14

10 4 4
                                    

Supermarket Flowers

"Ala una maya, inyo sama akin promotions. Init pa masyado panahon." bungad ni Sir Takagawa kina Harper, Ben at Tasha ng makarating ito sa panibagong branch.

Marami na ang mga customers na nagda-drop by para sa free taste at maswerte dahil naeengganyo rin itong bumili sa huli.

"Sir, mukhang magiging successful ulit ang magiging opening natin, ah?" nakangiting bati ni Harper.

"Oo naman, ayos din dahil andito aking Ina!" nakangiting anunsyo nito.

"Sir, pasensya na po na late ako." si Max.

"Great! Mabuti at napilit ko ikaw sara muna main branch." at tinapik ang balikat nito.

"Oo naman, Sir! Ayokong mahuli sa panibagong opening natin, ako ata ang pinakamatagal na naging crew mo dito!" nakangiting sambit pa nito at tumawa si Sir Takagawa.

Naupo ang matanda sa isa sa mga bakanteng table para magpahinga, halos nakakapanibago pa rin sa pakiramdam niya ang tagumpay na narating at patuloy na tinatahak.

Ang matandang babaeng nagpunta sa café niya noon ay ang kapatid ng kanyang Ina, gusto nitong ipaalam na nais na makita siyang muli nito.

Noong una ay nagkaroon siya ng pagaalinlangan, ngunit hindi siya kailan man nagtanim ng sama ng loob sa mga magulang. Dahil siya naman ang gumawa ng sariling desisyon para sa sarili, ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng pagtatampo.

Wala na sigurong mas lulungkot pa sa pagkabigo kung saan ang mga taong inasahan mong magtitiwala sa iyo ay hindi kayang paniwalaan ang mga naging desisyon mo sa sarili.

"Sir, mauuna na po kami para sa promotions!" masayang paalam nina Max, tinanguan niya ito.

"Galingan niyo! Kaya niyo iyan!"

Malaki ang central, marami ring tao roon kaya tamang tama lang ang promotions para sa opening ng café.

"Good afternoon Ma'am/Sir, baka gusto niyo pong magdrop-by sa aming café." abot ni Tasha ng fliers sa mga dumadaan. May ilan na tinatanggap ito ngunit ang iba nama'y dedma lang.

"Ano ba yan, ganito ba talaga kahirap mag-promote?" inis na bulong niya sa sarili.

"Oo naman, mahirap kapag simula ka pa lang. Just like what I've been through years ago." halos mapatalon si Tasha sa biglang pagsulpot ni Sir Takagawa sa likuran niya.

"Pasensya na po, Sir. Ngayon lang ako nakagawa ng ganitong trabaho, nakakapagod po pala." kumuha siya ng panyo sa bulsa at pinunasan ang pawis sa kanyang noo.

"Magpahinga muna. Ako tingnan niyo."

Pinanuod nila ang kanilang Sir Takagawa sa promotions na ginagawa nito, nagtaka sila dahil hindi pa nagtatagal ay marami na kaagad ang pumupunta sa café.

"Guys, tulungan ko muna yung mga bagong crew sa loob, ha?" paalam ni Max at tumakbo na sa café.

"Tara na?" alok ni Ben at tumayo na sina Tasha at Harper.

"See?"

"Galing niyo po, Sir! Paano iyon?" manghang mangha na tanong ni Tasha sa boss.

Ngumiti ito, "Just smile and be approachable! Also, inform them that we have give aways. And it's our pre-opening so that they will be curious!"

"Marketing strategy Tasha!" tumatawang sigaw ni Ben sa kanya.

"Iyan ang tinatawag na business smile!" wika naman ni Harper at inakbayan si Tasha at ipinakita ang kanyang gummy smile sa kaibigan.

Fall in Action (Fall Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon