1

45 12 3
                                    

Dante

"Tasha? Samahan mo nga ako sa palengke at mamimili tayo. Bago ka maglaba jan" anyaya ni Tiya sa akin pagkatapos kong makababa ng hagdan. Tumango naman ako at inayos ang buhok kong medyo maiksi. Inayos ko ang mukha kong parang dinaanan ng kuhol kagabi.

Isang T-shirt at itim na medyo malaking basketball shorts ang suot ko. "Tara na po!"

Habang nasa daan kami ay marami akong nakikitang kakilala, puro tango lang ang naibibigay ko. Marami ring estudyante ang abala sa paglalakad patungo sa paaralan. Hindi ko maiwasang mainggit paminsan minsan. Grade 6 lang ang natapos ko matapos mamatay si Mama. Marami naman akong alam pero hindi na ko pinagaral ni Papa noon dahil hindi niya rin naman ako inaasikaso. Kaya ang ginagawa ko ay nanghihiram ako ng mga libro sa mga kaibigan ko paminsan minsan

"Aalis ako mamaya, ikaw na bahala dito. Hindi ko alam kung kailan ako makakauwi. Ikaw na ang bahala sa sarili mo." aniya, at sabay alis ni Papa. Sa ilang taong wala si Mama ay ganon ang naging sistema ng buhay namin. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta.

"Pa! Gusto kong mag-aral! Bakit ayaw mo akong payagan?" halong pagsusumamo at iritasyon ang maririnig mo sa boses ko.

"Hindi mo ba naiintindihan na wala na kong pera para tustusan ka! At wala na ring akong pakialam sayo!" halos mapatayo ako ng marinig ko ang mga iyon.

"Papa! Anak mo 'ko! At karapatan kong magkaroon ng edukasyon at magandang kinabukasan nahihibang ka na ba?" sigaw ko. Lumapit siya sa akin at halos mapapikit ako. Isang malakas na sampal ang natamo ko. Halos hindi ko agad maibaling sa kaniya ang nakatagilid kong ulo dahil sa lakas nito.

Napapikit akong muli at pinipigilang ilabas ang maiinit na patak ng luha sa mga mata ko. Ang hirap huminga, kasing hirap tanggapin ng katotohanang wala na ring pakialam sa akin si Papa kaya niya to nagagawa sakin.

"Huwag na 'wag mo akong mapagsalitaan ng ganyan! Walang utang na loob!" bakas ang galit sa boses ni Papa at iniwan na naman akong mag-isa.

"Tasha, mauna ka na sa bahay at may aasikasuhin pa akong utang kay Mareng Siling. Dalhin mo itong mga pinamili natin, sabihin mo na rin sa pinsan mong si Ben na siya na ang magluto." utos ni Tiya at tumango ako bilang pagsang-ayon.

Medyo malayo rin dito sa palengke ang bahay namin at hindi ko maiwasang maglakad ng mabagal dahil palagi kong naaalala ang mga ilang pangyayari noon.

"Tiya? Si Tasha ho ito. Uuwi ho ako jan Mamaya. Baka ho mga hapon ang dating ko." sabi ko sa kabilang linya ng makahiram ako ng cellphone sa kaibigan ko.

"Oh pamangkin? Bakit biglaan naman yata?" gulantang na tanong ni Tiya sa akin.

"Mamaya ko na lang ho ipapaliwanag, nakihiram lang po ako ng cellphone. Salamat po Tiya!"

"Osige, magiingat ka." aniya, at binaba na ang tawag.

Nagimpake na ako kaagad. Isang pack bag lang ang dala ko at isang shoulder bag. Dadalhin ko ang gitara ko at isang payong. Buo na ang desisyon ko. Aalis na ko rito. Gagamitin ko ang perang iniwan ni Mama para makapunta ako roon.

"Ben, sabi ni Tiya ikaw daw ang magluluto ngayon para sa tanghalian." kaswal na sabi ko. Tinanguan niya lang ako at pumunta na ko sa likod bahay para makapaglaba.

Mula rito ay dinig na dinig ko ang mga tawanan at hiyawan ng mga batang kapitbahay namin na naglalaro. Ang saya talaga maging bata, napakainosente at walang mga problemang inaalala.

"Tasha siya nga pala samahan mo ko mamaya dahil ngayon daw ang dating ni Kuya Dante." nakaramdam ako ng kakaibang kaba. Hindi ako nakaimik ng ilang sandali.

"Tiyo? Puwede ho bang si Ben na lang muna ang isama niyo dahil marami pa po itong nilalabahan ko." wala sa sariling sabi ko habang binabanlawan ang mga shorts.

Fall in Action (Fall Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon