I. Beginning

268 10 3
                                    

Prologue

Mind~is a part of our body that has its own ways. Located inside our head.
  ** minsan ito ang sinusunod ng mga tao, dahil nga sa matalino at alam nila na ito ang palaging tama.

Heart~ the most precious part of our body. Located at the left side corner in our chest.
  ** pero minsan hindi nila naisip na ito ang dahilan ng lahat.

Kailangan nating ipagsama ang dalawa para makagawa tayo ng isang decision na hinding hindi natin pagsisihan sa huli.

Pero...

What if ma-inlove ka sa dalawang tao..? 'Nag-eexist pa ba yun..'

Sino ba ang ipaglalaban mo at sino ang pakikinggan mo..

Ang taong gustong-gusto mong makamit, na sa buong buhay mo pinapangarap mo na siya,
at minahal mo na ng ilang taon..

Pero umasa ka lang pala sa wala.

(Minds are the dumbest)

O

Ang taong kumakatok at gustong pumasok sa buhay mo, at handang isakripisyo ang lahat para lang sayo.
Minahal ka kahit ang layo-layo mo sa piling niya..

Pero naging duwag ito.

(Hearts are the stupidest)

Sino bah talaga ang mahalaga at matimbang sa buhay mo?

Dapat pinaiisipan mo talaga ito ng mabuti.

********************

~House

Chanlie's POV

( Chanlie on the side ->>> )

"May sasabihin ako sayo." Sabi niya. Ito na sasabihin na nya

"H-ha? A-ano ba ang sasabihin mo?" Gosh! Hindi ko keri toh!

"Makinig ka sana ng mabuti. Matagal ko na talagang gustong sabihin sayo na--" ayan na! Waaaahh~

"Ano ba yun? Dali na!  ilis!"
Aish! Ang tagal naman, pabitin effect lang

"Chanlie ..... I---"

"CHANLIE!!!"

"A-anu?"

"HOY.!! GUMISING KA!"

*pak* *boogshh*

Aray! Ang sakit ng pwet ko, Ano ba yan! Malapit na eh! Mag-coconfess na sana yung crush ko. Hmmp!

Okay, Back to sleep.

"Hoy! BABAE! Ang tagal mong gumising ha! Malelate ka ng babaeng ka!"  Sigaw ng auntie ko, mukhang kanina pa ito ng gigising.

*takip ng unan*

"Waaahhh!! Ang ingay-ingay, sasabihin na eh! Ahhhh!"sigaw ko. Ayun na eh! sasabihin nya na! Ingay-ingay ni auntie, hindi ko maririnig yung sasabihin nya.

"ANONG SABI MO? Gusto mo bang hindi makita yung crush mong buhay pa ha?! Ipapasalvage ko talaga yun!"

crush??

C-crush??

CRUSH?!!!

"Kyaah!  Si BABY ko. Auntie,malelate nako! Bilis tulungan mo ko,dapat maganda ako sa araw na ito."

Napabangon ako ng mabilis pagkasabi agad ni auntie sa special "word" , Waaahh ! Excited nako! Makikita ko naman siya ulit, agad-agad din akong pumasok sa Wash Room at ginawa na ang iba pang *ritwals*

Pero habang naliligo ako. Let me introduce myself to you, guys!

My name is Chanlie Verone Lewis, 17 yrs. Old , A graduating High School student. May dalawang kuya ako pero hindi ko pa muna sila ilalabas dahil secret. Sabi ng auntie ko american daw yung papa namin pero deads na daw, at yung mama naman namin nag-migrate na sa New York , Binilin lang nya kami kay auntie, kaya ayan, May lahing american kami.

Sa susunod ko nalang e-introduce yung mga kapatid ko. Kupad kasi ng author eh. Hehehe! peace yow!

Much more of that, yeeheee!! Excited na me! Baby ko here I come!~

Pagkatapos kung maligo, nagpaganda na din ako para naman mas maging attractive ako sa harapan nya diba?.

Bumaba nako para mag almusal ng makita ko na si auntie na naghahanda na.

"Oh! Andyan ka na pala, Halika ka na at baka malate ka pa, Bilis!" Pagmamadali na sabi ni auntie sa akin.

Hindi pa kasi ako nakababa sa aming *staircase*, prinsesa lang ang peg. ^O^

"Hehe! Okay lang yan auntie, Kahit nagmamadali ako, dapat princessa parin ang poise ko noh! para na din iwas pimples dahil sa stress." Pagmamagandang sagot ko naman, syempre diba!  Dapat walang pimples. Sayang yung mukha kung maganda. (woohh! Ang lakas ng hangin)

"Oh sha sha! Bilisan mo na at naghihintay na si manong sa labas. Kanina pa yun dun." Oo nga pala. mayaman kami. Joke lang! Sakto lang noh! kaya ayan may hatid-sundo ako.

"Yes! Ayay Auntie!" Masigla kung tugon sa ka niya.

Pagkatapos kung kumain, nagpaalam nako agad sa auntie ko baka kasi malate  pa ako. Kaya ko toh! sumakay na ako sa kotse namin at nagpahatid na ni manong sa school.

Medyo malayo-layo pa yung biyahe namin kaya, soundtrip lang muna ako, habang nakikinig ako sa music, sabay din ang pag rereminisce nung Elementary Days namin ni Baby ko. Ayiie~

(A/N:yung mga italics means flashbacks)

Elementary pa kami noon ng makilala ko siya, kahit hindi pa siya matured alam ng lahat na may istura at sporty type siya. Kaya ang daming nagkakagusto sa kaniya.

Pati nga ako eh! Nagkagusto din sa kaniya, pero alam ko naman na hanggang tingin lang ako dahil hindi naman niya ako masyadong kinakausap. Kakausapin nya lang ako kung may kailangan siya.

Naiingit nga ako sa mga kaklase naming babae dahil kinakausap nya, samantalang ako nandiyan lang sa tabi-tabi.

"Maam, nandito na po tayo"

Natauhan ako bigla ng tawagin ako ni manong. Si Manong talaga naman, tsk. nasira pa yung moment ko.

Panira eh!~

Okay! This is it! Nandito na tayo sa aking PINAKAMAMAHAL na school! Fighting!

Wait for me baby ko.

***************

A/N: sorry po kung lame yung story ko.... please vote and comment po..!! Luv yah all.!

Kung iniisip niyo pong masyado itong cli'che , nagkakamali po kayo... ipagpatuloy niyo po ang pagbabasa para po malaman  niyo..

Thanks po ulit! Kamsa~▶▶

♥♥Age_Doesn't14

Two HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon