Under the Woman that I Love

20 3 0
                                    

Ellaipse POV

"Hoy! Hindi ka pa ba tapos sa labahin mo?"

Tingnan mo 'tong girlfriend ko kung makautos parang asawa na niya ako.

Napaka-sweet talaga nito.

"Sasamahan mo pa ako mag-grocery"

"Kanina ka pa naglalaba diyan"

"Napaka-bagal mo talaga"

Nandito ako ngayon sa C. R naglalaba habang ang girlfriend ko ay nanonood ng paborito niyang action movie.

"Malapit na ako matapos Honey"

"Huwag ka na magalit, sige ka baka maging dragon ka na sa panonood mo"

"Manahimik ka na nga lang at tapusin mo na ang paglalaba" sabi niya

Cringg

Sinagot ko ang tawag kahit na nakapatong sa upuan ang cellphone ko.

"E, sama ka sa 'min pupunta kami mamaya sa bar" sabi ni C. L

"Ang dami kong ginagawa ngayon"

"Pinapahirapan ka na naman ba ng girlfriend mo?" Tanong ni B

"Mamaya pa naman 'yon E, pwede ka pa humabol" sabi ni C. A

"Ayaw ko talaga ka"

"Ayaw mo ba talaga o sadyang ayaw ka payagan ng girlfriend mo?" Tanong ni B

"Desisyon ko 'to, walang kinalaman si Xeara dito"

"Alam mo Ellaipse, bakit ka pumapayag na maging under ka ng girlfriend mo?" Tanong ni C. L

"Dahil alam ko na ito ang makakabuti sa relasyon namin"

"Masama ba ang maging under ng girlfriend?"

"Ang alam ko kasi, walang masama sa pagiging under ng girlfriend"

"Ang masama 'yong niloloko at sinasaktan mo ang girlfriend"

"Iyon ang masama"

"Pero hindi mo nagagawa ang mga gusto mo" sabi ni B

"Nagagawa ko ang mga gusto ko"

"Nagagawa ko pumunta sa bar"

"Nakikipag-harutan ako sa mga babae"

"Minsan lang ako kung umuuwi"

"Hindi siya nagagalit dahil lahat ng ginagawa ko pinapaalam ko sa kanya"

"Ako ang may gusto ng ganitong sitwasyon"

"Hindi niya ako pinipilit na gawin ang mga bagay na 'to dahil kusa ko 'to ginagawa"

"Ayoko na masama ang tingin ninyo sa girlfriend ko"

"Iba talaga kapag tinamaan ng pagmamahal" sabi ni D

"Dadating din na magmamahal kayo"

"Bye na sa inyo"

"Tapusin mo na ang paglalaba mo" sabi ni C. A

Binaba ko na ang linya at pinagpatuloy ang paglalaba.

Ilang minuto ay natapos na rin ako sa paglalaba agad ko naman ito sinampay.

Na matapos sa pagsasampay ay naramdaman ko na may yumakap sa likod ko.

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now