Kian POV
Nandito ako ngayon sa loob ng bahay nila Nicole kagagaling ko lang sa C. R, papunta sana ako ngayon sa labas ng bahay kung nasaan si Gian.
Na makasalubong ko si Nicole.
"Kian"
"Hindi ako si Kian ako si Gian" sabi ko
"Ikaw si Kian"
"Matagal kong kilala at nakakasama si Gian kaya kilalang-kilala ko siya"
"Ang sabihin mahal mo pa rin si Gian" sabi ko
"Ikaw ba Kian, mahal mo pa rin ba si Mayca?"
"May pag-asa ba na magkabalikan kayo?"
"Lalo na't may dahilan para magkalapit muli kayo"
Anong dahilan?
"Gusto ko lang malaman mo nandito na siya sa Pilipinas"
"Mauuna na ako may gagawin pa ako"
Umalis na si Nicole at ako naman ay pumunta na sa labas.
"Watsup Lonely...."
Hindi ko natapos ang sasasabihin na makita ko si...
"Mayca" Sabi ko
"Babe"
"Nandito ka pala"
"Anong Babe? Walang tayo" tanggi ko
"Ang sabi mo sa 'kin kagabi o Mayca Forez comeback to me" sabi ni Mayca
Kahit kailan talaga napaka-sinungaling ng babaing 'to.
"Sinungaling ka, kahit kailan sinungaling ka"
"Huwag kang maniwala sa kanya Gian"
"Sasamahan mo ako maglibot dito" sabi ni Mayca
"Ayaw ko, maglibot ka mag-isa mo"
"Sasabihin ko kina Tita Novie at Tito Nike na may nangyari sa 'tin" pananakot ni Mayca
Talagang alam niya ang kahinaan ko.
"Anak ng kagang, walang nangyari sa 'tin at mas lalong hindi tayo magkasama kahapon"
Maghapon ako nasa bahay ni Abrian.
"Sa tingin mo ba maniniwala sina Tita at Tito sa 'yo?" Ngiting tanong ni Mayca
Bigla naman ako natahimik dahil alam ko sa aking sarili na, hindi maniniwala sina Mom at Dad sa 'kin.
"Samahan na kita, bwiset"
"Maiwan ka na namin Gian" paalam ni Mayca kay Gian
Habang naglilibot kami ay hindi ko maiwasan ang humanga sa ganda ng hacienda nila Nicole.
"Picturan mo ako Babe"
Inabot niya sa 'kin ang dala niyang camera.
Wala kaming ginawa kung hindi ang kumuha ng litrato.
Photographer na pala ako ngayon.
YOU ARE READING
J. B. S. A. E Series Characters
Short StoryOne Shot Stories Series #1 • Seventeen Years Gap - Ahron Series #2 • First Love - Mhyro • Love is... - Arian • You're My Cup of Tea - Eliseo Series #3 • You are the Light of My Life - Samantha • The Dating Game - Laurel Series #4 • Beautiful in...