CHAPTER 03

0 0 0
                                    


Panibagong araw nanaman at mabilis na akong bumangon para maghanda sa pagpasok. Alas sais palang naman at mamayang 8 pa kami magbubukas. Mabilis lang ako akong nakatapos at simpleng denim pants at lose shirt na tinuck ko sa harap ang suot ko na pinaresan ko ng converse shoes na regalo pa sakin ni Gab dati.

Tamang nakatali lang ang buhok ko at nag-iwan ng iilang hibla sa gilid bago kinuha ang belt bag ko at bumaba. Naabutan ko si Gab na naghahanda ng almusal katulong si Avy.

"Good morning guys!" Masayang bati ko.

"Good morning din Ate Eris!" Bati ni Avy ang ngumiti.

"Maganda umaga liit! Tara kain na." At nagsimula na kaming kumain.

Nagdasal muna kami nago nagsimulang kumain. Hanggang sa makatapos ay umakyat na sila para maghanda kaya pagkatapos kong magtooth brush ay inantay ko nalang sila sa sala at nag-cellphone.

Ilang minuto ay nakahanda na sila at sabay-sabay kaming lumabas at tumungo sa kotse. Una naming ihahatid si Avy sa school niya bago kami pumunta sa Café.

"Bye Kuya! Bye Ate Eris ingat po kayo!" Paalam nito at kumaway. Gumanti kami at umalis na. Anyways, Avy is a third year high school. Hatid-sundo pa rin ito ni Gab, protective kasi siya at ayaw niyang mag-isang sumasakay ang kapatid niya.

Naabutan namin sila Ate Carla na nag-aabang sa labas. Bumati sila sakin at kay Gab na sinuklian namin bago ko binuksan ang Café.

Nag-ayos na kami agad dahil 7:45 na at ilang minuto nalang ay magbubukas na kami ulit. Nang tumuntong ito ng alas otso ay may iilang customer agad ang pumasok.

Inako nalang muna nila Ate Carla tutal iilan palang naman kaya naman umupo muna kami sa tabi nitong boss ko.

"Kailan ka ulit may gig?" Biglang tanong nito sakin.

"Siguro this coming friday and saturday. Punta ka?" Sagot ko at tumango naman ito kaya napangiti ako.

"Di ka ba busy?" Tanong ko at umiling ito.

"Remember Eris, I'm the boss at ayokong mamiss ang performance niyo." Saad nito na nagpangiti sakin ng malapad. Simula kasi dati ay laging nanonood si Gab tuwing may gig kami. Di yan nawawala kahit noong high school palang kami, he's always there watching and cheering for me.

"Oo na, iba talaga pag boss." At tumawa ako. Dahil busy na ang lahat ay ako nalang ang sumagot ng tawag. Nagpaalam ako saglit kay Gab.

"Good morning! How can I help you?" Sagot ko sa tawag. Isang boses lalaki naman ang sumagot.

"Is this South Café? Nagdedeliver ba kayo?" Sagot nito sakin.

"Yes Sir! What's your order po?" I asked. He clearly tell me the orders at sinabi ang location.

"I'll be there in a minute Sir. Thank you!" At ibinaba ko na ito. Lumapit ako kay Gab na hinarap ako.

"Magdedeliver lang ako. Mamaya na tayo mag-chikahan." Paalam ko at tumango ito bago nagpatuloy sa ginagawa.

Sakay ang scooter ay nakarating ako ng maayos sa location na napag-usapan namin ng customer. Tumawag siya bigla kaya naman sinagot ko ito.

"Sir nandito na po ako. Papasok na po ako." At maingat na dinala ang limang drinks na inorder nito.

Nakarinig ako ng boses ng lalaki na parang nay kausap at di nga ako nagkakamali. Di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad ng magring ang phone ko. Huminto muna ako.

"Sorry dito na ko sa lab--" Naputol ito ng tawagin ko ang lalakeng nilampasan kanina. Siya pala yun.

Inabot ko sakanya ang inorder niya.

"Magkano lahat?" Tanong nito.

"600 pesos po lahat." Dumukot ito ng hindi pa rin tumitingin sakin at nang i-abot ko ito at nagpasalamat ay saka lamang niya ko tinignan.

Para itong nakakita ng multo at biglang napangiti kalaunan habang di pa rin binibitawan ang bayad na inaabot. Napapahiyang humingi ito ng tawad ng marealize ang ginawa.

"Salamat po! Order po kayo samin ulit." Akmang aalis na ko ng tawagin ako nito at lapitan. He's tall and handsome at kapag ngumingiti ito ay halos mawala ang mga mata nitong singkit.

"Bakit po? May mali po ba sa inorder niyo?" Medyo worried kong tanong. Nakakahiya naman.

He chuckled at umiling. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"May kailangan pa po ba kayo?" Tanong ko ulit. He nodded at ngumiti ulit.

"If you don't mind, can you come with me inside? Saglit lang." Sabi nito kaya pumayag nalang ako at sumunod sakanya papasok sa isang sobrang laking building pero sa back door kami dumaan at sumakay ng elevator.

Kahit nagtataka ay sumunod nalang ako. Ime-message ko nalang siguro si Gab baka hanapin niya ako.

Nang matapos ay pumasok kami sa pagkakaalam ko ay dance studio. Pagkapasok namin sa loob ay medyo nagulat pa ako sa ganda at laki ng studio.

May nakatalikod na babae samin at tinawag naman ito ni Sir.

"Rai your problem is solved! She's here, the only person who can help you."

Di ko magets ang sinabi nung lalake pero nang tuluyan ng lumingon ang babae ay napatulala ako ng makita siya.

Nagkatinginan kami at tila sinusuri ang isa't-isa. Lumapit si Sir samin at ngumiti.

"Di mo ba siya kilala? Riley Gutierrez, a soloist female celebrity." Pag-explain nito. Napatingin ako kay Sir at umiling.

"Hindi ko siya kilala. Di naman ako mahilig manood ng TV." Sagot ko at tumango nalang siya.

Kamukha ko siya. May kamukha akong artista! I can't believe it! Parehas na parehas kami maliban lang sa buhok at pag-aayos pero parehong-pareho kami.

Naalala ko na di ako pwede magtagal dito kaya naman sinabi ko na pag-usapan na namin ang dapat pag-usapan.

Umupo naman kami sa floor at nagsimula na itong magsalita. Pinakilala naman niya ang sarili at sinabing manager siya nitong si Riley. Napansin ko na wala manlang tong pinapakitang ekpresyon sa mukha kahit isa. Tanging naka-poker lang.

Nakinig nalang muna ako kay Mr. C at kay Riley habang unti-unting iniintindi ang gusto nilang mangyari.

Just One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon