CHET
It's been a month na magkakilala kami ni Lee. We go out at night and spend the weekends together. We go on hiking, or sa beach or sand boarding, or Netflix the whole week watching cheesy movies or minsan puro Disney movies lang. Road trip, I let her drive my car. One time, kinuha pa niya yun para sunduin mga kaibigan niya. They were asking her kung kaninong sadsakyan and she always tells them, she is working for Mr. Chet Sy as her driver kasi ayaw ko daw ipa drive mga sasakyan ko sa mga lalaking driver and she convinced them that the pay is good. Tinatanong daw siya kung nagsasakay ako ng babae and she said daw na most of the time nasa computer lang ako at masungit daw.
The truth is, I let her drive my car para alam ko kung nasan siya. Her boyfriend does not know about her driving my car. Baka one day malalaman niya. Kaso di naman daw magkakilala mga friends niya at si Franco. Ayaw daw ng mga friends niya kay Franco kasi daw masyadong suplado at di namamansin. Puro trabaho lang. Pero ipinagtatanggol din niya eh. Sabi ni Lee, mabait naman daw si Franco, workaholic lang kasi may gustong patunayan si Franco sa tatay niya. Okay!
Minsan naman pag madami akong trabaho binubuhat ko lahat mula sa office at gagawin ko sa condo. Yes, bumili ako ng condo para hindi na namin kailangan pumunta sa Safe Haven or mag road trip para lumayo. Hindi niya alam na sa pangalan niya nakalagay ang condo. Isa sa mga matalik kong kaibigan ang nagbenta sa akin.
Isa siya sa mga taong, mapagkakatiwalaan ko. Hindi niya ako tinanong king bakit kay Lee nakapangalan ang condo. Ang sa akin, pag nagka gulo at tinanggal ako sa mana, at least meron akong ibebenta para may perang gagamitin pag nag start ng munting negosyo. Ang ginagamit ko naman na pambili ay ang shares ko at sweldo ko sa kompanya.
Today, birthday daw ni Franco kaya lalabas sila. Di daw siya makakasama sa akin kasi may date nga sila.
Maliit nga ang mundo kasi pag bukas ng elevator sa opisina, si Lee at Franco, nagbubulungan at nag tatawanan. Nagulat sila pareho nung nakita nila ako lalo na si Lee. Nasa 56th floor galing ang elevator, nasa 53rd ako. Nagtanguhan lang kami ni Franco. Di ko pinansin si Lee. Naiinis ako sa kanya. Nagseselos ako. Tumayo ako sa harap nila. Tinawagan ko si Henry, yung pinsan ko.
"Henry, sabihan mo siya, huwag magpahawak sa lalaking yun. Lalong lalo na huwag siyang pahahalik dun. Makakapatay talaga ako. Tsaka, sabihan mo siya, diko papahiram kotse ko ngayon sa kanya. Nakikipag landian siya sa lalaking yun eh mas guapo naman ako sa kanya. Oh sige na. Basta pagsabihan mo yung babaeng yun ah. Ako lang."
Lumingon ako sa kanila at ngumiti ako. Nanlalaki mata ni Lee at si Franco naman may nakakalokong ngiti
"Girlfriend problems pasensiya na."
"Okay lang. Si Cindy?"
I shook my head and told him,
" Iba. Mas hot to."
"Aaahhh okay. Hahaha I did not hear anything."
I looked at Lee and smiled. She rolled her eyes. Malamang nagugukihan na din si Henry nhayon. Pero alam na nila pag ganun ginawa ko.
Nakakainis naman. Sundan ko kaya sila. Tangina, Chet, baliw ka ba? Hindi mo siya girlfriend. May boyfriend siya oh. Tsaka sa mga times na magkasama kayo, wala man lang chance na nagyakap kayo or naglandian kayo. Para lang kayong magkumpare eh. Ang pagkakaiba lang is marami kayong sikreto na kayong dalawa lang ang nakakaalam.
I went ahead of them. Hindi ko na sila nilingon pa. I heard Franco say, so what is your gift sa akin, my love?"
My love ka jan. Batukan kita diyan eh.
Saan ba ako pupunta ngayon? Tangina, ang sakit sakit, Lee. Ipinakita mo pa talaga.
AUTHOR: Hayday muna ako at nasa derby ako. Mamaya na ako mag update guys. Please vote and comment and share if you must/ Thank you so much
YOU ARE READING
WHERE YOU ARE
RomanceTwenty-five years old Cheston Francis "Chet" Sy was forced to take over the manning of their family business when his father met an accident. Paralyzed and bed ridden, Chester Sy could no longer fulfill his duties as the President of Sy Group of Com...