CHAPTER SEVEN

6 1 0
                                    

Lunch : CHAPTER SEVEN



Huminga ako nang malalim bago ko itinapak ang mga paa ko sa loob ng cafeteria ng school. Agad akong naghanap ng pwesto---but I couldn't find one. May gumagamit na sa halos lahat. May mga bakanteng upuan pero, nasa table 'yon na may mga tao.



I'm hungry, where should I eat?



I saw some people staring at me like they do care about my actions---tingin ko, nag-aantay 'tong mga 'to na magkamali ako para may pagtawanan sila.



I don't understand people.



Nahagip ng mga mata ko ang mga mata ng kapatid kong nakatingin sa akin. Nakaupo siya kasama ang mga kabarkada niya. May isang bakanteng upuan pa sa table nila but, it'll be awkward for me to join them.



Sa labas na lang ako kakain.



Isang buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako naglakad palabas. Kasya ba 'tong pera ko sa Mcdo? 100 pesos per day lang baon ko, paano ba 'to, isang meal na gusto ko sa Mcdo is kaunti na lang matitira sa baon ko. Sa karenderya na lang kaya sa labas? Sige, ro'n na lang.



Nang makarating sa karenderya sa labas ng school, ang daming tao pa rin do'n kaya naman, naghanap ulit ako.



Ilang karenderya na rin ang napuntahan ko na malapit-lapit sa school pero puno. May mga bakanteng chairs but ang table, hindi.



Ayaw kong ako maki-share. 



Muli akong naghanap ng isa pang karenderya. Kung hindi ako makakahanap ng mauupuan sa susunod na makikita ko, bibili na lang ako ng tinapay at 'yon na lang ang pananghalian ko.



Nakarating ako muli ako sa isang karinderyang puno pa rin ng tao kahit kalayuan ito sa school. I guess, tinapay na lang talaga ang magiging pananghalian ko nito.



Baka meron pang pag-asa! One last look, Starfall.



Muli kong inilibot ang paningin ko sa loob at sakto namang nahagip ng paningin kong paalis na 'yong isang grupo ng estudyanteng mga schoolmates ko na nag-occupy ng isang table. Kilala ko pa ang iba sa kanila.



Yes, finally, may nakita na akong mapag-p'westuhan.  Hindi na tinapay ang kakainin ko.




Naglakad ako papunta roon nang nakaalis na sila sa table at agad akong umupo. Niligpit ng isang trabahador doon ang mga pinggan na pinagkainan ng mga schoolmates ko kanina at nilinisan 'yong table.



"Ma'am, sa 'yo po na ito?" rinig kong tanong.



Was she talking to me?



Agad kong ibinaling ang tingin ko sa kan'ya. Nakatingin siya sa 'kin habang hawak niya ang isang wallet. Sa akin nga siya nag-tatanong.



Agad akong umiling-iling sa kan'ya. "No, that isn't mine. Maybe that belongs to someone who belongs to the group of students who first occupied this table before me."



Napa-'oh' ang bibig niya nang matapos ang pagsasalita ko.



"Nasa Pilipinas tayo tapos nag-E-English siya. Tsk," rinig kong bulong niya na siya namang pinagtaasan ko ng isang kilay.



'Excuse me, miss, second language natin ang English. So, why would you care if I use it?'



"Is there a problem?" I asked and a plastic smile was plastered on my lips while I was looking at her.



The Place She's Never Been To  Where stories live. Discover now