Chapter 71

121 12 0
                                    

Finding my Mommy for my Daddy
Chapter 71

"Da-da"

Natigilan kaming lahat sa paglalakad ng marinig naming magsalita si taki.

"Hubby... narinig nyo ba yun?" Sambit ko gabang buhat si taki.

Di naman maialis sa labi ni shinri habang kagat nya ang kanyang labi at kumikinang ang mata. Si shinru naman ay tila natulala at namangha.

"Taki ano ulit yung sinabi mo? Sabihin mi nga dada" nasasabik na sabi ni shindou habang nakatingin kay taki at nakangiti.

"Dada" sabi ni rashi

Lalong natuwa si shindou at ngumiti...

"Dada!" Sigaw ni taki.

Hindi maalis ang ngiti sa labi ni shindou habang mamayang binabanggit ng kambal ang tawag nila kay shindou habang pumapalakpak.

"Mommy naman.. taki.. rashi.  Sabihin nyo mo-mmy" sambit ko habang ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Natutuwa ako.. nagagalak.. at.. nasisiyahan.

"Umm-mi" sabi nila ng sabay.
Napakagat labi ako at pinipigilan ang pagluha..

"Aww.. taki.. rashi..." sambit ko habang  yapos si taki... hinalikan ko sila sa noo.. ganon din ang ginawa ko kila shinri at shinru.

"Alagaan nyo ang babies natin ah.. kuya shinru.. at ate shinri.." sambit ni shindou habang ginugulo ang ang buhok ni shinru at ako naman ni shinri.

Pilit inaabot ni taki ang mukha ng ate shinri nya.
Kaya bumaba ako ng bahagya para mahawakan nito ang pisngi ni shinri.

Napansin ko na ikakalong ni shinru si rashi... inaalalayan sya ni shindou..

"U.... hmm te!" Sigaw ni taki...
Natulala si shinri. Napatingin kami kay taki...

"Te..!" Sigaw muli ni taki at tumawa na nakakaaliw.

"Awww taki!!!" Hinawakan ni shinri ang kamay ng kapatid nya at hinalikan ito ng ilang beses..

"Ate shinri... bagay na bagay.." sambit ko.
"Hmn!" Natutuwang tugon ni shinri.

"At.. kuya shinru... bagay din.." sambit ko at.. nakitang pinaglalaruan ni rashi ang buhok ni shinru.

"U~ya.. u~ya.. " natahimik si shinru at idinikit ang mukha nya sa dibdib ng kapatid.

"Aww.. taki.. look. Umiiyak si kuya shinru~" pang inis ni shinri.

"Hindi k-kaya!" Pagtanggi ni shinru kahit na bakas ang pagtulo ng luha nya.

Finding my Mommy For my DaddyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon