Abala ang lahat sa pagpack ng gamot na nagawa namin. Mamayang alas tres ng hapon iyon idedeliever sa isolation center.
Hindi maitago ang ngiti sa aming labi. Maaaring temporary lamang ang gamot na ito ngunit para sa amin malaki ang tulong nito.
Habang nagpapack ang mga kasamahan ko, may napansin akong kakaiba. May sugat si Amilia sa may parteng daliri. Hindi iyon normal na sugat lamang. Titig na titig ako roon ng biglang...
"Pag ito tumingin, tanga to" nagising ang ulirat ko sa boses ni Jovert.
At syempre hindi ako tanga kaya di ako tumingin.
"Hoy pre!" tawag nyang muli.
"Oy pre! Takte bungol ka na? "Sa sandaling iyon humarap ako sa kanya.Kinapitan ko ang kwelyo niya sabay lapit ng bibig ko sa tenga nya at sumigaw ng malakas
"BALOT PENOYYYYYYYYYY""Takte pre nabingi ako" saad nya bakas ang galit sa boses niya
"Oh ano ka?sinong bungol ngayon? Ano ba kasi yon tawag ka ng tawag, nawawala ka ba?" Natatawang sagot ko.
"Takte, wag mo kasing titigan si Amilia. Naiinlove ka tuloy tapos nawawala sa focus. Siguro mga sampung beses na kitang tinawag pre. Sabi ko kulang na yung Blister kaya kelangan na din nating gumawa". Totoo ang sinabi nya, maging mga blister ay kami ang gumagawa. Wala kaming aasahan sa gobyernong makasarili.
"Nakakaiyak naman yang kwento mo pre, bat di mo isulat at gawing libro baka sakaling sumikat ka?" Pangbabara ko.
Hanggang sa tapat ng DPH-270/330/380D - High-speed Blister Packing Machine, si Amilia pa rin ang iniisip ko. Sana mali ang kutob ko.
Amilia Dialing...
[Alam kong napansin mo.] wala pa man akong sinasabi ay naintindihan nya na agad ang rason ng pagtawag ko.
"Kailan pa yan?" Tanong ko. Alam kong bakas ang pag aalala sa tono ng pananalita ko.
[Kanina lang. Magpapa-admit na ko. Di na kita makikita] umiiyak na sya.
Sa totoo lang hindi ako sanay na ganyan ang boses nya. Ang sakit. Maaring hindi ko gusto si Amilia pero kaibigan ko pa din sya.
"Kaya mo yan, wag ka susuko. Hahanap tayo ng gamot." wala sa sariling sambit ko.
[Bago mo hanapin ang solusyon, alamin mo muna kung saan nagsimula.] Namatay ang tawag.
Ito ang nakakapanlumo. Yung taong kausap at nakikipagkulitan sayo noong nakaraan ay biglang mawawala sa isang iglap lamang.
Imbis na umiyak at magnukmok, mas minabuti kong gumawa ako ng aksyon. Sa ngayon, mas madami na akong rason para makabuo ng panibagong gamot. Para sa mga kaibigan ko, at para sa mga mahal namin sa buhay, HINDI AKO SUSUKO.