasa?
Historia CortaTwo broken people found each other and tries to fix one another over with a bunch of books