19

11 4 2
                                    

Never be Alone

Pinunan ni Harper ang namamagitang espasyo sa kanila sa pamamagitan ng paglapit kay Tasha. Iniwasan niya ang mga titig ng lalaki, hinawakan niya ang baba nito upang mai-angat ang tingin nito at magkalebel sila.

"Are you busy with your classes?" Ani Harper, tinanguan siya ni Tasha.

"I don't believe you.."

"Edi sana hindi ka na nagtanong kung hindi mo rin naman ako paniniwalaan." At inirapan siya, lumandas ang kamay ni Harper patungo sa siko ni Tasha, he caressed it softly.

"C'mon. Hindi ko gustong maging clingy but that was the thing I've probably did these past few weeks.." he pouted, pinipigilan ang pagngisi sa sarili sinabi.

"What are you talking about? Harper ano ba?" She tried to act irritated with his gestures but she failed. She sounded like a cutie bursting her cuteness, that's what Harper thought.

"You need to tell me what's going on.. Nag-aalala ako sa 'yo. You usually tell me what's happening with your life, bakit ngayon parang hindi na? Are we still friends?" pahayag ni Harper.

'Right, friends lang Tasha. You need to stop overthinking about it, it's unhealthy for you.' laman ng isip niya. Ngayon ay naliwanagan na siya sa mga agam-agam tungkol sa kakaibang pakikitungo ng kaibigan, masyado niya atang pinagisipan ng ibang depenisyon ang pag-aalala nito.

Gusto niyang sampalin ang sarili para sa pag-aakalang may iba pang patutunguhan ang mga tadtad na text messages at missed calls mula kay Harper.

"Right, kaibigan lang kita. I don't need to tell you what's going on with my life, at ang tawag don privacy Harper." Tumaas ang tono ng boses niya at binawi ang brasong hawak ni Harper kanina pa. Nagsimula siyang maglakad papalayo sa lalaki.

"Alright.. Yun nga ang problema, Tasha." Halos mag-ugat ang mga paa niya sa narinig. Ramdam niya ang paghakbang nito papalapit sa kinatatayuan niya.

"Magkaibigan lang tayo at iniingatan kong huwag lumagpas doon. Pero binigo ako ng sarili ko.. I crossed the line. I did, and I don't think I'm going to go back." Patuloy niya.

Kumalabog ang puso ni Tasha sa mga narinig, pakiramdam niya'y kahit humugot siya ng malalim na hininga ay kontrolado nito ang kanyang paghinga. Tanging ang pag-iling lang dito ang kanyang naging sagot.

"Harper, ano bang pinagsasasabi mo jan? Rinig ko kay Max pagod ka daw sa paperwork mo at nagovertime ka.. Magpahinga ka na. I need to go now." At nagpatuloy na lumabas sa gate ng boarding house. Hindi niya nilingon si Harper.

Ayaw niyang lingunin ito, hindi naman sa naga-assume siyang muli pero ganito kadalasan ang nangyayari sa mga kwento. Kapag lumingon ka pabalik ay baka hindi mo na makayanang umalis pa. She knows what her priorities are, and it's herself. Gusto niyang maproseso muna ang lahat bago siya tumangap ng panibagong pangyayaring makakapagbago na naman ng buhay niya. And Harper isn't an exception.

"Tasha.." marahan na tawag ni Harper and hugged her from behind, na dahilan para mahila siyang muli sa reyalidad.

Hindi na namalayan ni Tasha ang paghinto niya sa paglalakad papalayo kay Harper, hindi niya namalayan dahil ayaw niyang tanggapin na simula pa lang noong una may kakaiba na siyang nararamdaman. Even before he got close to her.

"Harper.." marahang tawag niya sa lalaki at hinarap ito. He towered over her, nakayuko siya habang tinitingala siya ni Tasha.

"I don't want to rush you, I am so willing to wait. I want you to heal with everything that's been hurting you, so that when I give you the love that you deserve you will never going to regret that you let me wait for you." He place a soft kiss on her forehead.

Hindi mapigilan ni Tasha ang pag-iyak, sinisisi ang sarili na sana'y namalayan niya man lang ang sariling nararamdaman. Na sana'y matanggap niya na lang ang lahat ng ganoon kadali para sariling kaligayahan niya naman ang pagtuunan niya ng pansin.

"Harper, I don't want you to wait for me. Wala akong balak na sumubok sa relasyon, it won't do me any good. I hope that you'll understand." Tinitigan niya si Harper at bumitaw sa mga yakap nito.

"Natatakot ako na pagkatapos kong mabuo ang sarili ko'y masisira lang iyon dahil lang sa mga magiging desisyon ko sa hinaharap, I am not really sure about being in a special relation with someone."

Hindi gusto ni Tasha na isipin ni Harper na ang pananaw niya tungkol sa lalaki'y hindi maganda ang intensyon nito, sa ilang buwan na pagiging magkaibigan nila'y palaging anjan si Harper para patawanin, pangitiin, at pagaanin ang kanyang kalooban. She could never ask for more, sapat na iyon. At ayaw niya ring masira iyon dahil lang sa mga bagay bagay na walang kasiguraduhan sa hinaharap.

"I need to go." At tinalikuran si Harper, pinunasan niya ng ilang luhang lumalandas sa kanyang pisngi.

"Ihahatid kita.." tinanguan niya lang ito at hinayaan siyang ihatid sa bus station.

Hindi na nagtanong pa si Harper kay Tasha patungkol sa mga nangyayari, nasabi na ito ni Kendrick sa kanya kaya siya umuwi ng hindi pa natatapos ang overtime na paperwork sa eskwelahan. Gusto niya lang makasigurado at malaman kung anong lagay nito.

"Sige na mauna ka na.."

"Let me hug you for the last time.." hindi na nakasagot pa si Tasha, she felt the warmth and feels safe in his arms sa mga oras na iyon. Ngunit pilit niyang ginising ang sarili, tiis tiis muna sa ngayon. Aayon rin sa kanila ang panahon.

Kung titingnan ay parang wala na silang balak na ipagpilitan pa ng kanilang mga sarili sa isa't isa at makipagsabayan sa maling pagkakataon. But they secretly hoped, that when the right timing comes, they will finally have the chance na hayaan ang mga sarili nila. Find their way back in each other's arms.

Pinakawalan na ni Harper si Tasha sa kanyang mahihigpit na yakap, but one thing is for sure. When the time comes that he can finally hold her tight again, he will never miss the chance to hold her tighter.

Hindi rin nagtagal at nagtungo na rin ang bus na sinasakyan ni Tasha, "Malayo man ako, hinding hindi ako mawawala sa 'yo. Pangako.." bulong niya sa sarili at ipinikit ang mga mata.

Fall in Action (Fall Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon