Chapter 84

97 12 1
                                    

Finding my Mommy for my Daddy
Chapter 84

Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad kong nilapitan si kirino. Nakaupo sya sa may seat na sinabi sa note. Pero ang problema.. tulog sya. 

Napahawak ako sa noo. Siguro may kung anong ginawa sila mama kaya ganito...

Napabuntong hininga ako.

Ano ba naman to.. ginaya naman nila ko kay minaho at manabe. Conquer the quest ba to? Hay...

"Kirino... wifey gising" sambit ko kay kirino ng malumanay.

Hindi sya kumibo at himbing parin sa pagtulog. Tinapik tapik ko sa at sinabi

"Kirino.. gising na"

Perooo wala. Matibay. Tulog parin!

Di ko na alam kung pano sya gigisingin-- ahhh alam ko na. Napangisi ako at lumapit sa mukha ni kirino.

"Wifey gising na~" sambit ko sabay halik sa noo nya.

"Wifey~" sambit kong muli. Sa pagkakataong ito , sa ilong naman ako humalik. Natatawa ko na parang bata sa kalokohang ginagawa ko. Pfft...

"Wifey~" sambit kong muli at bigla akong nakaramdam ng mainit na kamay sa aking pisgi.

*pak*

Ang lutong. Hindi ako agad naka kibo. Hindi ako alam kung anong sasabihin o mararamdaman ko. Basta isa lang ang alam ko. Tila yata namamanhid na ang pisngi ko
"Sh-shindou?! Uh.. wah.. sorry sorry hala.. sorry hindi ko sinasadya.. "  sambit ni kirino matapos akong bigyan ng napakalakas na sampal.

"Akala ko kasi kung sino.. kaya di ko napansin.. kasi naman! Ano bang ginagawa mo?! Para kang lamok!" Tuloy tuloy nyang sabi. Napapikit ako sa sinabi ni kirino.

Anong... lamok? Ako... lamok? Hehe.. lamok...

"Sorry talaga sorry~" hawak nya ang pisngi ko.  Dumilat ako at tinignan sya.

Tinitigan ko sya kaya natahimik sya. Nakahawak ako sa magkabilang hawakan ng upuan habang bahagyang nakayuko upang magtama ang aming tingin. Tinitigan ko sya. Napalunok sya at bahagyan napangiti na pilit.

"Anong lamok? Gusto mo kagatin kita?"

Finding my Mommy For my DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon