Laurel POV
"Para kang tanga"
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ng kapatid ko.
"Boring ang buhay kapag single ka"
"Pinaglalaban mo?" Tanong ko
"Magka-boyfriend ka na Ate"
"Hindi naman ako nagmamadali pagdating sa pakikipag-relasyon" sabi ko
"Napag-iiwanan ka na" sabi niya
"Edi makikisabay ako sa paglalakad para hindi ako maiwan" sabi ko
"Ewan ko sa 'yo"
"Gayahin mo kasi ako"
"Ang maaga lumandi" sabi ko
"Grabe ka Ate, hindi naman panlalandi ang maaga ng boyfriend"
"Bitter ka lang"
"Sweet ako, baka ikaw ang bitter dahil kumakain ka ng ampalaya" sabi ko
"Ewan ko sa 'yo Ate" sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay
Na pumasok sa loob ang kapatid ko ay binalik ko ang aking paningin sa paligid.
"Napaka-boring"
"Ano ba ang pwedeng gawin ngayon?"
Cringg
Kinuha ko sa ibabaw ng table ang aking cellphone at agad ito sinagot.
Bold (ako) Italic (Keina)
"Napatawag ka?"
"Wala ka bang ginagawa ngayon?"
"Wala naman"
"Bakit?"
"Pwede ba maglaro kayo ng pinsan ko?"
"Ayaw ko"
"Hindi ako malapit sa mga bata alam mo 'yon"
"Hindi naman bata ang lalaruin mo"
"Ka-edad mo lang"
"Kinukulit kasi ako kung pwede ka daw"
"Sinong pinsan?"
"Si Ease, madalas kitang kinu-kwento sa kanya"
"Bakit mo naman ako kinu-kwento sa kanya?"
"Mukhang interesado sa 'yo kaya nga ikaw ang gusto niya makasama ngayon"
"Ano game ka ba?"
"Anong klaseng laro ba?"
"Uy! Interesado siya"
"Ewan ko kung anong laro"
"Be ready Laurel, papunta na si Ease"
"Ano? Hindi ako pu.."
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin na binaba na ni Keina ang linya.
"Bwiset"
Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto para magpalit ng damit.
"Ate, may bisita ka" sigaw ng kapatid ko sa baba
"Ate"
"Oo na" sabi ko
YOU ARE READING
J. B. S. A. E Series Characters
Short StoryOne Shot Stories Series #1 • Seventeen Years Gap - Ahron Series #2 • First Love - Mhyro • Love is... - Arian • You're My Cup of Tea - Eliseo Series #3 • You are the Light of My Life - Samantha • The Dating Game - Laurel Series #4 • Beautiful in...