17

10 4 3
                                    

Confirmations

Dumaan ang mga araw at nalibang si Tasha sa pag-aaral, aniya'y masaya ang pag-aaral dahil mga bata ang kasama nila.

"So, nakapagdesisyon ka na ba?" ani Tamara, tinanguan naman siya ng kapatid.

"Great! Because I have a good news for you!"

"Ha? Agad agad?"

"Well, kahit na hindi ka pa nakakapagdesisyon ay ginamit ko na ang mga connections ko. And guess what may natagpuan silang mga puntod. But I'm really not sure kung iyon nga ang hinahanap mo."

"Kailan ba tayo pwedeng pumunta?"

"This coming Saturday? Game?"

At nagkasundo silang dalawa. Wala silang ibang pinagsabihan at pinagtanungan tungkol sa mga bagay na gagawin nila.

Sabi rin ni Tamara ay kaya na rin nilang magkapatid ito, pumayag naman si Tasha dahil may tiwala siya sa kapatid. Sobrang nagpapasalamat siya dahil roon.

"Are you ready?" bulong ni Tamara ng makapasok siya sa kwarto ni Tasha, tinanguan naman siya nito.

Alas tres y media pa lamang ng madaling araw ay tutulak na sila sa dalawang karatig barangay ng lugar nina Tasha kung saan malapit ang lugar ng kanyang pinsang si Ben.

Magcocommute lang sila dahil wala pa rin silang balak na ipaalam ang ginagawang kilos. Rumenta pa si Tamara ng isang taxi para lamang sa lakad nilang iyon.

Hindi lubusang maintindihan ni Tasha ang pakiramdam, nalulungkot siya. Kinahabahan at naiiyak sa hindi malamang kadahilanan.

Ngunit masaya dahil malalaman niya na nabigyan naman kahit papaano ng disente at mapayapang libing ang yumaong Ina.

Alas sais y media na ng makarating sila, napagdesisyunan nilang kumain muna sandali sa isang karinderia.

"Hindi ka pa nakakakain sa ganito ano?" Natatawang tanong ni Tasha sa kapatid, inirapan naman siya nito.

"Whatever, just order what you wanted. I'll pay!"

"Woah, this is awesome! Dapat Sabihan natin sina Manang na ganito naman for breakfast!" Ani Tamara hababg punong puno ang bibig ng pagkain.

Napa-iling si Tasha sa kapatid at tumawa. Up until now she never expected na magiging ganito kakomportable ant pagsasama nila bilang magkapatid.

"Malayo pa ba Tamara? Napapagod na ako kanina pa tayo sa simenteryo, naliligaw na ba tayo?" At naupo sa pathway ng simenteryo.

"You're so OA, ha! We're almost there." At pagtuloy na naglakad, di kalayuan ay huminto siya.

"Eto na nga, oh!" Si Tamara at sinensyasan siyang lumapit doon.

Pakiramdam niya'y nag-ugat ang mga paa niya sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung ano ang magiging pangunahing reaskyon niya.

Hindi iyon ang puntod na hinahanap niya. Dahil hindi magkatugma ang taon ng kapanganakan at kamatayan nito.

"Hey, may isa pa naman e. Don't worry." She assured her sister at umalis na roon.

Nagkaroon ng alinlangan si Tasha, nagsimula siyang makaramdam ng hiya sa kapatid. Sa isip-isip niya'y, nagmagandang loob ang kapatid ngunit masasayang lamang iyon dahil lang sa walang kasiguraduhan ang magiging resulta sa huling pagkakataon.

Bumyahe ulit sila ng kalahating oras para mapuntahan ang pangalawang simenteryong tinutukoy ni Tamara.

Habang nasa biyahe ay nag-uusap sila tungkol sa mga bagay bagay na hindi pa nila lubusang alam sa isa't isa.

"Siguro pagkatapos nito ay pumunta tayo kina Ben, malapit lang naman iyon dito, Tamtam!" Aya ni Tasha, at ngumiti.

"Oh no, bakit biglaan?" Kinakabahang tumawa si Tamara.

Kumunot ang noo now Tasha sa naging sagot ng kapatid, "Ha? Okay lang iyon! Sigurado akong masosorpresa nito sina Tiya Susana!"

Habang naglalakad na naman sila at hinahanap ang puntod, hindi makausap si Tasha dahil sa lalim ng iniisip.

"Huy? Saan ka pa pupunta? Lagpas na tayo, oh! Andito na tayo, bumalik ka rito." Tawag ni Tamara sa kapatid, she kept on spacing out.

"Hey..." Tawag niya sa kapatid.

"Salamat, Tamtam ha?" Her voice cracked, as she spoke.

"No worries.." hindi niya maiwasang makaramdam ng awa sa kapatid, nagdadalawang isip tuloy siya kung itutuloy niya pa ba ang ginagawa niyang ito.

"Siguro yung panaginip kong iyon tungkol kay Mama, e pahiwatig niya na lang na hindi ko na kailangang mag-alala sa kanya dahil nasa mabuti na siyang kalagayan. Sa huling pagkakataon, ako pa rin ang iniisip niya." Pinunasan niya ang mga luhang patuloy na kumakawala sa kanyang mga mata.

"Umuwi na tayo, Tash. Let's call it a day." Ngunit umiling si Tasha.

"Gusto kong bisitahin sina Tiya Susana. Andito na rin naman tayo e."

Habang naglalakad sila palabas ay hindi magkandaugaga si Tamara sa pangungulit kay Tasha na gusto niya ng umuwi, ngunit matigas si Tasha sa naging desisyon. Gusto niya talagang bisitahin ang Tiyahin dahil andun rin naman ang pinsan niyang si Ben.

"Tasha, umuwi na tayo pagabi na oh. Please." At hinawakan ang kamay nito.

"Tamtam, pwede naman tayong magpalipas ng gabi dito."

"Tasha?" Tawag ng kanyang Tiya Susana sa pagkagulat.

Tumambad ang pinsan niyang si Ben na namumulta sa nakita.

"Bakit parang nakakita kayo ng multo jan?" Tumatawang pahayag niya.

At hinila sila papasok sa bahay.

"Tawagin mo ang Papa mo Ben." Bulong ni Tiya Susana sa anak.

"Ang bango!" Puri ni Tasha dahil naaamoy niya ang niluluto sa kusina.

"Nagluluto po ba si Tiyo sa loob? Pupuntahan ko lang po, para mabati!" Dagdag niya pa, ngunit pinigilan siya bg Tiyahin.

"Ano ka ba Tasha! Bisita ka namin ngayon. Maupo ka nga, at isa pa bakit ka nga pala napadalaw rito?" Bakas sa mukha ng kanyang Tiyahin ang pagiging tensed nito ngunit hindi ito halata ni Tasha.

"Hinahanap ko po kasi ang puntod ni Mama, nagpatulong ako sa kapatid kong si Tamara. Tutal ay wala talaga tayong ideya kung saan nakahimlay si Mama,hindi po ba?"

Tumango tango ang kanyang Tiyahin ngunit natigilan ito, si Tamara ay napapikit.

"M-may bisita ka pala dito Susana, bakit hindi mo sinabi? Tamara?"

Tila ba yelo silang tatlo at hindi makaimik dahil sa nagsalita.

Nanginginig si Tasha na lumingon sa kung saan nanggaling ang tinig, gusto niyang tumawa dahil sobrang cliché. At hindi niya matanggap na sa huling pagkakataon ay binigo na naman siya ng mga taong mahal at nakapaligid sa kanya.

"Mama/Mommy." Sabay na utas ng magkapatid.

Na siya ring ikinabaling ng tingin ni Tasha sa kapatid at hindi makapaniwalang umiling.

Fall in Action (Fall Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon