CHAPTER 13

1 0 0
                                    


SHIN

I tell her everything as my promise earlier at di siya makapaniwala sa mga nalaman niya.

"Totoo?! Grabe malala na pala yun ehh, may saltik na ata." Galit nitong saad at napatayo sabay puma-meywang.

"Hey chill okay? Come here sunshine let me hug you." Sabi ko at hinila siya paupo sa tabi ko at niyakap.

Hindi ko pa rin siya binibitawan at nang iangat nito ang mukha ay natawa ako dahil pulang-pula na ito.

Damn! So cute.

"You're blushing again sunshine." Pagkasabi ko non ay mabilis itong lumayo at tumayo.

"H-hindi noh! Babalik n-na k-ko sa kwarto ko. Pumalakpak ka lang kapag may kailangan ka. B-bye!" At dali-dali itong naglakad papunta sa pinto at lumabas.

Napailing nalang ako sa ginawa niya at tumayo para makapagpalit ng damit habang may ngiti pa rin sa mga labi.

She's literally my happy pill.

--

ERIS

Hindi pa rin kumakalma ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Kasalanan to ni Shin!

Nag-iinit pa rin ang mukha ko dahil sa k-- hindi ako kinikilig okay?! Hindi, hind-- oo na kinikilig na ko.

Matapos kong mag-daydream ay pumunta ako sa built-in cabinet dito sa kwarto at naghanap ng ipangpapalit nang biglang may magdoor bell kaya naman pinuntahan ko ito at binuksan.

Wala akong tao na naabutan maliban sa ano ngang tawag dito? Basta yung ginagamit na pang-serve sa mga pagkain na may gulong tapos silver, ahh basta yon.

Binuksan ko ito at bumungad sakin ang paborito kong pagkain na laging niluluto sakin ni Gab, hayys miss ko na yung kapre na yon, at isang small teddy bear na keychain with note.

'Ingat ka po palagi, I love you♥️'

-A.M

Napangiti ako dahil sa nabasa kahit na hindi ko kilala kung sino si A.M pero sobra kong na-appreciate yung effort niya.

Sayang lang at hindi ko na siya naabutan kaya naman dinala ko ang mga ito sa loob ng kwarto ko at masayang nilantakan.

--

AVY

Mas naging malapad ang ngiti ko ng makita kong lumabas si Ate Eris ng kwarto niya at mukhang natuwa sa nakita niya. Grabe magkamukhang-magkamukha talaga sila ni Ate Riley.

Ano kayang feeling maging isang sikat na celebrity?

By the way, nakatago ako dito malapit sa daanan papuntang veranda ng hotel at sinadya ko talagang ibigay ang mga iyon dahil nakita ko yung babaeng nakaitim na mask kanina na may nilagay na kung ano sa pagkain niya at inihatid sa harap ng kwarto ni Ate Eris.

At dahil sa matalino ako at maganda ay pinalitan ko ito ng paborito niyang pagkain at yung regalo kong keychain sakanya na nilagayan ko ng note sabay nagtago ako dito then ayun na.

Nawala ang ngiti ko ng makita ko ang babaeng baliw na mabilis na umalis kaya naman agad ko itong sinundan.

"Hoy babaeng baliw halika dito! Masasampal talaga kita!" Sigaw ko habang hinahabol ito.

Humanda talaga yun sakin, sasampalin ko siya ng three hundred sixty degrees nang makabawi naman ako sa pagpapahabol niya sakin at pagbabalak ng masama kay Ate Eris.

--

RILEY

Dito kami tumungo sa back door ng hotel, kasama ko si Gabrielle. Si Avy naman ay pinuntahan kung nasaan si Eris.

Just One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon