6

21 7 4
                                    

What a Feeling

Hapon na ng dumagsa ang mga tao sa café, habang nagseserve ako ay may pumasok ulit. Ibinaling ko ang paningin ko sa unang pumasok. Nginitian niya ako, ngumiti rin ako ng tipid.

Siya yung lalaking nag-chant noong kumanta ako sa café. Hindi ko siya makalimutan dahil kasama niya yung lalaking nagngangalang 'Bryan' daw. Apat silang magkakaibigan, hindi ko nga lang alam kung madalas ba sila rito sa café o ngayon lang.

"Tasha! Halika na rito." tawag ni Max sa akin na siyang naghila para bumalik ako sa wisyo
. Lumapit ako sa counter at inabot ang tray na may lamang orders.

"Sino ba ang mga lalaking iyon? Madalas ba sila rito?" tanong ko kay Max. Kumunot ng noo niya.

"Crush mo?" ani sa nanunuyang tono, inirapan ko siya. "Hindi! Ewan ko sayo, jan ka na nga!" ihahatid ko na sana ang order ngunit may nabangga akong babae na hindi ko akalaing papalapit rin sa gawi ko. Natapon ang orders na laman ng tray na dala ko.

Tangina! What a great start!

"Sorry po Ma'am!" 'yan lang ang lumabas sa bibig ko at kumuha ng tissue sa sobrang kalituhan.

Inirapan niya ako. What?

"Are you that fucking stupid?! Kanina ko pa hinihintay ang order sa table namin. Ang bagal mo naman, look what you just did!" maarte niyang sigaw sakin at ipinakita ang unipormeng suot niya na natapunan ng kape at isang red velvet cake.

"Sorry po Ma'am! Sorry po talaga." paulit ulit kong sabi at yumuko. Huwag niya lang akong tarayan ulit at baka makalimutan kong customer siya rito sa café. Subukan niya lang!

"It's because you're not just stupid! Malandi ka rin. I saw you flirting with Bryan a while ago!" nanlaki ang mga mata ko nang sinampal niya ang kaliwang pisngi ko.

Unti unting tumahimik ang buong café. Hindi ako makagalaw. Narinig ko ang yabag ni Max at nahagip pa ng tingin ko ang pagsulpot niya sa tabi ng mataray na customer na ito.

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nanatili lang akong nakayuko. Ano sabi niya? Nilalandi ko si Bryan?

Gustong gusto ko siyang sumbatan na 'excuse me! Hindi si Bryan ang nginingitian ko kanina! Yung kasama niya.' Napaka feeling-era rin ng isang ito. Kung ano man ang meron sa kanila ni Bryan ay labas ako doon.

"What's happening here?" tanong ni Sir Takagawa na siyang nagpaangat ng tingin ko.

"It's because of your stupid part timer! I can't believe na nagha-hire kayo ng ganito katangang crew! Unbelievable. Let's go girls!" ramdam ko ang pagkairita niya lalo na ng daanan niya ako at sinadyang banggain. "Get out of my way stupid!" sigaw niya ulit at inirapan ako.

Naabutan ko si Devoun na kasama rin pala nila, gumilid ako para makadaan siya dahil nauuna na ang mga kasama niya. Nginitian niya ako ng tipid at nilapitan.

"Pasensya ka na kay Tamara ha? Mataray talaga iyon. Alam kong wala lang kasalanan. Ako na ang hihingi ng paumanhin para sa kaniya." sabi nito at hinawakan ang mga kamay ko. "Okay ka lang ba?"

"O-okay lang po ako Ma'am. Sorry rin po, nagkaroon pa kayo ng hindi magandang experience dito sa café ng dahil sa akin." napayuko ako, dahil sabi nila customers are always right. Fuck that saying. Some of them are abusive.

Tinanguan niya ako at umalis na.

"Tasha! Usap ako ikaw office ko! Ngayon na!" si Sir Takagawa sa isang maawtoridad at galit na tono.

Pakiramdam ko ay nanghihina ako lalo, kinabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sa unang opisyal na araw ko sa trabaho ay masisisante agad ako.

Fall in Action (Fall Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon