3

22 9 6
                                    

ノーネーム

Nagising ako sa katok ni Ben, hindi ko alam kung anong oras na pero pahapon na rin. "Kagigising mo lang? Hihintayin ka namin sa baba. 5:30 na." aniya, at tinanguan ko lang. Isinarado ko ang bintana at inayos ang kurtina ng kwarto ko.

Isang gray na medyo malaking T-shirt at fitted na pantalon lang ang suot ko at isang puting sneakers ang suot ko. Sinuklay ko ang maikli kong buhok at nagpulbo.

Nagdala ako ng wallet at bumaba na. "Tara na!" masayang sabi ko at inakbayan ako ni Max. Pinabayaan ko lang ito. Harmless naman siguro siya.

Naglakad lang kami dahil sabi nila malapit lang sa labasan ang café ilang lakad lang pagkatapos ng labasan ay andun na nga ang café at medyo malapit rin lang eskwelahan nila Harper at Ben dito.

"ノーネーム" hindi ko mabasa ang nakalagay, napatigil ako. Napansin rin nila iyon.

"Oh? Ba't ka tumigil?" natatawang sabi ni Max, nagsalubong ng kaunti ang medyo makapal na kilay ni Harper at ngumuso.

"Hindi ko mabasa ang pangalan ng café na 'to." nahihiya kong sabi at bahagyang tumawa para mawala akong nararamdamang awkwardness ngunit mas pinalala lang ng pagtawa kong iyon ang pagiging awkward.

Tumawa silang tatlo. "Nōnēmu." sambit ni Harper, wala ng ekspresyon ang mukha niya. At nanatili lang ang mga tingin niya sa loob.

"Ayan oh! No name." sabi ni Max at napatingin ako sa baba ng sulat na naka-Japanese. May maliit na nakalagay na (No name) napatawa ako.

"Seryoso? Tara na nga, yun lang pala ang ibig sabihin non." wala sa sariling sabi ko at pumasok na kami.

Cream ang pintura ng buong lugar, may mga calligraphy quotes na nakaframe rin sa mga walls at maganda ang lightings. May katamtamang laki ang stage sa unahan. may mga tables rin. May sofa at kung ano ano pa. Sa counter ay may isang babaeng mas mahaba lang ng konti kesa sa'kin ang buhok medyo kulot ito at medyo kulot rin ang bangs. Hindi siya kagandahan hindi rin siya kapangitan. Sakto lang. Nginitian niya kami.

"Hetu atin bago part-timah!" biglang sumulpot sa likod ko ang isang lalaking nasa mind 30's na siyang dahilan kung bakit ako napatalon. Tumawa ang lahat.

"Sir Takagawa!" bati nilang lahat at medyo nag-bow, nakigaya na rin lang ako ano ba yan.

"Umupo ka na muna sa isa sa mga table don." bulong sakin ni Ben na agad ko namang sinunod.

6PM na ng gabi at hinatidan ako ni Harper ng chocolate cake at isang Latte. "Sagot na namin 'to." sabi niya at eto na naman ang mannerism niyang iyon, nakataas na naman ng bahagya ang kanan niyang kamay na parang magpapanata.

Tinanguan ko lang siya "Salamat." Medyo dumadami na rin ang customers dito karamihan ay mga estudyante. ang iba ay umuupo malapit sa counter at palihim na tumitili. Napairap ako.

Maya-maya ay lumapit sa akin yung Japanese na matanda kasama sina Max at Harper. Sinundan ng mga tingin ang tahimik na si Harper ng mga College students. Aba? Akalain mo yun? Gumana ang ang charms ng wirdong ito?

"Gusto ni Harper na siya na lang ang kunin mo." aniya at itinaas ang kaniyang kanang kamay ng bahagya. Napairap ako ano na naman bang sinasabi ng isang ito?

"Sige, ako kuha Pantasya. Ikaw kanta doon stage. Ngayon." sabi ng Japanese na Boss nila na si Sir Takagawa.

"Seryoso ba kayo Max?" binalingan ko si Max at nakitang nakangiti na naman ang loko. Why does he always seem so positive?

"Oo! Kwento ni Harper kanina nakita ka raw niya sa kwarto mo na tumutugtog at at kumakanta ang gali---" tinakpan ni Harper ang bibig niya gamit ang kaliwang kamay. Nagthumbs up si Harper gamit ang kanang kamay at ngumiti sa'kin.

Fall in Action (Fall Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon