So This is Love

14 3 0
                                    

Hazel POV

"Mom, may tanong po ako sa inyo" sabi ni Ayessa habang kumakain ng french fries

"Ano 'yon anak?"

Nandito kami ngayon sa mall kakatapos lang namin manood ng cine.

"Si Daddy po ba minahal ninyo?"

"Hindi" sagot ko

"Bakit po hindi ninyo minahal si Dad?" Tanong ni Ayessa

"Siguro ay dahil hindi tumibok ang puso ko sa kanya" sagot ko

"Lahat naman po ng tao tumitibok ang puso kapag buhay"

"Bakit po hindi tumitibok ang puso ninyo kay Dad?"

"Dahil hindi ko siya mahal, may mga katangian ang Dad mo na hindi ko gusto kaya hindi ko siya nagustuhan at minahal" sagot ko

"Ang hirap po pala magmahal"

Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi.

"Huwag mong sabihin na mahirap magmahal dahil hindi mo na pala namamalayan na mahal mo na pala siya"

"Ang bata-bata mo pa Ayessa kaya huwag mo muna isipin ang bagay na 'yan"

"Mag-aral ka muna"

Hinawakan ni Ayessa ang magkabilang kamay ko at binaba ito.

"Mag-aaral po muna ako Mom" sabi niya

Pinagpatuloy na ni Ayessa ang pagkain ng french fries.

Nakita ko na nandito ang dalawang tauhan ni Thun kasama ang isa sa mga bisita ni Alice noong kaarawan ng triplets.

Papalapit ito sa gawi namin.

Doon ko napansin ang mukha ng lalaki.

Siya si Raven Santos, tama ako dahil ilang beses siya nagpakilala sa 'kin. Ngunit hindi ako nagpakilala sa kanya.

"Ayessa" sabi ni Raven

Tumayo at tumakbo si Ayessa papunta sa kanya.

Magkakilala sila? Paano?

"Ipapakilala ko po kayo Daddy Raven kay Mom"

Daddy Raven? Kailan niya pa 'yan naging Daddy?

Na makalapit sila sa harap ko ay huminto na sila sa paglalakad.

"Mom si Daddy Raven po" sabi ni Ayessa

Tumingin naman ako sa kanya nakita ko na ngumiti siya.

Dug dug dug dug

Ito na naman ang puso ko.

Hindi 'to ang unang beses na mangyari 'to dahil ang unang beses ay 'yong unang kita ko pa lamang sa kanya doon sa kaarawan ng triplets.

Hindi na 'to normal, sakit ko na yata 'to.

Kinuha ko ang kamay ni Ayessa at pinalapit sa 'kin.

"Di ba ang bilin ko sa 'yo ay huwag kang makikipag-usap sa masasamang tao?"

"Pero hindi po masama si Dad Raven" sabi ni Ayessa

"Kahit na, hindi kati-katiwala ang mukha niya"

"Grabe ka naman, sa mukha kong 'to sasabihin mo na hindi kati-katiwala" sabi ni Raven

"Tumahimik ka nga Raven"

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now