Chapter 74

107 12 0
                                    

°• Finding my Mommy for my Daddy •°
Chapter 74

"Kirino?!?" Rinig kong sigaw mula sa labas. Nakita ko si shindou na nag aalala ang mukha.

Siguro napagod kakatakbo...

Agad nya kaming niyakap...

"Hay... mabuti nalang at ligtas kayo... " hinalikan nya kami sa aming mga noo at nanatili kami sa ganitong pwesto ng ilang segundo...

Hanggang sa may dumating pa. Rinig na namin ang nag aalalang tinig ni mom at dad. Maging ni mama..

"Wala kayong kwenta!! Bakit may nakapasok na masamang tao dito? Ginagawa nyo ba ang trabaho nyo? Paano kung may nangyari sa mga apo ko?!" Sigaw ni mama.

"Mare.. kumalma ka.." sabi naman ni mom.

At tumigil nga si mama. Pero si mom naman an nagsisisigaw.

"Dapat sa inyo mas pinapalala ang pag tratraining! Sino bang pumili sa inyo bakit kayo ganyan!!--"  niyakap na ni dad si mom at para itong may yakap na pusang nagwawala.

"Ma... mom.. dad.. ayos lang po kami.. salamat kay.. shinru..." sinulyapan ko si shinru. "Hindi sya natakot na labanan ang taong yun at.. nabawi ang kapatid nya..."

Napangiti si shinru habang ginugulo ng daddy nya ang buhok nya.

"Mukang.. handa na ang apo ko na mag handle ng troops ko ahh" nakangising sabi ni dad.

Shinri POV
Pinipigilan ko ang pagtawa ko. Si lolodad talaga di parin alam na may sarili nang small mafia si kuya...

Lolodad POV
Napangisi ako. Dapat sasabihin kong magmerge ang mafia nya sa mafia ko pero.. wag na. Mahahalata nila.

Kirino POV again.

Biglang pumalakpak si mama. Napatingin kami sa kanya.

"Okay.. dahil mukhang ayos na ang lahat.. hahayaan ko ng ang guards ang mag asikaso sa lalaking yun." Nakangiti nitong sabi.

Biglang nag alarm ang phone ni shinri.

Napatingin kami sa kanya.

"Mommy.. ung.. date na ginawa ni mommyla.. mamaya na po pala yun?!" Sambit nya.

"Date?!?!" Sigaw ng mga lalaki.

"Date kanino?! Mama sino yun? Bakit may date?" Taka na tanong ni shindou.

Finding my Mommy For my DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon