Chapter 51

192 14 2
                                    

" Finding my Mommy for my Daddy "
Chapter 51

Kirino POV

Shinri: wow!!! Ang taas na natin!

Sambit ni shinri habang nakadikit ang kamay sa may salamin. Nakaupo kaming apat ngayon sa loob ng isang hugis bilog na sasakyan.

Shinru: hay salamat naman hindi mabilis yung sasakyan natin...

Natawa kami ni shindou sa sinabi ni shinru na kasalukuyan na ngayong nakasandal at nakapikit.

Nagulat ako ng bahagya ng biglang may dumikit sa balikat ko.

Kirino: sh-shindou...

Mahina kong sambit. Papaalisin ko sana sya pero.. mukanv maayos ang pagkakahilig nya sa balikat ko na para bang kumportableng kumportable. Kaya.. hinayaan ko nalang sya..

Mabagal ang pagkaka galaw ng ferris wheel. Ayos lang ang bilis. Kalmado at bagay na bagay lalo na at nag iiba na ang kulay ng kalangitan.

Shinri: ang ganda...

Sambit nya habang namamangha sa aming nakikitang munting tanawin

Maayos na sana ang lahat ng.. biglang..

Shinru: wah!
Shinri: mommy! Mommy may tumutunog!

Naalarma kami ni shindou at tinanong kung anong nangyayari.

Shinru: may tumutunog po!

Tumayo si shinri at nagsway ang sinasakyan namin.

Kirino: shinri ah ano.. upo ka muna wag ka tumayo

Pero hindi ako sinunod ni shinri. Nagpunta sya sa akin kaya nawala ang balance ng sinasakyan namin.

Umuga ang inuupuan namin kaya lalong bumilis ang kabog ng dibdib ko. Huwag naman sana...

Pakiusap.. sana walang masamang mangyari...

Unti unting nawala ang bilis ng pag galaw. Medyo humupa na ang pag uga

Tumingin ako kay shindou at nakita kong pinalitan nya ang pwesto ni shinri kanina.

Kirino: anong nangyari...
Shindou: shh

Sambit nya at may narinig kaming tumutunog na kung ano

*tut... tut.... tut...*

Kumunot ang noo namin. Biglang yumuko si shinru at may sinilip sa may ilalim ng upuan nila

Shinru: ano to...

May hinila syang bagay. Madilim na ang labas at unti unti nang lumalabas ang mga bituin sa langit. Nag flashlight si shindou at tinignan ang hinila ni shinru.

Napatingin kaming apat.

Shinri: kuya.... parang alam ko yan...
Shinru: bomba....

At tinignan namin ang timer..

Shindou: 10...9...

Finding my Mommy For my DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon