CHAPTER 02

0 0 0
                                    


ERIS

Di ko namalayan na nakatulog ako habang naglalaro. Naabutan ko nalang ang sarili na nakahiga sa sofa at may nakapatong na suit sakin. Itinabi ko ito at umupo bago tumingin sa taong busy sa pagtitipa ng kung ano sa laptop niya.

Napansin niya ako kaya naman tumigil ito at isinara ang laptop sabay tayo bago lumakad sa direksyon ko.

"Di na kita ginising, ang sarap kasi ng tulog mo ehh naghihilik ka pa." Pang-aasar niya kaya naman nakatanggap siya ng hampas sakin sa balikat. Napangiwi naman ito. Nalakasan ko ata.

"Sorry ikaw kasi ehh. Anyways where's Avy? Atsaka anong oras na?" Sunod-sunod kong tanong. Napailing nalang ito at umupo sa tabi ko.

"Nasa labas gumagawa ng homeworks niya and to inform you magt-twelve na."

Sa sinabi niya ay napatayo ako bigla at mabilis na tumungo sa pinto kaso napigilan niya ko.

"Babalik na ko sa trabaho boss. Nakakainis ka di mo manlang ako ginising! Sayang yung ilang oras ohh."

Nanghihinayang kong saad. Mahalaga kasi sakin ang oras at ayaw ko ng nasasayang ito sa wala. Time is gold  sabi nga nila.

"Sorry na ito naman atsaka okay lang naman. May hapon pa liit pero bago ka bumalik kumain ka muna tanghali na ohh." Sabi nito at ginulo nanaman yung buhok kong nagulo na talaga dahil sa pagtulog ko kanina. Umiling nalang ako at nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito.

Ayaw niya kasing nagugutom ako pero wala na kong time para kumain. Mamaya nalang siguro.

"Salamat pero mamaya nalang okay? Labas na ko kapre kong boss. Babye!" Inayos ko muna ang buhok bago nagmamadaling lumabas. Narinig ko pang tinawag ako nito pero di ko siya pinansin.

Naabutan ko si Avy at binati ako nito na ginantihan ko din. Nagsuot ako ng apron at tumungo sa counter dahil nakita kong walang tao at saktong kakadating lang ng ibang customers.

Di naman kalakihan itong café unlike sa ibang branch nito, lumaki lang tignan dahil sa office ni Gab. Anim lang kami lahat na employees dito. Kinakaya naman namin kahit minsan dinudumog ng mga customers ang café ng kaibigan ko. Di na rin problema ang sched namin dahil wala na rin namang nag-aaral samin.

Minsan di ako nakakapasok dahil may gig kami, alam yun ni Gab at okay lang sakanya. Di naman niya ako pinagbabawalan.

"Good afternoon! What's your order?" I said with a smile on my face. Dapat be friendly para di sila maturn-off sa mga trabahador dito. Especially no. 1 rule yon dito.

"One slice of oreo cheesecake, regular strawberry milkshake and 3 pieces of chocolate macaroons please." The girl customer said.

"290 pesos po lahat." Sabi ko at nag-abot ito ng 500 peso bill sakin habang nakangiti rin. I accept it at akmang ibibigay ko na ang sukli ng pigilan ako nito.

"It's yours now. Tip ko sayo." She said and winked at me. Nagpasalamat ako at sinabing ise-serve nalang after 5 minutes na sinang-ayunan nito.

Di ko pala nasabi na nakakaipon din ako dahil may iilang customers na nagbibigay ng tip sakin at malaki ang pasasalamat ko dahil doon.

Time flies so fast at alas tres na ng hapon. Nakalimutan ko na ring kumain pero okay lang, di naman nag-alburuto itong sikmura ko ehh pero may sermon naman ako mamaya galing kay Gab. Tumulong na rin siya sa pag-aasikaso dahil mas dumami ang dumalo. Si Avy naman ay tumambay sa office ng Kuya niya. Nagpaalam ako saglit para hatiran ng meryenda si Avy.

Kumatok ako at bumukas naman ito. Ngumiti ito at kinuha sakin ang tray ng pagkain.

"Thank you Ate Eris, the best ka talaga." Sabi nito at ngumiti lang ako bago nagpaalam na babalik na sa trabaho.

Alas singko na ng magsimula kaming magligpit dahil magsasara na kami. Maya-maya'y natapos na kami at nagpaalam na ang iilang kasamahan namin dito.

Naiwan kami ni Gab at sabay na tumungo sa opisina niya. Tinulungan ko siyang ayusin ang dapat habang pinauna niya na ang kapatid sa kotse.

Nang masigurado na okay na ang lahat ay lumabas na kami at ini-lock ang café bago pumunta sa sasakyan niya.

Kung di niyo alam sakanila ako nakatira at wag kayong malisosyo okay? Ayaw niya rin kasi akong patirahin sa apartment mag-isa tutal malaki naman ang bahay nila at tatlo lang kaming nakatira. May katulong sila pero once a week lang pumapasok para maglinis dahil halos araw-araw wala kami sa bahay.

Nasa isang subdivision ito nakatayo kaya safe naman at mahigpit ang security.

Payapa kaming nagbabyahe at nakita naming nakatulog na si Avy sa likod. I-on ko naman ang music para kahit papaano di kami mabingi sa sobrang katahimikan.

Saktong natapos ang kanta ng biglang kumalam ang sikmura ko. Napasimangot naman ang kasama ko at napailing. Okay handa ko na si ears mamaya.

Nakarating na rin kami at ginising ko si Avy.

"Nasa bahay na tayo." Sabi ko at antok itong nagmulat at tumayo.

Pumasok na kami at nagpaalam ako na magpapalit muna ng damit.

"Ako na bahala sa dinner magpapalit lang ako." Di ko na inantay ang sagot ni Gab at mabilis na umakyat papuntang kwarto ko bago mabilis na naglinis at nagpalit saka bumaba.

Naabutan ko silang magkapatid sa sala at napalingon sila sakin. Akmang tatayo na si Gab ng pigilan ko siya kaya umupo ito ulit.

"Ako na, chill ka nalang dyan kapre." At pumunta na ko sa kusina para simulan ang pagluluto.

Just One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon