Alas dose, tirik na tirik ang araw.
Mainit ang panahon at kakatapos lang pananghalian.Ano nga bang aasahan ko? Edi mga tulog na kaklase. Mga tulog din ang Prof. Balibhasa walang activity at kakatapos lang ng laboratory exam kanina.
Estudyante pa lang kami pero exposed na kami sa pag experiment ng iba't ibang uri ng gamot. Lahat ay abalang makaimbento ng gamot pero hindi ganon pag araw ng Biyernes.
Biyernes lang ang pahinga naming lahat. Pwedeng pa-easy easy lang pero ayaw ko ng ganon. Kailangan na namin makahanap ng lunas. Kung ako lang ang masusunod hindi ako papayag sa gantong pamamalakad pero dahil yun ang napag botohan at napagsang-ayunan ng mga nakakatanda— Wala akong magagawa.
Kinuha ko ang isang disposable bottle at pinukpok isa isa ang mga kaklase ko.
"Ang epal naman yon"
"Weeee pasikat"
"Kulang ka sa bakuna?"
" Gago kase nanghahampas kala mo naman pogi eh ako lang ang pogi dito"
" Pasalamat ka crush kita Dem, kundi sinabihan ko na si daddy na dalhin ka sa isolation center"
Kanya kanya sila bulyawan sakin. Pero pinakamatinis talaga ang boses ni Amilia. Matagal na kasing may gusto sakin yan simula grade three kami pero ekis ka sakin yang babaeng anemic na yan. (sobrang puti kasi) May bebe Cally ako. Tatlo lang ang babae dito sa room namin. Madalas kase Botany ang Major nung mga babaeng nag eenroll dito. At sa tatlong babaeng kaklase ko, wala akong type kahit isa.
Tuloy pa rin ang bulyawan ng mga hunghang.
BAHALA SILA JAN. MAG AMOK SILA HANGGANG GUSTO NILA.
Bakit ko sila hinampas?
Wala lang trip ko lang.
.
.
.
Deh joke lang,
Hindi ko pa kasi tapos yung isang gamot na ginagawa namin. Gusto ko na matapos yon. Isang skin medicine yon. Temporarily, mawawala yung mga sugat-sugat sa katawan kapag ininom yon.Mga tatlong araw ang itatagal ng bisa non at kada pitong araw kang pwedeng i-take. Pero hanggang ngayon hindi ko pa mabalance ang mga active pharmaceutical ingredients katulad ng hydrocortisone na isa sa core ng aking gamot. Kaya bilang mabait na estudyante, tama lang na gisingin ko sila para tulungan ako. Para sa lahat naman tong gamot na to eh.Hindi naman ako yung tipo ng lalaking masungit at tutok sa pag aaral. Sa totoo lang sobrang palangiti ako. Mahilig din akong tumawa at pinakapaborito ko ang mangbuyo pero hindi sa umaga.
Madalas tuwing alas dose ako nangungulit. Nakakatakot kasing maging masaya sa umpisa ng araw tapos papalungkutin ka sa bandang dulo. Sa umaga, kahit maganda ang gising ko hindi ako ngumingiti. Mas magandang malungkot sa umpisa kesa mamatay ako sa lungkot sa bandang dulo. Maganda pag happy ending.Pero sa totoo lang, Nakakatakot maging masaya."A-aray ko" mahinhin at mahina ngunit rinig ko ang bulong ni Eir, isa sa mga babae kong kaklase.
Sa totoo lang, maganda si Eir. Nung bata pa ko, lagi kong naiimagine ang itsura namin ni Cally pag laki namin. Halos gantong itsura ang naiimagine kong muka ni Cally. Magkaiba lang sila ng kulay ng balat. Mas makinis at mas maputi si Eir kesa sa Cally na nasa imagination ko, siguro dahil may sakit si Cally kaya ganon yung iniimagine pero kahit may sugat sugat si Cally, mahal ko sya at hindi ako mandidiri sa kanya. Ilang taon na din simula nung pinasok si Cally sa isolation center. Nakakamiss talaga sya.
"Sorry Eir, may tatapusin pa kasi tayo kaya ko kayo ginising." Paghingi ko ng tawad.
Tango lang ang isinagot nya sakin, palibhasa hindi makabasag pinggan ang kilos nya. Lahat ng kaklase ko, crush sya. Ako kase para lang talaga Kay...
"Mahal, akala ko gagawin natin to" malanding sabi ni Amilia patukoy sa gamot na finoformulate namin, habang pinipilit nyamg isinasabit ang kamay nya sa braso ko.
Sinamaan ko sya ng tingin at kahit naka-faceshield ako alam kong kita nya yon dahil transparent naman yon! Wag syang hunghang.
Agad nyang nilayo ang malandi nyang kamay sakin." HAHAHAHA Pre oh alcohol" si Jovert. Tumatawa sya habang inaabot sakin ang isang bote ng alcohol.
"Pre wag mong iinumin ha? Masama ang sobra" pang bubuyo ni Tofer. Alam nyang wala akong sakit kundi allergy. Allergy sa mahaharot na babae at si Amilia ang pinakabinagbabawal sakin dahil sya ang nagtritrigger ng allergy ko.
"Ayokong gamitin yan pre." Sagot ko sabay harap kay Amilia.
Tinitigan ko sya habang nakangiti at pinapapungay ko ang aking poging mga mata.
"Aww ang sweet naman. Type mo na ko no?" Matinis ang boses nya at sobrang sakit non sa tenga.
" Ayaw mo na mag alcohol kaya ibig sabihin, tanggap mo na aAaaaaaahhhhhh, kinikilig akoooOooooo". Dagdag pa niya
" Wag kang umasa Amilia, masasaktan ka lang." saad ko.
" Hindi na ko gagamitin ang alcohol kasi sa ilang taong paglapit mo sakin, napatunayan ko na tama ang hinala ko" nakatitig pa rin ako sa kanya.
" IKAW ANG 1% NG GERMS NA HINDI KAYANG PATAYIN NG ALCOHOL" sambit ko. Saka tumawa ang mga kaklase ko at nakitawa din sya.
Siguro normal na sa kanya na ganto ako. Ewan ko kung bakit ba nya ko ginugusto, alam nya nman na para kay Cally lang ako.
Hinayaan namin matulog ang Prof namin. Alam naming pagod sya dahil ang tulad nyang dalubhasa na ay hindi natutulog buong linggo. Biyernes lang talaga ang pahinga nila.
9:30 pm na, hindi pa rin namin natapos ang gamot na ginagawa namin pero ramdam ko na malapit ko nang mabalanse ang mga naturang sangkap ng aking gamot kaya naman napagdesisyonan naming umuwi na. Bukas na lang namin ulit itutuloy ang ginagawa namin.
Nagsuot na ko ng PPE at lumabas na. Naglalakad na ko pauwi ng tumunog ang cellphone ko. Katulad ng inaasahan....
Cally<3 Calling ...
Sinagot ko agad yon, limitado kasi ang oras ng tawag. Simula 9 hanggang 10 lang kami pwedeng mag usap. 30 mins na lang ang natitira ayaw kong sayangin iyon.
[Ang sakit Dem. Ang sakit ng balat ko] naririnig ko ang iyak ni Cally sa kabilang linya.
"Wag kang mag alala malapit ko na matapos yung gamot na ginagawa ko."
[Dem, masakit talaga. Parang gusto ko na lang mamatay eh] bakas ang sakit sa boses nya.
"Anong tawag sa patatas kapag naging pulis?" Tanong ko sa kanya
[Ano?] Natatawa na sya. Alam nyang magbibiro na naman ako
" Edi po..fff... HHAHAHAHAH potato chip." Natatawang sagot ko. Corny, pero iyon ang paraan para mapangiti sya.
"Ikaw ha? Wag mong isiping sumuko. Kaya mo yan, kaya natin yan. Nandito ako para sayo." Saad ko sa pinamalambing na boses.
Namatay na ang linya, indikasyon na 10pm na at tapos na ang oras ng tawag. Nakarating na din ako sa bahay. Nag disinfect ako ng sarili ko at naligo. Matapos iyon, humiga na ko sa kama at natulog na.