Forever Your Guy

14 3 0
                                    

Irwin Joshua POV

"Hindi ka ba aalis I. J?"

"Wala ka bang pupuntahan na iba?"

Lumingon naman ako kay A na umupo sa harapan ko.

"Bakit gusto mo ako umalis?Ayaw mo ba na nandito ako?" Tanong ko

"Hindi naman sa ganoon"

"Ang sa 'kin lang, baka may gusto kang puntahan, kausapin, makita at makasama"

Gusto kong puntahan si Summer para makabawi ako sa kanya.

"Kung ako sa 'yo maghanap ka na nag-girlfriend, napag-iiwanan ka na"

"May girlfriend ako" sabi ko

"Ano? Paano? Wala ka naman pinapakilala sa 'min" takang tanong ni A

"Ang totoo niyan 2 years na kami"

"Ang Mom at dalawang Kuya ni Summer ay ayaw sa 'kin"

"Ang buong akala nila ay hiwalay na kami ni Summer pero kami pa rin"

"Gustong-gusto nina Mom at Dad si Summer para sa 'kin"

"Bakit ayaw ng parents ni Summer sa 'yo?" tanong ni A

"Matanda daw ako sa kanya"

"Mas bata si Summer sa 'kin"

"Pitong taon ang agwat namin"

"Anong magagawa namin? Mahal namin ang isa't-isa"

"Ilang beses ko na rin kinausap ang Mom at Kuya ni Summer para tanggapin nila ako sa kanilang anak"

"Kahit na noong nalaman nila na boyfriend ako ni Summer hanggang ngayon na alam nila na wala na kami ni Summer"

"Sinong Summer? Baka may maitulong ako" tanong ni A

Hindi ko nasagot ang tanong ni A na biglang may tumawag kay A.

"Sir. A, nandito po sina Ma'am Alice at  Prince"

Pagkatapos sabihin ni Manang ay agad siyang umalis.

"Prince" sabi ni A

"Sinamahan ko lang si Tombs, gusto niya raw makausap si Ellaine" sabi ni Thun

"Nasa loob si Queen" sabi ni A

"Mamaya na lang ako papasok sa loob" sabi ni Alice

"Mabuti naman dahil walang aalalay sa 'yo Tombs"

"Hindi naman ako baldado" sabi ni Alice

"Kahit na, mas maganda na 'yong nag-iingat"

Hindi na nagsalita si Alice.

"Bakit parang ang konti ng tauhan mo A?"

"Pinag-babakasyon ko muna" sabi ni A

"Bakit nandito si I. J? Hindi ka ba magbabakasyon?" Tanong ni Prince

"May problema siya"

"Problema sa pag-ibig"

"Ano bang pangalan ng babaing pino-problema mo? Idadaan ko sa dahas para hindi mo na problemahin" sabi ni Prince

"Si Summer Llamedh" sagot ko

"Si Sum"

"Kilala mo si Sum? Paano?"

J. B. S. A. E Series CharactersWhere stories live. Discover now