CHAPTER 4: Shocked

87 60 40
                                    


Ara's POV

Katatapos lang namin na pag-usapan ang nangyari kanina kasama ang guidance counselor na si Ms. Espe.
Pinapunta pa kaming dalawa ni Chai sa office ni Sir Nero para pagsabihan.

Humingi naman ng tawad sa akin si Chai dahil sa ginawa nitong pang-bubully sa akin kanina pero napaghahalataan ko naman na napipilitan lamang siyang gawin ito. Hindi ko rin maiwasan na mabagabag. Kanina kasi medyo naguguluhan ako sa kinikilos ni Sir, lalo na roon sa nasambit niya sa akin bago siya lumabas sa opisina.

FLASHBACK

''Ms. Mendoza, I am warning you kapag naulit pa ito ay maaari kang mapatalsik sa paaralan na ito," seryosong pagpaalala ni Sir Nero.

"Yes sir hindi na po mauulit!" madiin na pagkakasabi ni Chai. Tsk! Pati ba naman sa guro wala rin itong respeto. Ugaling eskwater talaga.

"Dapat lang kapag inulit mo pa ito hinding-hindi ka na makakatungtong sa paaralan na ito," ani ni Sir na may halong pagbabanta.

Lihim namang napairap si Chai at nginisihan ako. She's weird. Sa bagay, lagi naman.

Lumingon naman si Sir sa kinalulugaran ko at ngumisi pa sa akin. Bahagya akong nagulat sa ginawa niya pero hindi ko na lang pinahalata. I purse my lips into a thin line. Pero hindi ko maiwasang hindi mabagabag. Iyong ngisi kasi ay nakakakilabot. Kulang na nga lang ay magsitayuan ang mga balahibo ko. Ang creepy lang kasi ng ngiti niya, para may pinahihiwatig na hindi ko naman matumpok kung ano.

Bumalik ulit ang tingin ni Sir kay Chai at naging blangko ang kaniyang awra. Something's fishy here. Kung ano naman bagay na iyon ay aalamin ko.

"Say sorry to her," wika niya na may halong pagtitimpi.

"Tsk. I will never do that over my dead body---" Nagulantang kami nang paluin ni Sir ang mesa na naging sanhi ng malakas na ingay.

"Whether you like it or not you have to do it because I'm warning you Ms. Mendoza. Hindi mo magugustuhan ang ibibigay kong parusa sa'yo." Umiirap naman si Chai at padabog na humarap sa akin.

"Sorry!" pasigaw niyang sabi sa akin. Walang respeto talaga. Lumingon naman ito kay Sir at nginisihan. "Satisfied?" walang ganang tanong nito kay Sir. Napailing na lang ako. Tsk. Walang modo talaga.

" 'Wag mong sagarin ang pasensya ko Ms. Mendoz---" Napatigil si Sir nang tumawa ito nang malakas pero hindi abot hanggang mata.

"Me too. Wag mo ring sagarin ang pasensya ko. Alam ko lahat ng sekreto mo, gusto mo ba sabihin ko sa harap ng babaeng gusto mo?"Lumingon naman si Chai sa akin habang nakangisi.

Sino kaya ang babaeng gusto ni Sir? Balita ko hindi pa ito nagkakaroon ng kasintahan. Nasa tatlong taon ang tanda nito sa akin. Gwapo naman si Sir. Halos nasa kaniya na ang katangian ng mga kalalakihan. Marami rin nagkakagusto sa kanya na kapwang guro niya na babae pati rin mga naging estudyante niya. Malakas din ang sex appeal niya. Mayroon siyang makakapal na kilay, matangos na ilong at mapulang labi na mas lalong nagpapakisig sa kaniya.

Teka lang, pinagnanasahan ko ang sarili kong guro? Kamomove on ko lang kay Leo tapos dadagdagan mo pa ulit ng ikakawasak ng puso mo. Hay naku hindi na talaga ako nadala.

"Shut the hell up!" singhal ni Sir ng padabog na itong tumayo sa kaniyang upuan na gawa sa kahoy.

"Oh come on, Mr. Nero. Ayaw mo ba ipaalam ko sa kan'ya--"

"Leave!" nagpipigil na ani ni Sir at tinuro ang pintuan palabas. Padabog namang lumabas si Chai. Agad naman ako naalerto at akmang susunod sa kaniya pero pinatigil ako ni Sir.

"Maiwan ka muna dito, Ms. Dela cruz." Iminustra niya ang upuan na nasa tapat ng mesa niya. Agad naman akong umupo.

"I'm sorry for what Chai did to you," seryosong pagkakasabi ni Sir sa akin.

Justice In Secrecy [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon