Fuzzy POV
Nandito ako ngayon sa isang resort.
Gusto ko muna lumayo sa mga baliw ng babae sa kagwapuhan ko at sa aking matamis ng halik.
Hanggang halik lang naman hindi ako umaabot sa puntong....basta 'yon na 'yon.
Private resort 'to at sa summer ba ang bukas nito. Nakapasok lang ako dahil gwapo ako biro lang, ako ang may ari nito.
Cringg
Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa.
Si Kian.
Bago ko sagutin ang tawag ay tumingin muna ako sa isang babaing malapit sa dalampasigan nakatanaw ito sa dagat.
Habang nakatingin sa kanya ay sinagot ko na ang tawag.
Bold (ako) Italic (Kian)
"Namamakla ka na naman ba?"
"Wala kang ginawang iba kung hindi ang mambabae"
"Magtitino lang ako kapag nakita ko na siya"
"Ilang taon na rin ang nakalipas, siguradong may boyfriend na 'yon"
"Hindi ka nakakatulong Kian"
"Hahaha nagsasabi lang ako kung anong pwedeng mangyari"
"Bakit ka tumawag?"
"Boring, gustong-gusto ko na manapak"
"Maghanap ka ng pwedeng mong sapakin magdamag"
"Alam mong hindi pwede 'yon, mabuti na lang at may laban tayo"
"Laban?"
"Oo, pupunta ka ba?"
"Bawal naman ako mawala sa oras na 'yon"
"Malaking kawalan kapag wala ako doon"
"Hindi ka pa ba babalik dito?"
"Nagpapakasarap pa ako dito"
"Magka-sakit ka sana"
"Sira! Masarap ang simoy ng hangin dito sa resort ko"
"Nagseselos ka na naman, K"
"Pakyu ka F"
"Kailan ang laban?"
"Bukas"
"Sige K, may gagawin pa ako"
"Alam ko na ang gagawin mo"
"Hahalikan mo na naman ang mga babaing makikita mo"
"Manahimik ka na nga lang, K"
Agad kong binaba ang linya at binalik sa aking bulsa ang cellphone.
Lumapit at tumani ako sa babaing nakatingin pa rin sa dagat.
"Hindi ka ba nangangalay? Kanina ka pa nakatayo at nakatingin sa dagat"
Lumingon naman siya sa 'kin at ngumiti.
"Pasensya na, hindi ko lang maiwasan pagmasdan ang magandang tanawin" sabi niya
"Parang pamilyar ka sa 'kin"
"Nagkita na ba tayo?"
"Hmm, ngayon lang kita nakita" sagot niya
YOU ARE READING
J. B. S. A. E Series Characters
Short StoryOne Shot Stories Series #1 • Seventeen Years Gap - Ahron Series #2 • First Love - Mhyro • Love is... - Arian • You're My Cup of Tea - Eliseo Series #3 • You are the Light of My Life - Samantha • The Dating Game - Laurel Series #4 • Beautiful in...