CHAPTER 06

0 0 0
                                    


ERIS

DAY 1

The dating reality show has start today at nandito na ko ngayon sa isang hall where the cameras are everywhere especially sa mesang kaharap ko ngayon.

Maya-maya'y biglang pumasok ang isang matangkad na lalake. He has this pretty eyes, pointed nose, perfect jawline and a kissable lips in short, perfect. No other than Shin Rogers, the famous international singer. Marami na daw itong nai-release na albums na laging dinudumog ng milyon-milyon nitong taga-hanga kahit saang lupalop ng bansa according to Mr. C at siya rin daw mismo ang nagcocompose ng iba nitong mga kanta.

Ngumiti ito ng tipid ng makaupo sa harap ko. I smile at him at bumati.

"Hi." Pormal kong bati sakanya at natulala sa mukha niya. Sobrang gwapo niya talaga. I only saw him on magazines and billboards at hindi ko akalain na kaharap ko na siya ngayon at abot-kamay pa.

"Is there something on my face?" Naiilang na tanong nito at tulala akong napailing. Kita ko na tumitig din ito sakin.

"W-wala naman, ang perfect nga ehh." Bigla ko na lamang nasabi and I saw him surpressing a small smile. Nabalik tuloy ako sa huwisyo at nahihiyang tumingin sakanya.

"I mean a-ano ang gwapo mo kasi." Napatakip ako sa bibig at nahihiyang tumingin sakanya.

"It's okay. By the way how are you feeling?" He asked. Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot.

"Akward pero okay lang dahil masasanay din ako." Tanging nasagot ko na lamang. Tumango-tango ito at maya-maya'y binigyan kami ng dalawang envelope kung saan naglalaman ng magiging mission namin.

MISSION #1: ORDER EACH OTHERS MENU

Okay Eris be formal and make it simple. Sinulat ko sa papel ang inorder ko para sa kasama ko at ibinaba ito ng matapos ako.

Napatingin ako sakanya at napaisip. Ano kayang inorder niya para sakin?

--

Ngiting pilit ang ginawa ko ng makita ang inorder niya sakin. Sa lahat ba naman ng pagkain bakit may talong pa? Mapapasubok ako nito.

"A-ano ito?" Tanong ko sakanya at itinuro ang pagkain sa harap ko. He smiled and said. "I heard you like ratatouille sinabi mo sa interview mo last month. Shall we?" Sabi nito at pilit na ngiti ang binigay ko bago dahan-dahang dinampot ang knife and fork at sumubo.

Napangiwi ako pero tinuloy ko nalang. Nang matapos kami ay natulala lang ako sa kawalan at hindi makapaniwala na napakain ako ng talong.

"Is it hard?" Biglang sabi ng kaharap ko kaya napaayos ako. "Hindi ka makakilos ng maayos. Are you uncomfortable Riley?" Tuloy nito at tumango ako dahil totoo naman. Ganito pala talaga ang maging artista. Limit ang mga galaw.

"Kailangan mag-ingat ehh, I hate issues kasi." Maikli ko namang sagot at tumango-tango ito.

"Anyway how's your vacation?" Tanong nito kaya kinabahan ako. Anong vacation? Walang nabanggit sakin si Riley at Mr. C about dito.

"It's g-good." Biglang kumunot ang noo nito. Ayan na huli na ko. I'm so doomed! Sorry Riley, sorry Mr. C.

"I heard it's cancelled because of the typhoon." Sagot nito. Paktay!

I clear my throat at di nagpahalatang kinakabahan.

"I-i mean it's good kasi na-cancel yun and I'm so glad dahil nakapagpahinga ako." Nice one Eris! Sana maniwala siya.

"Ohh I see. Tara na tapos na ang shooting bukas ulit." Yaya nito kaya tumayo na kami at sabay na naglakad palabas.

--

Halos mabingi ako sa katahimikan habang nasa elevator kami. Ang tagal namang umakyat nito.

At sa wakas nandito na kami. Pinauna niya kong lumabas at nagtaka kung bakit sumusunod pa rin siya sakin. Akward akong ngumiti ganun din siya.

"Talaga bang gagawin rin namin yun? Hindi pa ko handa, ano ba tong pinasok ko?" Bulong ko sa sarili at napahinto sabay hinarap siya na nabigla din.

"E-excuse me Shin p-pero dito na ang kwarto ko. Pwede ka ng pumunta sa room mo." Nahihiya kong sabi at tumawa naman ito.

"Dito rin ang kwarto ko. Look magkaharapan lang tayo." Sagot nito at tinignan ko naman yun.

Ayan pahiya ka Eris! Nakakahiya ka.

"S-sorry hehe nice to meet you Shin and good night. See you tomorrow." Paalam ko rito at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Narinig ko pa itong tumawa.

"Nakakahiya talaga! Shet sana kinain nalang ako ng sahig kanina." Sabi ko at tumungo sa maleta ko pero napahinto ako ng makitang di akin ito.

Itim siya at may nakasabit na luggage tag.

SHIN ROGERS

Agad ko itong hinila at lumabas. Kumatok ako ng ilang beses at bumukas naman ito.

"A-anong kailangan mo?" Bakas ang takot sa boses nito. Napakunot ang noo ko sa inasta niya.

"Sorry for disturbing you pero nagkapalit tayo ng maleta." Sabi ko at nabigla ako ng dali-dali niya itong hinablot sakin at ibinigay ang akin. Isasarado niya na sana ang pinto ng pigilan ko ito.

"Are you okay?" I asked him at tanging tango lang ang sinagot nito saka pabagsak na isinarado ang pinto.

Nagtatakang tumungo ako sa kwarto ko. Ano kayang nangyari sakanya? Kanina ang bait niya ngayon naman...

Baka pagod lang siguro siya. Agad naman akong naglinis ng sarili at nagpalit bago tumungo sa kama at nagbasa saglit ng mga aklat na dala ko.

Maya-maya'y dinalaw na ko ng antok kaya pinatay ko na ang ilaw at tanging lampshade lang ang naiwan.

Just One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon