CHAPTER TEN

8 1 0
                                    

Miss : CHAPTER TEN

Agad kong denial ang number ni mama nang nakarating ako sa may entrance ng hospital.



"Ma, nasa hospital na po ako."


Agad kong inikot ang paningin ko't nakita ko 'yong maraming upuan... Waiting area...



"Talaga 'nak? Sige... Sige..." bakas sa boses niyang natutuwa siya. "Papunta na ako, 'nak... Nasaan ka?"



"Nasa may lobby po, 'Ma... Sa may entrance ng hospital... Nasa lobby bandang waiting area," ani ko habang inilibot ko ang paningin ko sa loob.



"Sige, 'nak. Ibaba ko na 'to. Sayang load mo..." Naka-unli po ako 'Ma. Salamat sa sukli no'ng mantika na hindi mo pinasauli, nakabili po ako ng load.



"Sige, 'Ma." At agad, naputol ang linya.



Sa tingin ko'y busy ang lahat ng tao... Marami-raming doctors and nurses ang nakita ko, halos lahat sa kanila, abala. Malalaking hakbang ang ginagawa nila... Makikita ko kaya si papa ngayon? Umuuwi siya sa bahay pero... Tulog parati... Minsan ko lang siya nakakausap.



Kapag gising ako, tulog siya. Kapag gising siya, nasa trabaho siya... Minsan lang kami nagkikita, actually... 'Yon ay kapag may hindi niya duty.



Nami-miss ko siya? Ewan lang din... Parang nasanay na rin lang kasi ako na wala siya... I mean, hindi ko nakikita.. I know he's doing this for our foods, needs and wants. But, yeah, I also want his time... I don't miss him but I... I need a father... 



"'Nak, Starfall." Agad akong napalingon sa may-ari ng boses na 'yon at agad nanlaki ang mga mata ko nang nakitang naka-akbay si papa sa kan'ya. 



"Ma... Pa." Nakangiti silang dal'wa sa akin nang napakalapad. Ginantihan ko rin sila ng isang maliit na ngiti.



Ngayon ko lang ulit nakita si papa after how many days... Minsan lang siya magkaroon ng araw na walang duty.



"Hi, anak. Missed papa?"



Agad akong umiling-iling na siya namang ikinanguso niya't ikinatawa ni mama... Ako, ngumiti lang... Maraming tao...


"Ito talaga... Hindi man lang naging sweet kay papa... Minsan na nga lang tayo magkita, e. Mukmok pa sa k'warto. Tsk..."



Oo na, isa rin sa dahilan kung bakit hindi ko siya gaanong nakikita'y kadalasan, tinutopak akong hindi lumabas ng k'warto.



Lumakad siya papunta sa kinaroroonan ko't ginulo-gulo ang buhok ko.



"Ang anak ko... Dalagang dalaga na talaga... May manliligaw na ba sa 'yo anak? Kung meron man, hindi na ako magtataka, ang ganda ng genes ko..." 



Mabilis na lumapit sa 'min si mama at pinanliitan siya ng mga mata at bahagya siyang kinurot sa may tagiliran.



"Sige, pagbigyan natin ang mommy mo, hindi na ako magtataka kung may maraming manliligaw sa 'yo dahil ang ganda ng genes ko at ng mommy mo..."




Tumango-tango naman si mama na may ngiti sa mga labi. "Good," sabi pa niya na siya namang ikinatawa nang kaunti ni Papa.



"Pero... Ang hirap paniwalaan ng mga nangyayari, ang bilis ng ihip ng hangin, ang bilis ng oras...  parang kailan lang---"




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Place She's Never Been To  Where stories live. Discover now