CHAPTER 18

0 0 0
                                    


RILEY

"Sorry natagalan, ano nga palang sasabihin mo?" Wika ko ng makabalik sa loob at maupo sa inuupuan ko kanina.

But he just gave me an akward smile at umiling. "Maybe next time nalang." Sagot nito.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng disappointment?

Tumango na lamang ako at nagpaalam na babalik na sa trabaho. I sighed when I got up pero di pa ko nakakalayo sakanya ng lingunin ko siya and to my surprise...

He's talking to himself habang kumakamot pa sa ulo niya na nagpailing sakin habang mahinang natatawa.

I can't stop it, he make me laugh on his simple gestures. How cute.

Tinalikuran ko na siya't tumungo sa counter habang di pa rin siya maalis sa isipan ko.

Is this normal?

--

GABRIELLE

Nanghihinayang na napatingin ako nang magpaalam si Riley na babalik sa trabaho.

"Kainis, dapat sinabi ko na. Stupid." Bulong ko sabay kamot sa ulo ko na hindi naman makati.

Badtrip naman, nandoon na umatras pa ko. Damn!

--

ERIS

Mabilis lang na sumapit ang gabi at nandito kami ngayon sa kwarto ko, inaaral pa rin naman yung kanta. Dito nalang namin itinuloy dahil ayaw ni Shin magpaabot kami ng stay sa studio.

"No one can rewrite the stars...hmm hmm hmm..." Wika ko na may kasamang pag-hum. Si Shin naman ay ganun din at kung may mga part man ako na kailangan pa rin iklaro kahit na alam ko na yung kanta ay tinuturuan pa rin niya ako.

Nahihiya na nga ako dahil minsan di ko matumpak yung ibang lines but Shin patiently become my mentor boyfriend.

'Boyfriend...'
I smiled secretly on my thought.

"Itong part na to taasan mo pa sunshine." Turo nito sa may bridge part ng song kaya tumango-tango ako at nakinig sa mga payo niya.

We're too close to each other that I can smell his manly scent na masarap sa ilong. Sa di inaasahang pangyayari, sabay kaming napaharap sa isa't-isa kaya naman nagdikit ang aming mga labi.

I was about to pull away when he grab my waist and deepen our kiss. Gulat man pero bigla nalang nakisabay ang labi ko sa paggalaw at napahawak sa kaniyang batok.

Nabitawan niya ang hawak na papel at maya-maya'y naramdaman ko na lamang na nakahiga na ako habang nasa ibabaw ko siya na tila maingat na nakadagan sakin.

Mas naging malalim at mainit ang aming paghahalikan. Sa pagmulat ng aking mga mata ay ang kasabay din ng kaniya at ang aming pagtigil. I saw happiness, love and desire on his eyes while he was smiling widely.

Napapikit ako ulit sa ginawa niyang paggawad ng halik sa aking noo bago ako tinitigang muli.

"I'm sorry sunshine it's just...your lips is so tempting and I can't hold it back. Next time I'll ask for your permission." He said kaya napatawa ako habang nakatingin sakaniya.

"Why are you laughing sunshine?" He asked me and pout his lips. Pa-cute nanaman.

"Wag ka ngang ngumuso, para kang baby." Natatawang sabi ko na ikinalapad ng ngiti niya. "Baby mo?" Ganti nito at ngumisi.

"Oo na, oo na. Pwede na ba tayong umupo?" Pagkasabi ko ay mabilis siyang umalis at inalalayan ako. Nang makita ko ang labi niya na may mantsa ng lipstick ay bigla na lamang akong kinain ng hiya.

Just One WeekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon