Chapter 69

173 18 4
                                    

Kirino POV

"Ehhh?!!!" Gulat na gulat ako.. kasi... kagabi lang nagpropose sa akin si shindou.. pagkatapos...

"Wow mommy ang ganda nyo po para ka pong princess!" Nagigiliw na sabi ni shinri. Nakasuot din sya ng dress at may hawak na bulaklak.

"Princess na soon to be Queen kamo apo" di maalis sa labi ni mama ang ngiti nya. Inayos nya ang belo na suot ko at tinignan ako ng mabuti.

"Anak.. ang ganda ganda mo..  manang mana ka talaga sa akin.."  kanyang sambit habang bahagyang pinipisil ang aking pisngi..

"Ma.. kinakabahan po ako.." mahina kong sambit.

"Wag kang kabahan anak.. ang ganda ganda mo kaya.." pag aalo sa akin ni mama.

"Opo mommy! Your so pretty!  Noo your gorgeous po!"  Natutuwang sabi ni shinri na syang nagpamula sa akin..

"Hindi po ba sobrang bilis ng pangyayari?" Tanong ko. "Kasi kagabi lang po sya nagpropose tapos.."

"Ano ka ba anak.. pasasaan pat dito rin naman ang bagsak ng lahat. Bakit pa natin patatagalin?" Saad naman ni mama..

Hay bakit parang planado ang lahat? Maging ang damit ko ngayon ay sukat na sukat.. imposibleng isang gabi lang ito binurda.. at ang mga kagamitan. Ang lugar ang simbahan..

Parang matagal na talaga nila itong pinaghandaan..

Hindi ko alam pero.. kahit ganon.. natutuwa ako.. suportado sila sa amin ni shindou..

At dumating na nga ang oras. Pinapunta na ako sa may harap ng pintuan ng simbahan...

Kinakabahan ako..

Ang bilis ng kabog ng puso ko...

Ilang sandali nalang at bubukas na ng pintuan.. ano kayang itsura ni shindou? Ano kayang reaksyon nya pag nakita nya ako? Magandahan kaya sya sa akin?

Nagsisimula na akong mangamba.. hala baka pag napangitan sya sa akin itigil nya ang kasal..

Napayuko ako..

At unti unti na ngang bumukas ang pintuan.  Lahat ng matay nakatitig sa akin...

Kasabay ng tugtog ng pangkasal.. dahan dahan akong humakbang.. palapit sa lalaki na aking makakasama.. habang buhay...

Finding my Mommy For my DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon