CHAPTER EIGHT

3 1 0
                                    

Late : CHAPTER EIGHT



At first, I didn't know how to react. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ang maging reaks'yon ko sa narinig ko.



Dapat bang paniwalaan ko ang sinasabi nitong babae na 'to na hindi ko man alam ang pangalan? Mukha lang niya ang kilala ko...




The words that she just said was just really---impossible. Hindi maaaring mangyari kasi, impossible. Ang alam ko, walang pake ang isang 'yon sa 'kin.




Pinaglaban at pritotektahan? Talaga lang ha? Hindi showy? Bakit? 




"Oh, we've arrived already," she said while looking at something sa may gate---nasa labas na kami ng school. "And we're late..." Tinignan ko saglit 'yong tinitignan niya kanina, orasan. "It's already 1:12. I'm dead..." Agad siyang pumasok sa gate at saka ako nilingon. "Oh, bye! Nice talking to you, Starfall!"



You've done the talking, and I did the listening. Nice.



It was not nice to listen to you, miss hindi ko kilala. You just made my confused. 



What she just said kanina left me a really big question.



'lahat ba ng sinabi niya sa akin, ay totoo?'



Bakit naman siya magsisinungaling?



Ano ba trip sa buhay no'n at bigla niya na lang akong kinausap? Ano ang mapapala niya sa akin? Yeah, right... Kapatid ko...



Buntong hininga na naman ang pinakawalan ko bago ako pumasok sa gate at umakyat sa floor ng room namin.



Fifth floor, nakakatamad 'to kung gan'to gagawin ko. Bukas, magba-baon na lang ako para hindi ko na kailangan bumaba for lunch.



"Good afternoon, ma'am, I'm sorry for being late," sabi ko habang nakatayo sa labas ng room ng section namin at nakatingin sa mga mata ng teacher na nasa loob. 



Hindi ko siya kilala. Anong subject ba 'to? Hindi ko tinignan schedule. Pero, hindi ba mga adviser lang ang papasok ngayong first day of school? Anong ginagawa ng isang 'to?



"Come in..." usal niya at tumingin pa sa relo niya. "It's 1:23, tsk... Why are you late?"



"Because I'm not on time..." sagot ko sa tanong niya. Nakita ko kung paano nagsinghapan ang mga kaklase ko nang narinig ang sagot ko.



Problema ng mga 'to? Wait, why were they silent when I arrived?  They are usually noisy---doon ako nasanay noon pa man.

Weird.



Pumasok na ako sa loob at umupo na muna ako sa upuan ko bago ko ibinalik ang tingin ko kay ma'am na hindi ko kilala.



"There are really students that don't really respect teachers, huh?" Nanalisik ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin, first day na first day, ano? And what did I do to her? I did respect her kanina pa man... Ano na naman bang maling ginawa kong nakikita nila? 



"You!" sabi niya habang tinuturo ako. "Stand up!" dugtong pa niya, halata sa boses niya ang galit.



Ano nga ba ang ginawa ko rito para parang magalit siya!



The Place She's Never Been To  Where stories live. Discover now